JOFFERSON's POV
Madaling-madali na si Jofferson dahil late na siya sa usapan nila ng girlfriend niya. Balak niya na pa namang mag-propose dito ngayon. Pero mukhang malabong mangyari. Meron ba naman kasing magpo-propose na late sa usapan? Tss.
Hindi niya naman kasi sinasadya na ma'late sa usapan nila. Ayaw na ayaw niya ngang naghihintay ang girlfriend niya. Sadya kasing mainipin ito.
Sa kakamadali niya, may nabunggo pa siya ng di sinasadya. Pambihira naman kasi tong babaeng to. Naglalakad ng patungo. Naghihintay ata to na makakita ng pera sa madadaanan nito. Bubulyawan niya na sana to pero narinig niya ang mabining boses nito.
"I'm sorry.", sabi nito sa alanganing tinig pero napakaganda sa kanyang pandinig.
"Okay lang.", tugon ko.
Lihim niyang pinalangin na tumingala ito para naman makita niya ang mukha nito. Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya at tumingala nga ito.
Nahigit niya ang kaniyang hininga ng makita niya ang magandang mukha nito. Hindi niya maikakaila na mas maganda ito kay Carla---ang girlfriend niya.
Tatanungin niya na sana ang pangalan nito ng maalala niya ang tunay niyang pakay sa coffee shop na iyon.
Hinanap kaagad ng mga mata niya ang ipinunta niya roon. Nakita niya naman kaagad ito at halata sa magandang mukha nito ang labis na pag-aalala.
Ayaw niya pa sanang iwan ang magandang nakabunggo niya pero kailangan niya ng lapitan si Carla.
Hindi na siya nagpaalam pa sa babae at diretso-diretso niyang tinungo ang kinauupuan ni Carla. Hindi nito napansin ang p aglapit niya kaya nagulat ito ng hinalikan niya ito sa pisngi nito.
"Andiyan ka na pala.", sabi nito sa nag-aalalang tinig.
"Yea. Masyado kang nawili sa sariling mundo mo kaya hindi mo namalayan na nandito na ako.", nakangiting sabi ko.
"Sorry."
"For what?", nagtatakang tanong ko.
"Kasi di kita napansin kaagad."
Natawa siya sa sinabi nito. Masyado talaga tong mabait. Kahit napakaliit na bagay, sinasabi kaagad nito ang salitang tawad. Kaya nga siya na-inlove dito e. Napakabait kasi nito. Alam niyang hinding-hindi ito gagawa ng kahit na anong ikakasakit ng damdamin niya. Alam niya iyon. Nararamdaman niya iyon.
"Ano ka ba naman Carla. Wala iyon. Di naman ako galit e. Kita mo nga, nakangiti pa ko."
"Sorry pa rin."
"Okay, okay.", sabi ko dahil alam kong ipipilit talaga nito ang paghingi ng tawad nito sa hindi nito napansin na nandoon na siya.
"Sa totoo nga, ako pa dapat ang mag-sorry sa'yo. Nahuli ako masyado sa usapan natin."
"Ayos lang yun."
Isa pa yun sa mga nagustuhan niya dito. Madali itong magpatawad kahit na sobrang nasaktan ang damdamin nito.
"Ang swerte ko talaga sa'yo.", nakangiting sabi ko.
"In fact, you're not.", seryosong sabi nito.
Nagtaka siya sa tinuran nito. Ano'ng pahiwatig nito doon?
"Carla? What are you trying to say? Why? What's the problem?", sunod sunod na tanong niya dito.
"I'm so sorry Jofferson.", seryoso pa ring sabi nito. Halatang halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan at pangamba.
Bakit ba parang ang daming tao ang nagso-sorry ngayon? Kanina niya pa naririnig ang salitang yun. Ano ba'ng nangyayari? Can anybody explain to him what's really happening at this moment?
"Sorry talaga Jufferson. I'm inlove with someone else. I'm breaking up with you. Please forgive me. I hate to admit it. But i really love that guy."
Alam niya kung sinong lalaki ang tinutukoy nito. Mahal niya pala talaga yun. Pero hindi niya napaghandaan ang maagang pang-iiwan nito sa kanya.
"It's okay. I understand.", nakangiting sabi niya pero deep inside, his heart is aching.
"You really understand?", namamanghang tanong ni Carla.
"Yea. Just be happy with him, okay?", sabi ko.
Napansin niyang biglang lumungkot ito.
"Bakit? May problema kayo?", nag-aalalang tanong ko.
"Wala. Everything happens between us is sailing smoothly. I'm really, really happy that you understand me.", nakangiting sabi ni Carla.
"I'm happy for you. You finally found your one true love.", sinserong sabi ko.
"Thank you so much Jufferson. You will always be in my heart."
"Thanks also for all the memories. I love you."
Nagkwentuhan pa sila bago nila napagdesisyunang umuwi. Sinabi niya rin dito ang balak niyang pagpo-propose sana kanina. Nagulat ito sa sinabi niya at siya naman ay natawa lang.
Aaminin niya, nasaktan siya sa nangyari. Pero yon ang gustong mangyari ni Carla. Alam niyang pinilit nitong nilabanan ang damdamin nito para sa lalaking iyon. Sila pa ng mga panahong yun pero hindi sinasadyang na-inlove ito sa iba. Nagmakaawa siya dito na wag siyang iwan nito hangga't hindi ito nakakas iguro sa damdamin nito para sa lalaking iyon. Akala niya wala na itong damdamin para sa lalaking yun kaya naisipan niyang mag-propose. Ang kaso, hindi siya ang pinili nito. Hindi siya ang mahal nito. Ayos na sa kanya yun. Atleast, alam niyang masaya ito sa pinili nitong desisyon.
Bigla niyang naalala ang babaeng nakabunggo niya kanina sa coffee shop. Halata dito na may pinagdadaanan itong problema. Pero pinipilit nitong labanan iyon.
Sa kabila ng lungkot na naramdaman niya sa aura nito, hindi nabawasan ang gandang taglay nito. Pa'no pa kaya pag masaya ito? Malamang ito na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Kakagaling niya pa lang sa break-up pero may iniisip kaagad siyang ibang babae.
Noon ding oras na yun, napagdesisyunan niyang lumayo muna. Mangingibang-bansa siya. Baka sa paraang iyon, mabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya.
Aalis siya. Pupunta siya ng Rome!

BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Teen FictionKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...