Ilang araw nang nagmumukmok sa kwarto niya si Laine. Ayaw niya na ngang lumabas sa kwarto niya. Kung hindi niya lang naiisip ang Dad niya, buong araw lang siyang magkukulong sa kwarto niya.
Hindi na kasi talaga bumalik si Jufferson. Hindi niya alam kung bakit. Wala siyang maisip na dahilan para gawin iyon sa kanya ni Jufferson.
Siguro, naisip nito na mahal pa talaga nito si Carla. At labis itong nasasaktan ngayon dahil malapit na itong ikasal kay Noel.
Ayaw niyang isipin na iyon marahil ang dahilan pero iyon lang naman ang tanging naisip niyang dahilan kung bakit bigla na lang nawala sa eksena si Jufferson.
Nakasilip siya sa kanyang bintana nang maramdaman niyang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Hilam pa sa luha ang kanyang mga mata. Kakagaling niya pa lang sa pag-iyak. Miss niya na kasi talaga si Jufferson. Nasasaktan pa siya kahit naman hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyayari sa relasyon nila.
"Bru..", narinig niyang sabi ng taong nagbukas ng kanyang pinto.
Si Tintin! Ang bestfriend niya! Gusto niya sana itong harapin dahil sobrang miss niya na rin ito pero hindi niya magawa. Baka kasi pagtawanan lang siya nito pag nakita nito ang hitsura niya.
"Bru naman, oh. Alam mo bang naka-sampung balik na ako dito sa bahay niyo? Lagi namang hindi kita nakakausap. Nagdra-drama ka daw kasi, sabi ng Dad mo. Paano ko pa mapapakilala sa iyo ang boyfriend ko niyan? E lagi ka na lang nagkukulong dito sa bahay niyo. Aba naman, friend. Miss na miss mo ba itong bahay niyo kaya hindi ka nalabas? Lumabas ka naman ng lungga mo kahit once a week lang. Malamang, nagsasawa na itong bahay niyo sa pagmumukha mo. Kung may paa at kamay lang itong bahay na ito, hinagis ka na nito palabas. Kaya please lang, lumarga naman tayo. Miss na kita, oh.", mahabang litanya ni Tintin.
Napangiti na siya. Mapapadali na siguro ang paglimot niya kay Jufferson. Nandito na ang bestfriend niya.
Makikigulo na lang siya sa buhay ng bestfriend niya. Baka mabaliw na siya kapag nanatili pa rin siyang nag-iisa.
Napagdesisyonan niyang gumala na nga para naman magkaroon sila ng bonding moments ng bestfriend niya. Matagal-tagal din itong nawala.
Nanatili pa rin siyang nakatalikod dito. "Bakit naman ngayon ka lang nagparamdam? Ang tagal mong nawala, ah. At ano iyong sinasabi mong may boyfriend ka na? Sino iyon? Iyon bang manliligaw mong pandak?", pinilit niya ang sarili niyang tumawa.
"Huwag ka na ngang magkunwaring natatawa. Baliw ito. At iyong tungkol sa boyfriend, wala ako nun. Nasabi ko lang iyon dahil alam kong mapupukaw ko ang atensiyon mo."
"Adik ka talaga.", tanging nasabi niya lang.
"Ano?! Alis tayo. Gala tayo. Para naman sumaya ka kahit papaano. Nag-aalala na sa'yo ang Dad mo. Hindi ka naman niya matanong nang maayos dahil lalaki daw siya at babae ka. Magkaiba daw ang likaw ng mga bituka niyo."
Nag-aalala ang ama niya? Kailangan niya na nga talagang lumabas. Ayaw niya nang pag-alalahanin pa ito ng mabuti.
"Sige na. Hintayin mo na ako dito. Maliligo lang ako.", paalam niya kay Tintin.
"Great idea! You stink, bru.", biro sa kanya ni Tintin at biglang humalakhak.
"Grabe ka. Naliligo pa rin naman ako araw-araw, no."
Hindi niya na hinintay pang magsalita ulit si Tintin. Pumunta na siya sa banyo at agad-agad na naligo.
Pagkatapos niyang maligo, bumaba na sila at nagpaalam sa kanyang ama. Agad namang pumayag ito.
"Mabuti naman at napilit mo iyang kaibigan mo. Hayaan mo siyang mangitim.", sabi ng kanyang ama kay Tintin.
Hindi na kasi natuloy ang balak nilang magbakasyon ng Dad niya dahil sa nangyari sa kanya. Hindi tuloy sila nakapag-bonding ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Teen FictionKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...