CHAPTER TWENTYTHREE.

28 0 0
                                    

JUFFERSON's POV.

Ilang araw niya ng hindi nakikita si Laine. Miss na miss niya na ang kanyang nobya. Hindi kasi siya makaalis sa kanila. Ilang bes niya nang sinubukang puntahan si Laine sa bahay ng mga ito. Pero hindi niya magawa. Ewan ba niya. Simula nang malaman ng mga magulang niya na nakabalik na siya sa Pilipinas, hindi na siya nilayuan ng mga ito. Para bang isa siyang batang puslit na kailangang bantayan kada minuto. Naiirita na siya.

Nag-aalala na siya para kay Laine. Malamang na nagtataka na ito kung bakit hindi na siya bumalik. Baka nga galit na ito sa kanya. Nangako pa naman siya dito na pupunta siya sa bahay nito.

Magtataka kasi ang mga magulang niya kapag nalaman ng mga ito na may pinupuntahan siyang isang babae. Hindi niya mapapanindigan sa mga ito ang sinabi niyang mahal niya pa rin hanggang ngayon si Carla.

Muntikan na nga siyang mahuli ng mga ito. Akala niya makakapunta na siya kila Laine. Kung hindi pa siya napatingin sa rearview mirror ng kotse niya, hindi niya pa mamamalayang sinusundan pala siya ng mga magulang niya.

Sa sobrang inis niya, hindi niya pinansin ang mga magulang niya nang araw na iyon.

Ano ba kasing dahilan ng mga ito kung bakit siya sinusundan ng mga ito? Hindi naman na siya bata. Kaya niya na ang sarili niya.

Lagi pa siyang kinakausap ng kanyang ama. Paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi nito. Puro tungkol kay Carla. Kung alam lang nito ang totoo. Na ibang babae na ang mahal niya ngayon. Na ibang babae na ang palaging laman ng isipan niya.

Kagaya na lang ngayon, pinapatawag na naman siya ng kanyang ama. Napakaaga pa pero balak na kaagad nitong inisin siya.

Kung pwede lang sanang huwag na lang siyang umuwi sa kanila. Baka may pagkakataon pa siyang mapuntahan si Laine.

Malamang din na galit na sa kanya si Tito Stefano. Pinangako niya pa dito na hinding-hindi niya sasaktan si Laine. Pero iyon na ang nangyayari ngayon.

Lumabas na siya sa bahay nila at nagtungo siya sa maliit na playground na nasa hardin nila. Nandoon na ang kanyang ama na tahimik siyang hinihintay.

"'Morning, 'Pa.", bati niya rito. Walang good sa morning niya dahil alam niya na ang saktong mangyayari sa pag-uusap nila.

"Maupo ka. May pag-uusapan tayo."

Napabuntong-hininga siya. Lagi na lang bang ganito? Naisip niya si Laine. Para din kay Laine iyon. Para hindi na ito mahirapan pa. Ipapakilala niya na lang ito sa mga magulang niya kapag ayos na ang lahat kay Laine.

"Anak, huwag kang magkulong sa bahay. Lumabas ka. Makipag-date ka.", sabi sa kanya ng kanyang ama.

"Date?! E sa tuwing lalabas nga ako sa bahay na ito, lagi na lang may nakabuntot sa akin. Paano ko pa magagawa ang mga gusto kong gawin? Ayaw niyong ibigay sa'kin kahit privacy man lang.", hindi niya na napigilan pang sabihin dito.

"I'm so sorry, anak. Nag-aalala lang kasi kami sa'yo kaya pinapasundan ka namin. Baka kasi kung ano pa ang gawin mo sa sarili mo."

"Dad, hindi na po ako bata. Sinabi ko naman na sainyo, hindi po ba. Mahal ko pa nga po si Carla pero alam kong wala na rin naman akong pag-asa kahit pa magpumilit ako. Ayokong mahirapan kaming pareho. I love her so much that's why I let her go. Hindi ko kayang nakikita siyang malungkot na kasama ako kahit alam ko naman kung ano ang tanging makakapagpasaya sa kanya.", pagsisinungaling niya. Hindi niya na mahal pa si Carla. Kung may nararamdaman pa man siya para dito, iyon ay pagmamahal bilang isang kaibigan na lamang.

Iisang babae na lamang ang minamahal niya. At si Laine iyon. He's looking forward to see his girlfriend one of these days.

Nahihirapan man siya sa sitwasyon nila pero kailangan niya munang gawin iyon. Pilit na isinisiksik niya sa isipan niya na para kay Laine ang lahat ng iyon.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon