Pagkagising ko, tinawagan ko kaagad si Tintin para ipaalam dito na nasa Rome ko.
Nakaka-dalawang ring pa lang ay sinagot na kaagad nito ang tawag niya.
"Laine Alissa, ba't ngayon ka lang tumawag? Kaninang-kanina pa ko naghihintay.", pagrereklamo nito.
Alam niyang nagtatampo sa kanya ang kanyang kaibigan. Tinawag na kasi siya nito sa buo niyang pangalan.
"Sorry, bru. Natulog kasi ako kaagad pagkadating ko sa hotel."
"Sige na. Okay na yun. Kumusta ka diyan?"
"Ayos naman. Napakaganda nitong hotel na tinutuluyan ko. Sana talaga sumama ka."
"Kung libre mo ba pamasahe ko, sasama talaga ako sa'yo."
"E di mag-123 ka sa eroplano.", pagbibiro ko.
"Kung pwede lang sana yun.", natatawang sagot nito.
"Bru, may tsika ako sa'yo. Nakita ko sa airport yung lalaking nakabunggo ko sa coffee shop."
"Oh, talaga? Hindi kaya soulmates kayo?", panunudyo nito.
"Kayo yata ang soulmates e. Pareho kayo ng sinabi na soulmates kami."
"Oh? Sinabi niya na soulmates kayo?! Type ka ata niyan girl!"
"Haler! Joke lang daw."
"Jokes are half meant, baby."
Napaisip siya sa sinabi nito. Kahit naman kasi siya e. Dinadaan niya din sa joke minsan ang mga gusto niyang sabihin. Lalo na pag nakakahiyang aminin. Ganoon ang tactic niya pag kausap niya ang crush niya. KAPAG meron siyang crush.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi maaaring type siya ng lalaking iyon.
"Hay naku, bru. Malabong mangyaring type niya ko. Para noong nakaraang linggo lang kami nagkita."
"Nakalimutan mo na ba ang 'love at first sight'?" "Anong love at first sight ang sinasabi mo diyan? Kanina TYPE lang, ngayon LOVE na sinasabi mo."
Binigyang-diin niya pa ang pagsasabi ng TYPE at LOVE.
"Pareho na rin yun no"
"Ewan nga sa'yo. Nga pala, kumusta si Daddy?"
"Ayun, as usual, busy sa trabaho. Hindi nga yata napansing wala ka e. Hindi ako tinatawagan para magtanong."
"Gano'n ba?", malungkot na sabi niya.
"Hayaan mo muna ang Daddy mo. Baka nahihiya lang magtanong sa'kin."
"Okay. Bantayan mo Daddy ko habang wala pa ko diyan. Kamustahin mo sa mga katulong namin."
"Sige, bru. Para sa'yo."
"Salamat, Tintin."
"Magdra-drama ka ba? Mamaya na yan. May tsika rin ako sa'yo."
"Ano naman yun?"
"Sa tingin ko, nagkakaayos na ulit sila Noel at Carla. Pwede ka ng bumalik dito sa Pinas!"
"Talaga? Mabuti naman. Kakarating ko lang dito, papauwiin mo na kaagad ako. Parang nagsayang lang ako ng pera nun."
"Joke lang. 'To naman. At saka, balita ko, pupunta din daw sila diyan sa Rome. May pupuntahan daw diyan. Yun yatang lalaking nakabunggo mo."
"Teka nga. Saan mo nakukuha yang mga infos na yan?"
"Sa katrabaho ko. Nagkataon kasi na friend siya ni Carla. Kaya ayun, sa sobrang kadaldalan, kwento ng kwento kahit hindi na tungkol sa buhay niya.
"Wag ka ng manggulo, Tintin. Hayaan mo na lang sila. At hindi naman ako ang pupuntahan dito e. Si Jufferson."
"Wow, teh! Alam mo na ang nemsung niya! Ang bilis mo rin ah.", natatawang sabi ni Tintin.
"Magtigil ka nga! Malamang na malalaman ko ang pangalan niya kasi nagkausap kami. Sige na. Bye na! O-order pa ko ng pagkain ko. Gutom na gutom na ko."
"Wuu! Umiiwas ka lang na pag-usapan natin si Jufferson e. Don't worry, girl. He's all yours. Hindi ko siya aagawin sa'yo."
"Ewan! Bye na!"
"Bye, bestfriend. Ingat sila sa'yo diyan ah."
"Adik ka talaga! Sige."
Binaba niya na ang phone niya. Sunod niyang tinawagan ay ang attendant sa baba. Kailangan niya namang kumain.
Makalipas lang ang ilang minuto, dumating na ang order niya.
Kumain na siya at napagdesisyunan niyang bukas na lang simulan ang pag-iikot sa Rome.

BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Fiksi RemajaKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...