Habang kumakain sila, hindi niya maiwasang mailang sa kasama niya. Paano naman kasi. Nakatingin pa sa kanya. Nang hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya, hindi niya na napigilang magtanong.
"Ehem! Jufferson? Kanina ka pa nakatingin sa'kin ah. May dumi ba ko sa mukha?", tanong niya.
"Ha? Wala.", tila wala sa sariling sagot nito.
"E bakit kanina ka pa nakatingin sa'kin? Alam mo, ayaw ko sanang isipin na may gusto ka sa'kin pero yun yung pinapakita mo sa mga kilos mo.", sabi ko.
Nagulat ata to sa mga sinabi ko kaya napanganga ito.
Hindi niya napigilang matawa dahil sa reaksiyon nito.
"Joke lang. Ikaw naman, oh. Ang dali mong maloko.", ngingiti-ngiting sabi niya.
Napangiti na rin ito.
"Ikaw talaga. E paano kung sabihin kong type nga kita?", nakangiting sabi nito at hinawakan pa ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.
Sa pagkakataong yun, siya naman ang napanganga. Totoo ba ang sinasabi nito? Totoo ba ang hinala ni Tintin? Totoo bang gusto siya nito? Hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi nito. Ilang araw pa lang silang nagkita at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na kilalanin ang bawat isa.
Nagulat siya ng bigla na lang itong tumawa. Sabi na nga ba. Bumawi lang ito sa pagbibiro niya kanina. Siya naman, muntikan ng maniwala. Psh! Kung tumawa pa ito, ang dating ay naisahan siya nito.
Napansin ata nito na bigla siyang tumahimik kaya pinilit nitong tumigil na sa pagtawa.
"Uy, joke lang. To naman. Ang bilis mong mainis.", paghingi nito ng pasensiya.
"Paano ba naman kasi!", pagmamaktol ko.
"Bakit? Naniwala ka?", sabi nito at bigla na namang tumawa.
"Sige! Tumawa ka pa hanggang kabagin ka diyan!"
At tumawa nga ito ng tumawa! Nakakainis naman!
"Tigilan mo na nga yan!"
"Sabi mo, tumawa ako ng tumawa.", sabi pa nito sa tonong nakakaloko.
Hinayaan niya na lang ito sa pagtawa. Bahala na ito. Basta ako, kakain na lang ako.
"Uy, ang dali mo namang mainis. Joke nga lang, e. Ikaw din naman tong nag-umpisa."
"Bakla ka ba? Pumapatol ka sa babae, e.", naiinis na sabi ko.
Patayo na ko ng biglang hinawakan ni Jufferson ang kamay ko.
"Wag ka munang umalis. Hindi ka pa nga tapos kumain e. Dali na. Sorry na. Di na ko uulit. Di na kita iinisin."
"Siguraduhin mo lang. Pag inulit mo pa, babatukan na kita."
"Hey! Wag kang sadista.", natatawang sabi ni Jufferson.
Pinagpatuloy na nila ang pagkain nang may makita siyang pumasok sa pintuan ng restaurant. Hindi siya maaaring magkamali. Sila Noel at Carla yun. Bakit hindi naman nasabi sa kanya ni Tintin na nandito na pala sa Rome sila Noel. Hindi siya pwedeng makita ni Noel dun. Tiningnan niya si Jufferson pero parang hindi nito napansin ang ex nitong si Carla. Hindi siya mapakali. Gusto na niyang umalis dun. Ang tagal naman kasing matapos kumain nitong Jufferrson na to. Nang balingan niya ulit ng tingin ang magkasintahan, nakita niyang papalapit ang mga to sa upuan nila. Parang gusto na niyang kainin na lang siya ng lupa. Alam niya kasi ang iniisip ni Noel sa kanya. Iniisip nito na hindi pa rin siya nakakaget-over sa break-up nila kahit pa hindi siya pumayag na makipagbalikan dito. Napansin ata ni Jufferson ang pagiging aligaga niya dahil nakatingin ito sa kanya ng may pagtatanong sa mata. Hindi niya na to nasagot dahil tuluyan ng nakalapit sa kanila sila Noel.
"Hi, Laine.", bati sa kanya ni Noel.
"Hi.", bati niya dito at pilit na ngumiti. Sana lang hindi nito mapansin iyon.
Sinulyapan niya si Jufferson at nasa mata pa rin nito ang pagtatanong. Siguro nagtataka iyon dahil kilala niya ang boyfriend ng ex nito.
"Hey, dude! Kamusta?", tanong ni Noel kay Jufferson.
Tango lang ang tanging iginanti dito ni Jufferson.
"Magkakilala pala kayo?", tanong pa ni Noel.
Aktong magsasalita na si Jufferson ng bigla siyang sumingit.
"Ah, oo. Matagal na kaming magkakilala. Noel, siya nga pala si Jufferson, boyfriend ko. Jufferson, babe, si Noel, ex ko.", pagpapakilala niya sa dalawa.
Tiningnan niya si Noel at punong-puno ng pagtataka ang buong mukha nito. Nang balingan niya naman ng tingin si Jufferson, halatang nagulat ito sa ginawa niyang pagpapakilala dito. Wala naman na kasi siyang choice. Ayaw niyang tinitingnan siya ni Noel ng buong pagmamayabang. Parang sinasabi nito sa mga tingin nito na hindi na siya makakahanap pa ng taong magmamahal sa kanya.
Bago pa man bawiin ni Jufferson ang sinabi niyang boyfriend niya ito, nagsalita na ulit siya.
"Sige, guys. Alis na kami. Ingat kayo. Tara na, babe.", sabi ko.
Umabrisete pa siya kay Jufferson para mas magmukhang kapani-paniwala ang pagsisinungaling niya.
"Bye, guys.", tanging nasabi ni Jufferson.
Nang tingnan niya sila Carla at Noel, ngiting-ngiti lang ang mga ito. Si Carla. Wala man lang ba siyang pakialam ngayon na boyfriend ko na ang ex niya? Si Noel. Asa naman na may pakialam yun.
Hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya kahit na nakalabas na sila ng hotel. Hindi kasi malayong magkita pa ulit sila sa mga darating na araw. Paano na lang kung makita siya ng mga ito tapos hindi niya kasama si Jufferson? Ano'ng idadahilan niya? Baka magtaka ang mga iyon. At ang ikinatatakot niya pa, baka malaman ni Noel na nagsinungaling lang siya. Malamang na pagtawanan siya nito. Lalong iisipin nun na sobra ang pagmamahal niya para dito kaya hirap siyang makahanap ng bagong iibigin.
Hayy, bahala na nga lang si Batman.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Novela JuvenilKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...
![MAKE IT REAL [ COMPLETED ]](https://img.wattpad.com/cover/1247129-64-kef4f7e.jpg)