CHAPTER NINETEEN.

43 0 0
                                    

LAINE's POV..

Araw-araw, basta kasama niya si Jufferson ay hinding-hindi siya makakaramdam ng pagkayamot o kaya ay pagka-homesick. Hindi na nga sila lumalabas ng kwarto niya. Kapag kakain sila, umo-order na lang sila. Sa kwarto niya na rin ito natutulog. Ayaw na talaga nilang magkahiwalay. Ganoon nila kamahal ang isa't-isa.

Hindi na nila ulit pang nakita sila Carla at Noel. Marahil ay bumalik na ang mga ito sa Pilipinas. Kung kailan naman totoo na ang nararamdaman nila para sa isa't-isa, wala na sa eksena ang mga ex nila. Pero mabuti na rin iyon, wala silang issues. Walang pagseselosan. Walang dahilan para mag-away sila.

Pero minsan, hindi talaga mapigilan na nag-aaway sila. Natural lang naman iyon sa mga may relasyon. Mga mumunting bagay na nagiging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan. Katulad na lang noong huling away nila. Nagkapikunan sila. Dahil lang sa nilalaro nila. Parang hindi na sila nasanay na lagi silang nag-aasaran. Hanggang sa umabot ang away nila sa pagsisiwalat nito na labis itong nagseselos kay Dave. Kahit tuloy gisto niyang magalit dito ay hindi niya magawa dahil sobrang kinikilig siya.

Kapag naman nag-aaway sila, nagkakabati din sila kaagad. Hindi nila pinapatagal ang tampuhan nila. Kapag siya ang may kasalanan, gumagawa kaagad siya ng paraan para magkabati sila. Pero malimit na wala siyang ginagawa. Kahit kasi siya ang may kasalanan, ito pa rin ang unang nakikipagbati sa kanilang dalawa. Pwera na nga lang kung talagang galit ito. Kapag naman ito ang may kasalanan, kinakantahan siya nito ng mga paborito niyang kanta. Agad na nawawala ang inis niya rito. Napapalitan ang inis niya ng sobrang katatawanan at kilig. Katatawanan dahil sintunado palagi ang paraan nito ng pagkanta. At kilig dahil kahit hindi kagandahan ang tinig nito ay ginagawa pa rin nito iyon para patawarin niya ito.

"Uy, labas naman tayo. Lagi na lang tayong nagkukulong dito.", ungot niya kay Jufferson. Nakahiga pa rin ito sa kama niya at wala yata itong balak na bumangon.

Hinila siya nito pahiga at mahigpit siyang niyakap. "Ayaw mo na ba akong makasama dito? Nagsasawa ka na ba?", tanong nito.

"Hindi ah! Gusto ko lang gumala. E wala naman akong kasama. Ano'ng gusto mong gawin ko? Yayain ko na lang si Dave?", tanong rin niya.

Biglang bumalikwas ng bangon si Jufferson. "Sandali lang! Hintayin mo ako. Huwag kang aalis, ah. Maliligo lang ako.", nagmamadaling sabi nito.

Natatawang tumango siya.

Hindi mahilig magselos si Jufferson pero pag si Dave na ang usapan, lumalabas ang labis na pagiging seloso nito. Hindi niya alam kung bakit ito nakakaramdam ng matinding selos sa lalaki. Wala naman siyang gusto doon. Hindi siya naiinis dito sa tuwing nagseselos ito, kundi kinikilig pa siya. Sa katunayan, ang cute pa nito sa paningin niya kapag nagseselos ito. Pero ayaw niya namang pagselosin ito palagi. Kahit pa hindi ito araw-araw magselos, alam niya na mahal na mahal siya nito. Na hindi siya nito ipagpapalit sa kahit na sino.

Mahigit isang oras naghintay si Laine sa kwarto niya para makagala na sila ni Jufferson. Dinaig pa siyang mag-ayos ng boyfriend niya. Mas maarte pa yata ito kesa sa kanya. Napangiwi siya sa kaisipang iyon. Hindi naman maiisipang bakla angg nobyo niya. Sa sarap ba naman nitong humalik.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa niyon si Jufferson.

"Ready ka na, babes?", tanong sa kanya ni Jufferson.

Napapangiting tumango siya. Excited na siya sa gala nilang iyon. Iyon kasi ang kauna-unahan nilang gala na mapapakita nila sa bawat isa at sa ibang tao ang tunay na sweetness nila. Sigurado siyang magiging sobrang masaya sila sa araw na iyon.

Binalikan nila ang mga pinuntahan nila noon. Ang Trevi Fountain at Colosseum. Yung mga lugar na iyon kasi ang pinakanagustuhan niya sa lahat ng pinuntahan nila. Isa pa, sa Colosseum umamin sa kanya si Jufferson. Ang lugar na iyon ang pinakaespesyal sa kanya. Ang hinding-hindi niya makakalimutan hanggang sa pagtanda niya. Ang lugar na babalik-balikan niya sa Rome. At kasama sa mga planong iyon ai Jufferson.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon