CHAPTER THREE

87 1 0
                                    

LAINE's POV

Ilang araw ng hindi nawawala sa isip ni Laine ang mukha ng lalaking nakabunggo niya sa coffee shop.

Naalala niya pa ng sundan niya ng tingin ang lalaking yun. Gusto niya kasing malaman kung sino ang pinunta nun sa coffee shop na yun. At nang makita niyang babae ang nilapitan nito, nawalan na siya ng pag-asa. Kahit sa pisngi lang nito hinalikan ang babaeng nilapitan nito, alam niya, ramdam niya na girlfriend nito yun. Nagulat lang siya dahil ang babaeng nilapitan nito ang siyang babae na dahilan ng pagkakahiwalay nila ni Noel. Grabe lang ang babaeng yun. Sobrang haba ng hair. Dalawang lalaki ang nagmamahal dito. Samantalang sa kanya, wala. Kahit na ama niya. Kahit hindi sabihin nito, ramdam niya na siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng kanyang ina, ng babaeng mahal nito ng lubusan.

Kailan kaya niya mararamdaman na may nagmamahal sa kanya? Nagsasawa na siya sa buhay niya. Parang kahit na anong gawin niya, walang makakapansin sa existence niya. Minsan nga, gusto niya na lang sumigaw sa labis na frustration. Nasasaktan siya ng sobra sobra sa tuwing nakakaramdam siya ng ganoon. Unwanted. Yun ang nararamdaman niya. Parang wala ni isa ang nakakaalala sa kanya. Ang hirap mabuhay ng ganoon. Tuwing gabi, pag napapag-isa na siya sa kwarto niya, doon niya nilalabas lahat ng sakit. Hinahayaan niya ang sarili niyang umiyak ng umiyak. Hanggang sa maramdaman niya kahit papaano ang relief. Wala siyang ibang masabihan ng mga problema kundi ang diary niya.

Minsan nasasabi niy a ang mga yun kay Tintin. Pero ang kaibigan niya kasing yun, laging dinadaan sa biro ang mga problema niya. Hindi niya na kaya pang magkunwaring masaya. Sa paningin niya, pag nagkunwari pa siyang masaya, ilang oras lang ay sasabog na siya. Punong puno na ng hinanakit ang puso niya. Gusto niya ng maayos ang buhay niya. Pero paano?

Nasa ganun siyang pag-iisip ng biglang sumulpot sa kwarto niya si Tintin.

"Bru, may itatanong ako sa'yo.", seryosong sabi nito.

"Ano naman yun?", nagtatakang tanong ko.

"Type mo ba yung lalaking nakabunggo mo sa coffee shop?", nanunudyong tanong nito.

"Tintin, may girlfriend siya."

"So?", balewalang sabi nito.

Napapailing na lang siya dahil sa mga sinasabi nito.

"Nakalimutan mo na bang kaya ka iniwan ni Noel ay dahil sa isang babae? Bakit kaya hindi mo i-try yung ginawa sa'yo ng hitad na yun? Manira ka rin ng relasyon. Maging badgirl ka naman kahit isang araw lang.", mahabang paglilitanya ni Tintin.

"Hindi ko ugali yun bru. Ayokong may masaktang babae nang dahil sa'kin. At saka, di mo ba napansin? Ang babaeng nilapitan nung nakabunggo ko ay yung babae na sumira sa relasyon namin ni Noel."

"Ayun naman pala e. Bakit hindi mo siya gantihan? Stop being a nice girl. Mag-pretend ka that you're a bitch. Chance mo na to bru."

"Hayy naku. Bahala ka na nga. Basta hindi ko susundin yang mga payo mo. Kahit sinira niya ang relasyon namin ni Noel, hinding-hindi ko siya gagantihan. Mukha naman siyang mabait e."

"Mabait?! Yung babaeng yun mukhang mabait? Tingnan mo nga. Matapos niyang sirain ang relasyon niyo ni Noel, heto siya ngayon, nakikipag-date sa ibang lalaki. Mabait ba yung ganoon? Yung nanggagago? Iniwan ka ni Noel para sa hitad na yun tapos yung hitad na yun naman, nagawa pang makipag-date sa iba."

"Tin, bakit ba ikaw ang masyadong apektado?", tanong ko.

"Bru, nag-aalala kasi ako sa'yo. Nung naghiwalay kayo ni Noel, ni hindi ka man lang umiyak. Alam kong nasaktan ka sa nangyari. Pero kasi..."

Natawa siya sa nakikitang ekspresyon ng mukha nito. Para kasing iniisip nito na manhid na ang puso niya, na hindi na nakakaramdam ang puso niya ng kahit kaunting sakit. Pero, bakit nga ba hindi siya umiyak? Manhid na nga ba siya? O naisip niya na lang na hindi naman ganoon katindi ang pagmamahal niya para kay Noel?

"Ano bru? What's funny? It's okay to cry. Friend mo ko kaya hindi kita tatawanan sa pag-atungal mo diyan."

"You know what? I don't feel like crying, really. I don't know why but instead of feeling cheated, i felt relief. Aaminin ko, nasaktan din naman ako kahit papaano kasi nagmukha akong tanga. Pero wala na rin naman akong magagawa e. Hahayaan ko na lang sila."

"Hindi mo man lang ba sasabihin kay Noel na may ibang boyfriend ang hitad na yun?"

"Kapag mahal mo ang isang tao, wala kang pakikinggan sa opinyon ng iba. Tanging ang mahal mo lang ang papakinggan mo, ang tanging paniniwalaan mo. Kahit alam mong kasinungalingan na lang ang sinasabi niya sayo, papaniwalaan mo pa rin siya dahil ayaw mo siyang mawala. Kaya kahit ano pa ang nalalaman ko, hinding hindi ko yun sasabihin kay Noel."

"Oo nga. At saka binabalikan ka niya. Wala na siyang pakialam kung ilan pa ang maging boyfriend ng hitad na yun. Goodluck na lang dun sa lalaking nakabunggo mo. Kawawa siya dahil pagtataksilan lang naman siya ng babaeng iniibig niya."

Bigla niyang naalala ang gwapong nakabunggo niya. Kawawa nga ito kapag nalaman nitong malandi ang babaeng pinatulan nito. Tsk!

"Sana akin na lang siya.", anang bahagi ng utak niya.

She mentally shook her head. Para niya na ring inagawan ang babae kapag nag-isip pa siya ng ganoon.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon