"Sigurado ka na ba sa gagawin mong paglalamyerda?", tanong ni Tintin.
"Ay, hindi. Kaya nga ako nandito sa airport para mag-isip kung aalis ba ko o hindi e.", pang-inis na sagot ko.
"Pwede rin.", nakaingos na sabi nito.
"Hay naku, friend. Kung ayaw mong mapalayo sa'kin, sumama ka na lang.", nakangiting sabi ko.
"Matanda ka na Laine. Hindi ka na kailangang samahan. Pag-iisip mo lang ang bata."
Gusto niya na tong batukan dahil sinabihan pa siya nitong isip-bata. Hindi niya alam kung bakit maraming nagsasabi na isip-bata siya. Isip-bata pa ba siya sa lagay na yun? Ang dami niya ng problema tapos ganoon pa ang tingin sa kanya? Ang mga tao talaga.
"Uy, friend! Natulala ka na diyan.", biglang sabi ni Tintin at kinaway kaway pa ang kamay sa harap ng mukha niya.
"Oh?", tanong ko.
"Napapaisip ka na kung itutuloy mo ba ang paglalamyerda mo no? Alam ko naman yun friend. Di mo kakayaning mapahiwalay sa'kin.", nakangising turan nito.
Binatukan niya ito ng wala sa oras.
"Aray ko naman.", nakangiwing saad nito.
"Kakapalan ng mukha teh. Bawas-bawasan.", natatawang sabi ko.
Ako naman tuloy ang nabatukan.
Natatawang niyakap niya ito.
"Mami-miss kita friend!", seryosong sabi ko.
"Mami-miss din kita. Ingat ka doon ah. Maghanap ka ng panibagong fafa doon. Ihanap mo rin ako ah."
"Oo na. Para sa'yo."
"Alam mo naman na type ko di'ba?", natatawang sabi nito.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at natatawang tumango.
"Sige na, friend. Baka maiwan ka pa ng piloto- este nung eroplano."
"Sige. Bye!", nakang iting paalam ko.
Nang nakasakay na siya sa eroplano, hindi niya maiwasang maalala ang mommy at daddy niya. Sila palagi ang mga kasama niya kapag nag-a-out of town sila. Naalala niya pa noong unang sakay niya sa eroplano. Talagang nagdasal pa siya para lang maging safe yung byahe nila. Napapangiti siya sa mga naiisip niya. Kasabay din noon ang matinding lungkot. Hindi na talaga siya nakapagpaalam sa kanyang ama tungkol sa gagawin niyang pagpunta ng Rome. Hindi siya nito hinayaang makapagpaalam. Ang tanging nagawa niya lang ay ang mag-iwan ng note dito bilang pamamaalam.
She mentally shook her head. Bakit ba iyon ang iniisip niya? Kaya niya nga naisip tong gala na to ay para makalimot kahit sandali lang pero parang pilit na nagsusumiksik ang mga problema niya sa kanyang isipan.
Ilang saglit pa, naramdaman niya ng may umupo sa tabi niya. Hindi niya na ito binigyan ng pansin dahil mas kailangan niyang mag-relax. Pero sa di niya malamang dahilan, tila tumibok ng mabilis ang kanyang puso. It may sound absurd, pero yun talaga ang nararamdaman niya. Titingnan niya na sana kung sino ang tumabi sa kanya nang maramdaman niyang bigla ang tila pag-angat ng eroplano. Napapikit siya ng mariin. Hindi siya takot pag lumilipad na ang eroplano. Sa katunayan, gustong-gusto niya yun. Siguro, dahil na rin sa bilis ng pagtibok ng puso niya ay napapikit siya. Hindi na niya nagawa pang tingnan ang mukha ng katabi niya.
Hindi niya namalayan na nakalapag na pala ang eroplanong kinasasakyan nila sa Beij ing. Doon kasi ang stop-over nila. Nag-ikot-ikot muna siya sa loob ng airport dahil alam niyang matatagalan pa bago sila umalis ulit at tumungo na sa Rome. Sa kakatingin niya sa mga nadadaanan niya, hindi niya namalayang may makakabangga na pala siya.
"Ay, pasensiya. Hindi ko sinasadya."
Muntikan niya ng mabatukan ang sarili niya sa pagsasalita ng Tagalog. Malay niya ba kung Pinoy tong nakabangga niya. Baka mamaya, iba pa ang naisip nitong ibig sabihin ng nasabi niya. Ngunit laking gulat niya ng biglang magsalita ang nakabunggo niya.
"Ayos lang. Pero next time Miss, tumingin ka na sa dinadaanan mo ah. Pangalawang bes na to na nakabunggo mo ko.", sabi ng nakabunggo niya.
"Oh! It's you! I'm so sorry. Mahilig lang kasi akong tumingin sa paligid ko.", sabi ko.
Ang nakabunggo niya ngayon ay yung nakabunggo niya rin sa coffee shop. Ang lalaking lumapit kay Carla.
"Mukha nga. Noong una, nakatungo ka. Ngayon naman, sa gilid ka nakatingin. Sana naman sa susunod, sa harap mo na ikaw nakatingin."
"Sige. Una na 'ko. Sorry ulit.", nakatungong sabi ko.
"Ayan na naman. Nakatungo ka na naman. Mag-usap muna tayo. Ako nga pala si Jufferson. Ikaw?"
Wala na siyang nagawa kundi ang makipagkilala na rin dito.
"I'm Laine."
"Nice to meet you, Laine. Hm, bakit ka nandito? Dito ka ba sa Beijing magbabakasyon?", tanong nito.
"Nope. Dito lang yung stop over namin. Pupunta akong Rome.", nakangiting sabi ko.
"Oh? Pareho pala tayo. Pupunta din ako dun e."
"Talaga?", nagliwanag ang buong mukha ko. May makak asama din naman pala ako doon kung saka-sakali. Ang kaso, baka sa ibang hotel siya mag-stay. Psh!
Magsasalita pa sana siya kaso biglang sinabi na aalis na ang flight nila.
"Tara na. Baka maiwan pa tayo ng flight natin.", sabi nito.
Umagapay na siya sa paglalakad nito para magkasabay sila.
Laking gulat niya dahil ito pala ang katabi niya sa eroplano kanina.
"Ang galing naman. Nagkita tayo sa Beijing Airport, tapos pareho tayong pupunta sa Rome, tapos magkatabi pa tayo dito sa eroplano.", nangingiting sabi niya.
"Oo nga e. Soulmates ata tayo.", sabi nito.
Napaubo siya dahil sa sinabi nito.
"Okay ka lang? Joke lang yun. Pasensiya ah.", nag-aalalang sabi nito habang hinahagod ang likod niya.
"Okay lang ako. Pambihira naman kasi yung joke mo."
"Akala ko pa naman totoo.", gusto niya sanang idugtong.
"Ang landi, teh!", anang bahagi ng utak niya.
Nagkwento pa ito ng nagkwento hanggang sa nakatulugan niya na ito. Di niya akalaing napakadaldal pala nito.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Teen FictionKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...