CHAPTER SEVENTEEN.

46 0 0
                                    

Ayaw niya pa sanang mahiwalay dito pero kailangan na nitong umalis. May sarili din itong buhay na inaasikaso nito.

Naabala niya na nga ito sa date nito kanina dahil hindi siya ma-contact nito sa cellphone niya. Nakakahiya naman kung magpapasama pa siya dito ng mga oras na iyon.

Kaya niya na rin naman ang sarili niya. Kahit pa teenager lamang siya, kaya niya ng maging independent. Ayaw niya rin na masyadong dumepende dito.

Hindi niya na nagawa pang ipaalala dito ang usapan nila na magkita ng maaga kinabukasan para sa gala nila dahil sa hiyang nararamdaman niya.

Bahala na lang bukas. Pag hindi siya pinuntahan nito, siya na lang mag-isa ang gagala.

Naisipan niyang gumala na lang ngayon. Mag-iikot-ikot siya malapit sa hotel na tinutuluyan niya. Wala rin naman siyang magawa.

Nang pagkalabas niya sa hotel, nakita niyang magkasama sila Noel at Carla. Hindi niya na nagawa pang magtago dahil nakita na siya ni Carla.

Kinawayan siya nito. Gumanti siya ng kaway. Nilapitan siya nito. Lagot na! Malamang na magtatanong ito kung bakit hindi niya kasama si Jufferson.

"Hi, Laine. Kamusta na?", pangangamusta ni Carla.

"Ayos naman. Ikaw?"

"Ayos lang din. Nasaan si Jufferson? Bakit hindi mo siya kasama?"

"May kaunting tampuhan lang kami. Maaayos din iyon. Alam ko namang hindi niya ako matitiis.", pagsisinungaling ko.

"Ah. Kaya pala. Gusto mo sumama ka na lang sa amin."

"Hindi na. Tinatamad din naman ako. Dito dito lang ako mag-iikot. Magpapalipas lang ako."

"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Una na kami. Ingat ka. Sana magkaayos na kayo ni Jufferson.", sabi ni Carla.

"Sige. Salamat. Ingat din kayo.", sabi ko.

Nilingon ko si Noel. Tumango lang ito at nginitian siya. Ginantihan niya naman ito ng matipid na ngiti.

Nag-ikot-ikot siya sa paligid ng hotel. Balak niyang magpaabot ng gabi doon. Gusto niyang pagkapasok niya sa kwarto niya, wala na siyang ibang gagawin pa kundi ang matulog.

Pipilitin niya ang sarili niyang huwag munang isipin si Jufferson. Malamang iyon, masaya sa mga oras na ito kapiling ang babaeng kasama nito.

Maghanap na lang din kaya siya ng lalaki? Ngayon lang naman. Hindi naman na siguro sila magkikita pa kaya ayos lang na lumandi siya ngayon.

Sa kakaisip niya ng kung ano-ano, may nabunggo siyang isang lalaki.

"Sorry.", paghinging paumanhin niya.

"It's okay.", nakangiting sabi nito.

"Ang tanga mo talaga, Laine. Lagi ka na lang may nabubunggo.", bulong niya sa kanyang sarili.

"Pinoy ka pala.", nakangiti pa ring sabi nito?

"Ha? Paano mo nalaman?", nagtatakang tanong niya.

"Narinig ko kasi iyong sinabi mo.", sabi nito.

Nakamot niya ang kanyang pisngi. Baka iniisip nito na baliw siya dahil kinakausap niya ang kanyang sarili.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko iniisip na baliw ka.", sabi nito na tila narinig ang iniisip niya.

Nginitian niya ito.

"So, you're name's Laine?", tanong nito.

"Yup. And you are?"

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon