CHAPTER SIX.

42 1 0
                                    

"Oh? Natutulog yung tao e.", daing ni Laine sa kung sino man ang nangangalabit sa kanya.

"Gising ka na. Nandito na tayo sa CIA.", sabi ni Jufferson sa tapat ng tainga niya.

Biglang siyang napadilat. Nasa Ciampino Airport na sila! Na-excite siyang bigla.

"Talaga?", tuwang-tuwang tanong niya.

"Oo. Bakit parang tuwang-tuwa ka? First time mo ba dito sa Rome?", tanong ng Jufferson.

"Tuwang-tuwa talaga ako no. Matagal ko na kasing gustong pumunta dito. Tara na! Gusto ko ng gumala.", excited na sambit niya.

Habang palabas sila ng airport, tawa ng tawa si Jufferson dahil sa sobrang kasiyahan niya. Patalon-talon pa siya.

"Saan ka mag-i-stay?", biglang tanong sa kanya nito.

Bigla siyang napatigil sa pagtalon. Hindi niya yun naisip kanina. Nasobrahan ata ang excitement niya. Saan nga ba siya tutuloy? Hindi pa niya alam.

"Oh, bakit bigla kang tumahimik? Wala ka pa bang matutuluyan?", tanong nito.

Ano ba 'tong lalaking 'to? Lahat na lang ata napapansin nito.

"Ah, hindi. Sa hotel ako tutuloy, syempre. E ikaw?"

"Sa hotel din. Ano'ng hotel ang tutuluyan mo?", tanong pa nito.

"Bakit? Pupuntahan mo 'ko?"

Yun na lang sinabi niya dahil hindi niya pa talaga alam kung saang hotel siya tutuloy. Patay na! Sana may mahanap kaagad siya. Ayaw niya namang sa unang araw niya sa Rome, sa kalye kaagad siya matutulog. At saka baka masira niya pa ang kagandahan ng lugar pag sa kalye siya natulog.

"Pwede rin.", natatawang sagot nito sa tanong niya.

"Ikaw talaga. Sige na. Mauna na 'ko. Didiretso na ko sa hote l na tutuluyan ko.", paalam niya.

Naglakad na siya kaagad palayo bago pa man siya tanungin na naman nito.

Laking pasasalamat niya at hindi na siya hinabol nito.

Hindi niya naman kasi masabi kay Jufferson na wala pa siyang matutuluyan dahil alam niyang pagtatawanan lang siya nito. Ang hilig hilig pa naman tumawa ng mokong na yun. Di naman nakakatawa mga pinagsasasabi niya pero tawa pa rin yun ng tawa. Ang lakas ata ng sapak nun sa ulo e. Tsk!

Nilabas niya ang phone niya at nag-search tungkol sa mga hotels sa Rome. Kailangan niyang makahanap kaagad. Gutom na rin siya. Gusto niya na ring ipagpatuloy ang naudlot niyang tulog. At higit sa lahat, gusto niya ng gumala. Nang may mapili na siyang hotel sa mga na-research niya, agad agad na siyang pumara ng taxi. Sinabi niya sa taxi driver kung saan siya nito dadalhin.

Kinakabahan siya. Dahil iyon ang kauna-unahang gala niya na walang kasama. At sa ibang bansa pa. Pero kailangang kayanin niya. Ang tanda na niya. Kailangan niya nang matutunan kung paano maging independent. Pero wala siyang pinagsisisihan sa desisyon niyang umalis muna ng Pilipinas. Para rin sa kanya yun. At sa mga taong mahal niya. Hindi siya nagpapapansin sa Daddy niya kaya niya yun ginawa. Aaminin niya, gusto niyang malaman kung mami-miss ba siya ng Daddy niya. Gusto niya ring mag-celebrate ng birthday niya na nag-iisa lang talaga. Yung tipong hindi siya naghihintay na may makaalalang batiin siya dahil alam niya na sa lugar na yun, wala yung mga taong mahal niya, wala yung mga taong nakakaalam ng lahat ng tungkol sa kanya.

Nang makarating na sila sa hotel na tutuluyan niya, nagbayad na siya sa taxi driver at bumaba.

"Thanks.", sabi niya sa driver at nginitian ito.

Tumango lamang ito bilang ganti.

Di niya napigilang mamangha ng makita niya ang Welcome Piram Hotel. Ang ganda-ganda nito. Lumapit na siya sa attendant.

"How may I help you, Ma'am?", magalang na tanong ng attendant sa kanya. Sa tingin niya, isa itong Pinay.

"I'm taking a room.", sagot niya.

"What type of room, Ma'am?"

"The double room.", nakangiting sabi ko. Nagtataka siguro marahil itong attendant kung bakit double room ang kinuha ko gayong nag-iisa lang naman ako. Malikot kasi akong matulog kaya kailangan ko ng malaking kama.

"Okay, Ma'am. Here's your room number and your key. Enjoy your stay here, Ma'am.", nakangiting sabi ng attendant.

"Thanks.", nakangiting sabi ko.

Pagkapasok ko sa kwartong tutuluyan ko, di ko na naman mapigilang mamangha. Napakaganda ng kwarto.

The room was made of marble, Venetian mosaics, and parquet.

Pagsisisihan niya na nga sana ang binayad niya sa attendant kanina. Pero sulit naman pala. Napakaganda talaga ng kwarto niya. Mapapasarap ata talaga ang stay niya sa hotel na yun.

At ang isa pang ikinaganda ng Welcome Piram Hotel, malapit lang ito sa Colosseum at Trevi fountain. Gusto niyang puntahan ang mga lugar na yun dahil isa ang mga yun sa main tourist spot sa lugar na yun.

Matapos niyang ayusin ang mga gamit niya, humiga na kaagad siya sa kama niya. Ang sarap sa pakiramdam. Makakapagpahinga na rin siya ng todo-todo. Pinikit niya na ang kanyang mga mata at natulog.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon