"So, girlfriend na pala kita. Ang bilis mo naman."
Tiningnan niya si Jufferson. Wala sa itsura nito ang pang-aasar.
"Salamat, ah.", sabi niya dito dahil sa pagpapagamit nito sa kanya kanina bilang boyfriend niya.
"Ayos lang. Buti nga ginawa mo yun e."
"Bakit naman?", nagtatakang tanong niya.
"Kasi kung hindi mo ginawa yun, ako ang gagawa nun. Ipapakilala kita bilang girlfriend ko."
Natanga siya sa sinabi nito.
"Bakit mo naman gagawin yun?"
"Kasi nandun si Carla. Yung ex ko. Hanggang ngayon kasi, sinisisi niya pa rin ang sarili niya. Hindi niya daw mapapatawad ang sarili niya sa pang-iiwan sa'kin hanggang hindi ako nakakahanap ng bago kong mamahalin. Ayoko namang sayangin niya ang panahon niya sa pag-iisip ng tungkol sa'kin. Dapat asikasuhin niya ang relasyon nila ni Noel."
"Ah, kaya pala."
Hindi niya akalaing sasabihin nito sa kanya ang tungkol sa bagay na yun. Masyado na yung pribado para malaman niya pa. Kakakilala pa lang nila pero nagtitiwala na kaagad ito sa kanya.
"Ikaw. Kilala mo pala si Noel?", tanong nito.
"Ah, oo.", tanging nasagot niya.
"Paano mo siya nakilala? Magkaibigan ba kayo?", tanong pa nito.
"Usisero ka rin e no."
"Syempre kailangan kong malaman ang relasyon niyo. Boyfriend mo ko, wag mong kakalimutan. Ikaw pa mismo ang nagpakilala sa kanya ng tungkol sa'kin."
May punto nga ito. Ibig sabihin, kailangan nitong malaman ang buong katotohanan ng tungkol sa kanila ni Noel.
Wala na siyang iba pang choice kundi ang sabihin dito ang tungkol sa nakaraan nila ni Noel .
"Ano na? Ano'ng relasyon niyo?", ulit pa nito.
"Si Noel. Ex ko siya."
"Ex-what? Classmate? Boyfriend? What?"
Gustong-gusto niya na talagang batukan tong mokong na to.
"Malamang ex-boyfriend. Gamitin ang utak ah.", naiinis na sabi niya.
"Ikaw talaga. Ganyan ka ba kay Noel nung kayo pa? Madaling mainis.", natatawang sabi nito.
"Wala ka nang pakialam dun!"
"May pakialam ako no. Ako na ang boyfriend mo ngayon. Paano na lang pag nakita nila ulit tayo? Tapos magtanong ng tungkol sa relasyon natin. Ano tayo nun? Nganga na lang. E di nabisto pa tayo na nagkukunwari lang tayo.", mahabang paglilitanya nito.
"Okay. Ayusin natin tong relasyon-kuno natin. Saan tayo mag-uusap?"
"Wala akong maisip. Kasi naman e. Umalis alis pa tayo dun sa restaurant."
"Ang tindi. Adik ka pala. E nandun nga sila e. Baka marinig pa nila yung pinag-uusapan natin. Hindi pa man tayo nakakapagsimulang magkunwari, mabibisto na kaagad tayo. Utak, Jufferson ah. Utak! Paganahin mo."
"Nakuu! Kung hindi ka lang babae, binatukan ng kita.", nanggigigil na sabi ni Jufferson.
Natatawang binelatan niya ito.
"Aba naman talaga tong babaeng to!", dugtong pa nito.
Halatang inis na inis na ito sa kanya. Namumula na kasi ang mukha nito sa sobrang inis.
Siya naman, tawa lang ng tawa.
Ang sarap kasing inisin nito. Ang daling mapikon pero ang hilig din namang mang-asar. Diba naman.
Tinigilan na niya ang pang-aasar dito dahil baka bigla na lang siyang batukan nito. Baka masobrahan na siya sa pang-aasar dito at baka kahit pa babae siya ay magawa siya nitong patulan.
"Okay. Titigilan na kita. Pag-usapan na natin ngayon ang tungkol sa relasyon natin.", panimula ko.
Hindi nagsasalita si Jufferson. Pulang-pula pa rin ang mukha nito. Sa tingin niya, nainis talaga ito ng bonggang-bongga. Yung bibig niya naman kasi. Ayaw tumigil sa pagdaldal. At ang utak niya naman, ayaw tumigil sa pagproseso ng mga salitang makaka-offend dito.
"Uy, sorry na. Hindi na kita iinisin. Dali na. Pag-usapan na lang natin ang tungkol dito sa relasyon natin para hindi sila maghinala."
Ilang minuto pa ang hinintay niya bago ito nagsalita.
"Game. Pag-usapan na natin. Pasensiya na kung medyo nanahimik ako. Hinihintay ko lang naman kasi kung paano mo ko lalambingin. Kaso, wala ka naman atang balak gawin yun."
"Nyak! Ganun ba. Oh, lika dito, babe." Niyakap niya si Jufferson at hinagod-hagod ang likod nito.
Naramdaman niyang nanigas ang katawan nito pero sandali lang yun. Hindi lang siguro ito makapaniwala na bigla na lang siyang nangyakap.
Kumalas siya ng yakap dito.
"Ano? Okay na ba? O mag-iinarte ka pa rin?", pagbibiro niya.
Nakatulala lang ito sa kanya.
She snap her fingers in front of him. At mukhang natauhan naman ito.
"Ano. Tara na. Pag-usapan na natin."
Napapailing na lang siya sa naging reaksiyon nito.
"Planuhin natin ang tungkol sa pekeng relasyon natin. Kung paano tayo nagkakilala, kung paano tayo nagkamabutihan, at kung paano mo ako napasagot.", dagdag pa nito.
Napaubo siya ng marinig ang huling sinabi nito.
"Hoy! Ano'ng kung paano kita napasagot? Magmumukhang hindi kapani-paniwala yan. Shytype kaya ako. Ni hindi nga ako marunong magpa-cute sa lalaki e.", sabi niya.
"Hay naku. Wag ka ng magreklamo, okay? Ayusin na lang natin to para matapos na. Para hindi tayo mahirapang magkunwari. Dapat pang-FAMAS yang acting mo ah."
"Yes, Direk."
Goodluck naman sa kanilang dalawa. Sana hindi sila mahalatang nagkukunwari lang. Sana mapanindigan niya ang ROLE niya. Hindi siya pwedeng magmukhang kaawa-awa sa paningin ni Noel.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Teen FictionKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...