MAKE IT REAL.

377 3 0
                                    

Picture ni Laine! :) ---------->

LAINE's POV

"Kailangan mo ng boyfriend.", sabi ni Tintin.

"Ano?! Wala ka na bang ibang maisip na suggestion? Grabe naman bru. Lalaki nga tong iniiwasan ko tapos sa lalaki mo rin naman ako ilalapit. Parang pinahamak mo lang ako lalo e.", halos naghuhuramentadong sabi ko.

Problema, problema. Ayaw akong layuan ng problema!

Sa ngayon, pag-ibig tong pinoproblema ko, ang hinahanapan namin ng solusyon ng bestfriend ko na si Tintin.

Pa'no ba naman kasi. Walang tigil sa pangungulit ang tarantadong ex ko.

Pwedeng-pwede ko na siyang sabihan ng tarantado dahil break na kami. Kaya nga ex di'ba?

Yung tarantadong ex ko kasi. Nakikipagbalikan sa'kin. Akala niya yata, tanga ako. Oo, tanga nga ako. Dahil minahal ko siya. Pero dati lang yun. Natauhan na ko ngayon.

Dahil sa hindi nag-work ang relasyon nito at ng "kabit" nito, babalikan na niya ako? Tarantado namang talaga di'ba.

At ang nakakainis pang talaga, walang pakialam ang daddy ko! Hinahayaan niya lang ang ex ko na gawin sa'kin ang bagay na yun, ang pangungulit sa'kin, ang pakikipagbalikan sa'kin.

Buti pa ang mommy ko. Hindi niya hinahayaang masaktan ako ng paulit-ulit. Pero wala na siya.

Di niya maiwasang bumalatay ang matinding lungkot sa kanyang mga mata.

Iniwan sila ng kanyang ina nitong nakaraang buwan lamang. Dahil sa sakit nitong heart attack. Nahapo ito masyado dahil buong araw silang magkasama. Nag-shopping lang sila buong araw. Pagkauwi nila sa bahay, agad na itong nagtungo sa kwarto nito. At hindi niya na nakita ang pagmulat ng mga magagandang mata nito.

"Wala ka nang iba pang choice Laine.", sabi pa ni Tintin na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Meron pa akong ibang choice Tintin.", pagpupumilit ko.

"At ano naman yon, aber?", nagdududang tanong ni Tintin.

"Pupunt

a ako ng ibang bansa.", balewalang sabi ko.

"Sabi na nga ba e. Ba't nga ba hindi na ko nasanay sa'yo? Lagi namang ganito. Sa tuwing may problema ka, tinatakasan mo lang naman. Ayaw mong harapin. Napakalaki mong duwag Laine."

Oo na. Duwag na kung duwag. Pero ayoko lang naman na kasing masaktan ulit. Pagod na ko. Pagod na pagod na ko.

Matagal kong pinakaingatan ang relasyon namin ni Noel---ang ex ko. Oh di'ba. Pag narinig mo ang pangalan niya, akala mong napakabait. Pero nahalikan lang ng isang hitad, nagbago na kaagad lahat. Okay na sana e. Tanggap na niya. Ang kaso, binabalikan pa siya ng mokong na yun. Yung tipong parang second best lang siya. Ako nga ang nauna pero may pumalit naman sa kanya. Tapos nung iniwan na si Noel ng pumalit sa kanya, b abalikan naman siya. Parang panakip butas lang ang dating niya pag pumayag siya.

At isa pa, hindi na niya mahal pa si Noel. Ayaw niyang maglokohan na lang sila. Mahihirapan lang sila pareho.

"Bru, yun lang ang tanging paraan.", sabi ko.

"Okay. Wala na kong sinabi.", sabi ni Tintin na halatang naghihinampo.

"Tara na nga. At baka hinihintay na ko ni Pudang sa bahay."

Yun lang at lumabas na siya ng coffee shop.

Hindi pa man siya halos nakakalabas ay may bumunggo na sa kanya.

"I'm sorry.", tanging nasabi ko.

"Ah, okay lang.", sabi ng baritonong tinig.

So, lalaki pala ang nakabunggo ko. Hindi ko napigilang mapangiti. Dahan dahan akong tumingala para makita ko ang mukha ng nagmamay-ari ng tinig na yon.

At grabe lang! Inulan ng kagwapuhan ang lalaking nakabunggo niya. Parang gusto niya na lang kalimutan ang sinabi niya kanina na aalis na lang siya. Parang gusto niya ng i-consider ang suggestion ng bestfriend niya.

Pero umalis na sa harapan niya ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng pagkadismaya.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon