LAINE's POV.
"Ayoko ng maglaro. Tama na itong five thousand sa'kin.", bulalas niya.
Hindi naman sa takot siyang mabawi nito ang perang napanalunan niya. Natatakot lang siya kapag hinalikan ulit siya nito. Baka hindi niya na kayanin pang humiwalay dito. Kagaya na lang kanina. Kung hindi pa biglang pumasok sa isipan niya na mahal pa nito si Carla, nunca na tigilan niya ang paghalik sa mga labi nito. Natakot pa siya ng hindi ito tumugon sa halik niya. Naisip niya na hindi siguro ito nasasarapan sa halik niya. Pero nagkamali siya. Tinugon nito ang halik niya. Hindi niya akalain na ganoon ito kasarap humalik. Ni hindi niya nga naramdaman ang ganoon pag si Noel ang humahalik sa kanya. Kay Noel, isa lamang ordinaryong halik iyon para sa kanya. Pero ang halik na pinagsaluhan nila ni Jufferson, it was special.
"Weh? Takot ka lang yatang mahalikan ko ulit, eh. Huwag kang mag-alala. Pag nag-dare ka ulit, hindi na kiss ang sasabihin ko. It will be more than that.", nakangising sabi nito.
Binato niya ito ng unan. "For all we know, nasarapan ka sa kiss ko.", sabi niya.
"Asa naman." Umakto pa itong nasusuka.
"Yabang nito!"
Tumawa ito. "Kwentuhan mo naman ako tungkol sa Pantheon. Nagandahan ka ba?", tanong nito.
"Hindi mo pa ba napansin nung kasama mo ko? Manhid lang?", pang-aasar niya.
"Ang hilig mo mang-asar. Gusto ko lang naman malaman, e."
"Paano naman kasi. Ang tinatanong mo, yung halatang alam mo na ang sagot. Psh!"
"Gusto ko lang malaman direkta sa'yo. Ayoko namang manghula na lang basta. Baka sabihan mo na naman ako ng feeling.", sabi ni Jufferson.
Natawa siya sa sinabi nito. Ang lakas niya din naman kasing mangbara. Baka nga sobrang inis na ito sa kanya. Pinagbibigyan lang siya nito kasi babae siya. Hindi rin naman kasi ito nagrereklamo kaya hindi niya tinitigilan ang pang-iinis dito.
"Sobrang nagandahan ako. Babalikan ko ang lugar na iyon pag may chance na bumalik ako dito sa Rome.", sabi niya. "Okay na? Alam mo na sagot ko sa tanong mo.", natatawang sabi niya.
"Wuu! Grabe lang. Kailangan ko munang makatikim ng sandamakmak na pangbabara bago mo sagutin ng matino ang tanong ko."
"Naiinis ka na ba sa akin? Pasensiya ka na, ah. Di ko lang talaga mapigilan. Ang sarap kasi ng feeling pag may binabara ako sa mga kausap ko.", natatawang sabi ko.
"Ano'ng lasa?", pang-asar na tanong nito.
"Wow naman! Natututo ka na, ah. Baka sa mga susunod na araw, magkabugbugan na tayo dahil sa inis natin sa bawat isa.", sabi ko.
"May chance.", natatawang sabi ni Jufferson. "Ikaw lang din ang nag-iisang babae na sinasabihan ako ng ganyan. Lahat kasi ng mga nakikilala kong babae, puro sweet words ang mga sinasabi sa akin. Kulang na nga lang ligawan nila ako, e.", pagmamayabang nito.
"Sorry ka na lang. Hindi ako kagaya ng mga babaeng iyon.", sabi ko.
"Nagpapasalamat nga ako, e. Dahil alam ko namang wala kang kakayahan para magpakita ng sweetness. Bitter ka kasi.", pang-iinis pa nito.
"Nye, nye.", sabi niya. Ayaw niya na lang patulan pa ito. Baka kasi umabot pa sa puntong gawin nitong pang-inis sa kanya si Noel. Baka masuntok niya pa ito.
"Uy, naiinis siya, oh.", sabi ni Jufferson.
"Hindi, ah.", sabi ko at kinuha ang aking cellphone.
"Ano'ng gagawin mo?", tanong nito.
"Maglalaro.", sagot niya.
Nakita niya pang kumunot ang noo nito. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Para siguro dito, pangbata lang ang mga laro sa cellphone. Bakit kaya hindi niya i-try. Siguradong mawiwili din ito.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Novela JuvenilKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...