LAINE'S POV.
"Makapag-gala gala na nga lang muna. Nakakatamad dito.", sabi ni Laine sa sarili niya habang nakaharap sa salamin at nag-aayos.
Pagkabukas niya ng pinto para lumabas, nagulat siya ng makita si Jufferson na nakatayo sa labas ng kwarto niya. Wala naman silang usapan nito kaya bakit ito nandoon? Nakita niya pa itong ngumiti.
"Grabe. Ganyan mo ko kamahal? Na-feel mo kaagad ang presensiya ko kahit may pinto pang nakaharang sa ating dalawa. Iba talaga ang karisma ko.", nakangising sabi nito.
"Huwag ka ngang feeling! Bakit ka nandiyan? Wala naman tayong usapan ngayon ah.", nagtatakang tanong ko.
"May pupuntahan tayo."
"E wala nga tayong usapan di'ba. At saka may lakad ako."
"May lakad din naman ako, ah."
"Malamang naman magkaiba yung pupuntahan natin no."
"E di sasamahan na lang kita.", pagpupumilit nito.
"Hay, naku! Saan ka ba pinaglihi? Nasobrahan yang kakulitan mo, ah.", sabi ko habang inila-lock ang pinto ng kwarto ko.
"Pumayag ka na lang kasi. Kahit naman paulit-ulit kang tumanggi, wala ka ring magagawa. Susundan at susundan kita."
"Sige na. Kailan ba naman ako mananalo sa'yo, e ikaw ang hari ng kakulitan.", sumusukong sabi ko.
"Ayun naman. Saan ka ba pupunta?", tanong nito.
"Hindi ko pa alam. Kung saan ako dalhin ng mga paa ko."
"Nye! Ako na lang bahala kung saan tayo pupunta. May ipapakita ako sa'yo. Maganda doon lalo na kapag gabi. Isa iyon sa mga favorite spot ko dito sa Rome."
"Ibig sabihin, nakarating ka na dati pa dito sa Rome?", namamanghang tanong niya rito.
"Oo.", simpleng sagot nito.
"Pang ilang balik mo na dito ngayon?", nangingiting tanong ko.
"Hm, di ko na mabilang e. Basta pag may free time ako, dito ako malimit pumunta. Itong lugar na ito ang nakakawala ng lahat ng stress na nararamdaman ko."
"E di laging si Carla ang kasama mo pag andito ka?", di ko napigilang itanong.
"Hindi. Ako lang. Hindi naman siya mahilig maglakwatsa. Kaya nga nagulat ako ng malaman kong pupunta sila dito ni Noel. Ganoon nga siguro ang nagagawa kapag tunay kang nagmamahal. Kahit yung mga ayaw mong gawin, magagawa mo basta kasama mo ang taong mahal mo."
"Ah.", tanging nasambit ko.
Ngumiti ito. "Ready ka na? Makikita mo na ang isang pinakamagandang lugar dito sa Rome.", sabi nito.
Excited na tumango siya.
"Siguro naman, hindi ka magagalit kung aakbayan kita?", tanong nito.
Natawa siya rito. Talagang nagpaalam pa. Halatang ayaw magbayad.
"Bakit ka tumatawa?", nagtatakang tanong nito.
"Halata kasing takot kang magbayad. Nagtanong ka pa talaga muna.", tumatawa pa ring sagot niya.
Tumawa na rin ito. "Syempre kailangang makasiguro. Baka masyadong malaki ang bayaran ko sa'yo pag sige ako ng sige.", sabi nito.
"Tara na nga. Siguraduhin mong magagandahan ako sa sinasabi mong lugar ah?", yaya niya rito.
"Oo naman. Siguradong-sigurado. Nanginginig pa."
"What? Ano'ng nanginginig pa?", natatawang tanong niya.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Fiksi RemajaKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...