Araw na ng kasal nila ni Jufferson. Hindi niya akalaing ganoon kabilis mangyayari ang lahat. Parang noong nakaraan lang, iniiyakan niya ito ng walang patid. Pero ngayon, wala ng mapaglagyan ang saya niya. Kanyang-kanya na si Jufferson. Wala na siyang makakahati pa.
Dumalo sa kasal nila sina Noel at Carla. Nagpunta rin si Dave. Nakabusangot pa si Jufferson nang sabihin niya rito na gusto niyang imbitahan si Dave. Labis talaga kung magselos si Jufferson.
Napatawad na rin ito ng kanyang ama at ni Tintin. Ang mahalaga sa mga ito ay ang kaligayahan niya.
"Bru, ang sosyal mo. Married na status mo sa fb mo.", nakangiting sabi sa kanya ni Tintin.
"Ikaw ba? Kailan mo pa ba balak mag-asawa? Bakit ayaw mo pang pikutin ang lalaking nagugustuhan mo?"
Nagulat ito sa tanong niya. "At kailan pa ko na-inlove?", nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kanya.
"Huwag ka ng magkaila. Halata naman sa mukha mo."
"Ewan. Mag-enjoy na lang kayo ng asawa mo.", nakaismid na sabi sa kanya ng bestfriend niya at iniwan na siya.
Natatawang napapailing siya. Ang bestfriend niya rin kasi, ayaw pang umamin.
"Bakit ka tumatawa?", bulong sa kanya ni Jufferson sa tapat ng tenga niya.
Nagulat siya dahil sa hatid ng hininga nito sa katawan niya. Hindi na siya nasanay dito. Napakahilig bumulong.
"Wala iyon. Sobrang saya ko lang ngayon.", nakangiting sagot niya sa tanong nito.
"I love you.", sabi ni Jufferson.
"I love you too."
They sealed it with a kiss. Narinig niya pang naghiyawan ang mga bisita nila. Pinakawalan na ni Jufferson ang kanyang mga labi matapos ang isang mapusok na halik.
"Humanda ka mamaya sa'kin.", anito at kinindatan pa siya.
"I'm ready!", natatawang sabi niya rito.
Hindi na importante pa sa kanya kung ang tingin sa kanila ng ibang tao ay masyado pa silang bata para magpakasal. Ang mahalaga sa kanya, simula ngayong araw na ito, wala na itong kawala pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Teen FictionKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...