LAINE's POV.
Magbakasyon daw siya. Kaya heto siya ngayon. Nagbabakasyon sa Rome.
Hindi niya alam kung iniinis ba siya ng Dad niya o talagang tinutulungan lang siya nito. Sa dami naman kasi ng lugar na pwede niyang pagbakasyunan, bakit sa Rome pa? Alam naman na nito na doon na-build up ang relasyon nila ni Jufferson. Paano pa siya makakapag-move on sa lagay na iyon?
Ano iyon? Magkukulong siya sa hotel na tinutuluyan niya? Lahat naman kasi ng lugar sa Rome, napuntahan niya na. At kasama niya pa si Jufferson sa mga lugar na iyon. E di lalo lang siyang nasaktan dahil lagi niyang maaalala si Jufferson.
Wala pa siyang kasama talaga. Parang lalo lang siyang malulugmok sa sobrang sakit nun. Walang tutulong sa kanyang makalimot kundi ang sarili niya.
Hindi niya lang kasi talaga maintindihan kung bakit ganoon yung nangyari sa kanila ni Jufferson. Kung mahal pa pala nito si Carla, sana hindi na siya niloko nito. Sana hindi na lang nito ginawang opisyal ang relasyon nila. E di sana hindi siya nasasaktan ng sobra ngayon. Kung masasaktan man siya, hindi sana ganoon katindi dahil alam niyang wala siyang pinanghahawakan. Okay naman na sa kanila iyong status nila dati, e. Ginulo lang ni Jufferson. Sinabi pa kasi nitong mahal siya nito, hindi naman pala totoo. Siya namang tanga, naniwala kaagad. Ramdam naman niya kasi na mahal nga siya nito.
Mahirap ba siyang mahalin? Nagkaroon naman ng pagkakataon para makilala siya ng mabuti ni Jufferson. Hindi ba nakaka-turn on ang mga ugali niya? O sadyang na kay Carla ang buong puso nito kaya hindi siya nito nabigyan ng pansin?
Ang hirap pala kapag ikaw lang ang nag-iisang nagmamahal sa inyong magkarelasyon. Sa iyo lang nakasalalay kung gaganda ba ang kakahantungan ng relasyon niyo. Ikaw lang ang gagawa ng lahat para sa kanya. Wala kang matatanggap na kahit ano mula sa karelasyon mo.
Bakit ba kasi nakilala niya pa si Jufferson? Maayos naman na siya dati kahit pa kaka-break lang nila ni Noel noon. Natanggap niya iyon ng walang kahirap-hirap. Bakit pagdating kay Jufferson, hirap na hirap siyang makalimot?
Naiinis siya sa sarili niya. Siya lang ang nahihirapan ng ganoon dahil sa mga nangyari sa kanila ni Jufferson. Samantalang si Jufferson, kung nahihirapan man ito ngayon, wala iyong kinalaman sa kanya. Nahihirapan ito dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nito nakakalimutan si Carla.
Naiinis siya sa puso niya. Napakadaling umibig nito. Hindi pa nagtatagal na magkakilala sila ni Jufferson pero hindi iyon naging hadlang para mahalin niya ito.
Biglang may namalisbis na luha mula sa kanyang mga mata. Iyon na nga ba ang iniisip niya. Hindi niya kakayaning mag-isa sa lugar na iyon. Lagi at lagi niyang maaalala si Jufferson sa lugar na iyon.
Pinahid niya ang luhang pumatak galing sa mata niya. Ngunit, hindi na tumigil sa pagpatak ang kanyang mga luha. Hinayaan niya na lang ang mga luha niyang mag-unahan sa pagpatak.
Sumasakit na ang lalamunan niya dahil sa walang patid na pag-iyak. Hindi niya naman kayang pigilin ang sarili niya sa pag-iyak. Naisip niya rin na kailangan niyang ilabas lahat para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Nang araw na iyon, napagdesisyunan niya ng lumabas ng hotel na tinutuluyan niya. Hindi naman pwedeng sa buong durasyon na nasa Rome siya ay magkukulong lang siya sa kwarto niya. Lalong hindi siya makakalimot.
Nagpunta siya sa Trevi Fountain. Totoo naman pala na makakabalik sa Rome ang kung sinomang maghahagis ng coin sa fountain na iyon. Hindi nga lang maganda ang dahilan kung bakit siya bumalik ng Rome. Kung ang unang punta niya sa Rome ay puno ng kaligayahan, ngayon ay tutulungan siya ng Rome makalimot.
Kung kailan naman hindi niya tinakbuhan ang problema niya, saka naman niya naranasan ang ganoong katinding sakit. Handa niya nang harapin ang lahat. Bigla namang masakit na katotohanan pala ang nasa likod ng matatamis na kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Teen FictionKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...