Nagtagal pa sila sa Colosseum. Sinabi nito na balak talaga nitong iparinig sa mga taong naroon na mahal siya nito. Pero bigla niya naman itong hinila. At dahil sa sobrang kabang nararamdaman nito kanina, nagpahila na lang ito.
Tawa lang siya ng tawa kanina. Hindi dahil sa natatawa siya sa mga sinasabi nito. Kundi napakasaya niya dahil opisyal ng may relasyon sila. Kung may kakayahan lang siyang ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal niya ito, ginawa niya na. And it's too cliche. Kung may gagawin man siya para dito, gusto niya iyong bukod tangi. Para maramdaman nito ang pagmamahal niya.
Masayang-masaya siya sa araw na iyon. Hindi niya kayang itago ang nararamdaman niya. Sa sobrang kaligayahang nararamdaman niya, parang gusto niya na lang sumabog.
Parang nababaliw na nga siya, e. Nung una, kabadong-kabado siya dahil sa mga sinasabi ni Jufferson sa kanya kanina. Pero nang maliwanagan na siya, lampas sa langit pa ang naramdaman niyang saya.
Hindi niya akalain na aabot iyon sa puntong ganoon. Ang tanging alam lang niya, nagkukunwari lang sila. Tapos ngayon, totoo na. Bawat affection na ipapakita niya ngayon dito ay totoo. At alam nitong totoo ang ipinapakita niya dito. Walang halong kasinungalingan.
Inihatid siya ni Jufferson hanggang sa kwarto niya. Hinalikan pa ulit siya nito bago ito magpaalam.
"Goodnight, babe. Baka pwedeng diyan na ako sa kwarto mo matulog.", pilyong sabi nito.
Binatukan niya ito. "Hindi porke totoong relasyon na ang namamagitan sa atin, pwede na iyang tinutukoy mo. Oy, Mister, dalagang Pilipina yata ito."
Natawa ito. "Ikaw naman. Para binibiro ka lang, e. Pasok ka na sa kwarto mo. Goodnight. I love you."
"Goodnight. I love you, too."
"Dream of me.", sabi nito at hinalikan ulit ang kanyang mga labi.
Nakangiting pumasok siya sa kanyang silid. Hindi mapalis-palis ang ngiti sa kanyang mga labi. Wala na lang talagang mapagsidlan ang sobrang kaligayahang nadarama niya.
Pinilit niyang ipinikit ang kanyang mga mata para matulog. Pero kahit an'ng pagbiling pa ang gawin niya, hindi siya dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon kasi, pakiramdam niya ay nasa cloud nine pa rin siya.
Bumangon siya at pumwesto sa harap ng bintana ng kanyang kwarto. Ganoon palagi ang ginagawa niya kapag hindi siya dalawin ng antok.
Tiningala niya ang mga bituin. Punong-puno ng bituin ang kalangitan. Tila nag-aagawan pa ang mga iyon sa pwesto dahil sa sobrang dami ng mga ito. Napangiti siya sa tanawing iyon. Gustong-gusto niya talagang tinitingnan ang kalangitan. Kapag wala siyang nakikitang bituin sa langit ay nalulungkot siya. Ang mga bituin lang kasi ang tanging pumapawi sa lungkot na nararamdaman niya. Ito lang din ang tanging nababahaginan niya ng mga kwento ng masasayang alaala niya.
Kagaya na lang ngayon. Ikinikwento niya sa mga bituin ang mga naganap kanina. Mapagkakamalan nga siyang baliw dahil sa inaasta niya. Ibayong kaginhawahan kasi ang nararamdaman niya pag nasusulyapan niya ang mga bituin. Kapag nga naglalakad siya tuwing gabi, mas gusto niya na lang tumigil sa isang lugar at pagmasdan ang kagandahang taglay ng kalangitan.
Nang makaramdam na siya ng antok, bumalik na siya sa kama niya at nagpahinga. Ngayon niya lang naramdaman ang matinding pagod sa sobrang dami ng ginawa nila kanina. Basta yata kasama niya si Jufferson, hinding-hindi siya makakaramdam ng kahit kakaunting pagod.
Nagising siya dahil sa walang tigil na pagtunog ng kanyang cellphone. May tumatawag sa kanya.
Napapasarap na ang tulog niya nang bigla na lang may gumambala sa kanya. Nahirapan na nga siyang makatulog kagabi.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Genç KurguKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...