Bumalik sa kasalukuyan ang huwisyo niya ng makarinig siya ng mga katok sa pinto ng kanyang hotel suite.
Napakunot noo siya.
Sino naman ang mangbubulabog sa tahimik niyang pag-iisa? Hindi naman maaaring bell boy yun dahil hindi naman siya umo-order ng pagkain. Hindi rin naman siya humihingi ng assistant sa mga ito.
Hindi kaya si Jufferson na naman yung nambubulabog sa kanya? Pero may usapan na sila na hindi muna sila magkikita ng araw na yun.
Napapailing na tinungo niya ang pinto para pagbuksan ang kung sinomang kumakatok.
Kulang pa ang salitang gulat ng makita niya kung sino ang kanyang bisita.
"Hi!", bati sa kanya ng kanyang bisita.
"Ikaw pala, Carla. Pasok ka.", paanyaya niya dito.
"Salamat."
Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito.
"Upo ka. Pasensiya ka na. Maliit lang talaga kasi tong kinuha kong kwarto kasi ako lang mag-isa.", sabi niya.
"Ayos lang.", nakakaunawang sabi nito.
Nakabibinging katahimikan ang pumagitna sa kanila. Nahihiya kasi siya rito. Marahil ganun din ang nararamdaman nito ngayon.
Tumikhim ito.
"Kaya lang naman ako nagpunta dito dahil may gusto akong itanong sa'yo.", seryosong sabi nito.
Kinakabahan siya. Nahuhulaan niya na kasi ang itatanong nito sa kanya. Sana lang kayanin niyang magsinungaling ng todo dito. Marunong nga siyang umarte pero hindi naman siya marunong magsinungaling. Inisip niya na lang na kailangang-kailangan niyang gawin yun. Paghahandaan niya na lang ang pang-uusig ng kanyang konsensiya.
"Ano yun?", tanong niya.
"Pwede mo bang ikwento sa akin ang tungkol sa relasyon niyo ni Jufferson? Di ko na itatanggi pa. Nagdududa ako kung totoo ba ang relasyon niyo dahil kakahiwalay lang naman namin. At inamin niya rin sa'kin na balak niyang mag-propose ng araw na makipag-break ako sa kanya. Kaya mahirap para sa akin na paniwalaan na may relasyon nga kayo.", paliwanag nito.
Nagulat siya dito. Ang tingin niya kasi dito, napakabait nito. Nagkamali ba siya? O hindi kaya nagkukunwari lang ito para mahuli sila nito?
Hindi niya rin akalain na balak na palang mag-propose dito ni Jufferson kung hindi lang nagkahiwalay ang mga ito.
"Hindi naman porke nagbalak siyang mag-propose sa'yo, e mahihirapan na siyang maghanap ng bagong mamahalin niya. Hindi naman namin kasalanan na nagkapalagayan kami ng loob sa maikling panahon lang na magkasama kami. Masaya ako sa kanya at alam kong masaya rin siya sa akin. Aaminin ko sa'yo, hindi niya nasabi sa akin na binalak niya palang mag-propose sa'yo. Kahit ganoon, hindi ako magagalit sa kanya. Siguro, ganoon na lang kadaling kalimutan yun sa kanya kaya hindi niya na nasabi pa sa akin. Ang alam ko ngayon, Carla, ako ang mahal niya, wala akong kahati sa puso at atensiyon niya."
Nagulat ata ito sa mga sinabi niya dahil hindi ito makapagsalita.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng magsalita ulit ito. Ipinagtaka niya dahil ngumiti pa ito. Hindi man lang ata ito na-offend sa mga sinabi niya.
"Ngayon, makakahinga na ko ng maluwang. Dahil alam ko ng nagmamahalan kayo ng totoo.", nakangiting sabi nito. "Aalis na ko. Sana maging masaya kayo.", patuloy nito.
"Teka lang. May gusto lang akong malaman. Mahal mo pa ba si Jufferson?", tanong niya.
Bigla itong tumawa. "Hindi na. Si Noel lang ang mahal ko."
"Kung ganoon, bakit tinatanong mo kung totoo bang may relasyon kami? Alam kong nag-aalala ka sa kanya dahil iniwan mo siya. Hindi mo ba matanggap na nasaktan mo siya?", tanong ko.
Nanigas ito ng marinig ang tanong ko. Hindi siguro nito akalain na matatanong niya ang bagay na iyon.
"Ayos lang kung ----"
"Hindi naman sa hindi ko matanggap na nasaktan ko siya. Gusto ko lang makasiguro na okay lang siya. Na hindi na siya masasaktan sa pagkakataong ito.", sabi nito na nakapagpatigil sa kanya sa kanyang sasabihin.
Nginitian niya ito. "Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ko siya sasaktan."
"Salamat, ah. Sigurado akong magiging masaya kayo sa isa't-isa.", sabi nito. "Sige na. Aalis na ako. May usapan pa kami ni Noel, e. Hindi ba kayo lalabas ni Jufferson. Sama na kayo sa'min. Double date tayo.", paanyaya nito.
"Ay, hindi na. Hindi kami lalabas ngayon. Pinagod kasi ako noon kahapon e. Pinaikot-ikot ako kung saan-saan.", palusot ko. Ayaw kong sumama sa kanila dahil baka mabisto pa kami.
"Ganoon ba? Sige. Next time na lang siguro.", sabi nito.
"Sige. Bye. Ingat ka, ah.", nakangiting sabi ko.
Nang makaalis na ito, dali-dali siyang bumalik sa kama niya at nag-isip.
Naalala niya ang sinabi ni Carla na muntikan nang mag-propose dito si Jufferson. Kung yun ang pagbabatayan, isa lang ang ibig sabihin nun- sobrang mahal ito ni Jufferson.
Nakaramdam siya ng awa para sa lalaki. Kakaiba ang naranasan nito. Alam niya, sobrang nasaktan ito sa ginawang pakikipag-break ni Carla dito. Kahit hindi nito sabihin yun, alam niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ito. Kung kaya niya lang sanang pawiin ang sakit na nararamdaman nito.
Napabalikwas siya ng bangon ng ma-realize niya ang sinabi niya. Parang ginawa niya pang baby-sitter ang sarili niya. Tss.
Gusto niya lang itong tulungan kaya niya naisip yung ganoon. Hindi pwedeng may gusto siya dito. Lipas na ang ganoong pakiramdam sa edad niya. Hindi na siya bumabata. Kahit pa ang sabi nga ng iba, tumatanda siya ng paurong.
Bigla niyang naalala ang suggestion sa kanya noon ni Tintin. Parang ganoon din yung nangyari e. Two birds in one stone. Parang hindi ganoon yung dating e. Dahil ang pagkukunwari nila ngayon, pabigat lang para sa kanya.
Kailangang matapos kaagad ang kalokohang iyon.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Novela JuvenilKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...