CHAPTER FIFTEEN.

39 0 0
                                        

JUFFERSON's POV.

Pagkapasok ni Laine sa kwarto nito, naiwan lang siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng hotel room nito.

Hindi niya mapaniwalaan ang ginawa niya. Hinalikan niya ito sa noo. Hindi niya naman kasi sinasadya iyon. Mabuti na nga lang, ngumiti si Laine e. Kung alam lang nito na abot hanggang langit ang kabang naramdaman niya ng nakita niyang nagulat ito. Hindi niya naisip na may bayad ang bawat halik na gagawin niya dito. Basta gusto niya lang itong halikan kanina.

Bago pa man siya tubuan ng ugat sa kinatatayuan niya, umalis na siya roon at tinungo ang kanyang kwarto.

Sobrang pagod niya, hindi na niya naisipan pang mag-halfbath. Itutulog niya na lang yun. Para bukas, buong-buo ang enerhiya niya pag gumala sila ni Laine.

Napapangiting ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Kinabukasan, pagkagising niya, dali-daling naligo siya at nag-ayos.

Matapos siyang mag-ayos, pumunta siya sa kwarto ni Laine.

Kumatok siya sa pinto ng kwarto nito.

Nakita niyang nagulat ito ng pagbuksan siya ng pinto. Napangiti siya. Halatang bagong gising pa ito. Kahit ganun man, napakaganda pa rin nito sa paningin niya. Kinulam yata siya nito. Hindi naman kasi siya madaling magandahan sa isang babae.

"Bakit? Ang aga mong manggambala, ah.", sabi ni Laine na nagpabalik sa kanya sa kanyang sarili.

"Gusto ko kasing makasabay ang girlfriend ko sa pagkain ng breakfast.", nakangiting sabi ko.

"Ganun. Tuloy ka. Kakagising ko lang, e. Masyado kang excited na makasama ako."

"Miss na kasi kita kaagad. Ayos lang naman sa'yo di'ba?", malapad na ngiting sabi ko.

"Ang aga-aga mo mangbola.", napapailing na sabi nito.

"Kinikilig ka naman."

"Yabang mo talaga! Grabe ka!", sabi nito.

Dumiretso siya kaagad sa kama nito at nahiga. Inaantok pa kasi talaga siya. Gusto niya lang kasi talagang makita ng maaga si Laine.

"Diyan ka lang, ah. Maliligo lang ako.", sabi nito.

"Sige lang. Nangangamoy na nga, e.", biro niya.

Hinampas siya nito ng unan sa mukha. Tawa naman siya ng tawa.

"Yabang mo!", sabi nito at dumiretso na sa banyo.

"Oy, gising!", sigaw ni Laine sa tapat ng tainga niya.

Bigla siyang napabangon. Ang lakas naman kasi ng sigaw nito tapos sa tapat pa ng tainga niya. Hindi naman kaya siya mabingi nun?

"Grabe naman. Makasigaw, e.", reklamo niya.

"Paano naman kasi. Ang sabi mo, sasabay ka sa'kin kumaen kaya maaga kang nagpunta dito. Yun naman pala, makikitulog ka lang.

Napakamot siya sa kanyang ulo. Hindi niya naman kasi sinasadyang makatulog sa kama nito. Ang tagal kasi nito sa banyo. Ayun tuloy, nakatulog siya.

"Naka-order na ko ng makakain natin. Di ko alam kung ano'ng gusto mo kaya pastry na lang in-order ko. Magugustuhan mo naman siguro yan kasi dang sasarap ng mga pastry dito.", sabi nito.

"Yan ang gusto ko sa'yo, e. Ang sweet mo.", nakangiting sabi niya.

Iningusan siya nito. "Kakasabi mo nga lang kagabi na hindi ako marunong magpakita ng pagmamahal e. Tapos ngayon, sasabihin mong sweet ako. Adik!"

"E ngayon, nag-a-upgrade ka na. Gumagaling ka ng magpakita ng affection. Yun lang pala ang dapat gawin e. Dapat ka lang pagsabihan para matuto ka. Pa-hug nga ako.", umakto siyang yayakapin ito.

MAKE IT REAL [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon