CHAPTER EIGHT.

55 1 0
                                        

Pangatlong araw na ni Laine sa Rome. At sa tatlong araw na yun, isang lugar pa lang ang napupuntahan niya. Ang Viale Marconi. Isa lang naman ang ginagawa niya doon. Ang maghanap ng dadalhing pasalubong para kay Tintin. Ang mahirap pa, may kalayuan ito sa hotel na tinutuluyan niya. Yun kasi ang napagdesisyunan niyang unahing puntahan para sa mga susunod na araw, puro sight-seeing na lang ang aatupagin niya.

Nagulat siya ng biglang may humarang sa daraanan.

"Ay, kabayo!", biglang sabi niya.

"I'm sorry.", sabi ng nakabunggo niya.

"Oh, it's okay."

Nginitian lang siya ng babaeng nakabunggo niya at umalis na ito.

"Ayan kasi. Lagi ka na lang may nakakabunggo. Kung saan saan kasi nakatingin.", sabi ng lalaking nasa likod niya.

Nagulat siya dahil iyon na naman ang narinig niyang tinig. Bakit ba parang sinusundan siya nito? Bigla bigla na lang itong sumusulpot sa kung nasaan siya. Ayaw niya namang isipin na type nga siya nito dahil kakapalan na ng mukha iyon. At higit pa, nakikita siya nito sa mga unwanting scenes na nangyayari sa kanya. Ayaw niyang ipakita dito na nahihiya siya dahil parang sinabi niya na rin na type niya ito.

"Uy, ikaw pala. Lagi na lang tayong pinagtatagpo ah.", sabi niya.

"Soulmates nga kasi tayo.", nagbibirong sabi nito.

Nginitian niya na lang ito dahil wala rin naman siyang masabi.

"Pwede bang sumabay na lang sa'yo? Wala kasi akong kasama dito. Nakakalungkot naman kung wala akong mapagsasabihan kung gaano ako nagagandahan dito sa lugar na to.", pangungulit nito.

She sighed.

Ito na ata ang pinakamakulit na taong nakita niya. Except kay Tintin. Parang ito nga at si Tintin ang soulmates. Ang haba ng hair ng bestfriend niya.

"Uy, ano? Payag ka ba? Pumayag ka na. Malungkot mag-isa sa lugar na ganito kaganda.", ungot pa nito.

"Okay. Nagiging makata ka na e. Kailangan ka ng pigilan. Baka mamaya bumaha na ng mga matatalinghagang salita dito sa kalye.", sabi niya.

"Salamat! So, natatandaan mo pa ba pangalan ko?"

"Ginawa mo naman akong ulyanin niyan. Oo, natatandaan ko pa. Mr. Jufferson."

"Wag mo nga kong tawaging Mister. Para namang napakatanda ko na."

"K.", tanging sabi ko.

"Galit ka ba? Sorry ah.", sinserong sabi nito.

Hindi naman siya galit e. Pang-asar lang yung sinabi niyang 'K' pero hindi naman ito naasar. Psh! Ang hina ng pick-up nito.

"Hindi ako galit ah. Hay, tara na nga! Maglibot na tayo at may hinahanap pa ko."

Nagsimula na silang mag-ikot ng biglang magtanong si Jufferson.

"Ano ba'ng hinahanap mo? Kanina pa tayo paikot-ikot dito e. Napapagod na ko."

Nahihiyang nakamot ko ang aking pisngi.

"E, wala kasi akong mahanap dito na magandang ipasalubong sa bestfriend ko."

"Tulungan na nga kitang maghanap. Halika. May alam akong mabibilhan ng magagandang gamit dito.", sabi nito at biglang hinawakan ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa ni Jufferson pero hinayaan ko na lang. Mag-iinarte pa ba ako kung gustong-gusto ko naman yung pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Dun ko lang naramdaman na safe ako. Komportableng komportable ako na siya ang may hawak sa kamay ko.

Hindi ko napansin na nandun na pala kami sa tinutukoy niyang lugar dahil naka-focus lang ako sa magkahawak naming kamay.

"Andito na tayo! Dali. Maghanap ka na ng ibibigay mo para sa bestfriend mo.", nakangiting sabi nito.

Nakakatameme naman pag natingnan mo ang ngiti nito. Tipong magliliwanag ang mundo mo pag nasilayan mo ang ngiti nito.

"Hoy! Alam ko namang gwapo ako kaya wag mo na akong titigan ng ganyan.", nakangising sabi nito.

"Yabang mo! Sipain kita diyan e.", sabi ko.

Natatawang umiling ito.

"Sige na. Maghanap ka na diyan. Nagugutom na rin ako. Kanina pa ko palakad-lakad dito."

"Mauna ka na. Iwan mo na ko dito."

"Hindi pwede. Ayokong kumain mag-isa. Hindi ako sanay."

"Haler! Tatlong araw na tayo dito. Ibig sabihin, sa tatlong araw na yun, wala kang nakakasabay kumain. Sana inisip mo muna yun bago ka nangibang-bansa."

"Ikaw talaga.", natatawang ginulo nito ang buhok niya.

"Hey! Hindi ako aso. Wag mong ganunin ang buhok ko.", pagrereklamo niya.

Tawa lang naman ng tawa tong lalaking to. Psh!

"Tawa ng tawa, gusto ng mag-asawa.", sabi pa niya.

Sa di niya malamang dahilan, biglang nagkalambong ang mga mata nito. May nasabi ba siyang mali? Wala naman di'ba? Ano'ng problema ng lalaking to? Bakit bigla tong nanahimik?

"Uy, problema?", tanong pa niya.

"Ha? Wala. Sige na. Maghanap ka na ng ibibigay mo para sa bestfriend mo.", sabi nito at ngumiti.

Napangiti siya nang sa wakas ay may mapili na siya. Isa iyong bracelet na may nakaukit na mga salitang "Meilleur ami" na ang ibig sabihin ay best friends. Nang ipakita niya ito kay Jufferson ay tumawa lang ito.

"Ano'ng nakakatawa sa bracelet na to?", nakakunot-noong tanong niya.

"Wala naman. So, qui est votre meilleur ami?", tanong nito.

"Si Tintin.", nakangiting sagot ko.

"Ah. Sigurado akong magugustuhan niya yan."

"Sana nga. Ang hirap regaluhan ng lokaret na yun e."

"But still, siya pa rin ang napili mong bestfriend."

"Yep."

"Wala ka na bang bibilhin? Tara, kain na tayo. What do you want?"

"Pizza na lan."

"Sige. Tara!", sabi nito at naghanap na sila ng makakainan.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon