JUFFERSON's POV.
"Good afternoon, Sir.", magalang na bati ko sa Daddy ni Laine. Kinakabahan ako. Kakausapin daw kasi ako ng Dad ni Laine. Seryosong seryoso pa ang hitsura ng Dad nito. Mas lalo tuloy siyang kinakabahan.
"Iwan mo muna kami, Laine.", utos nito kay Laine.
Hinawakan ko ang kamay ni Laine para hindi siya iwan nito. Pero hindi ata nito napansin na kinakabahan na siya. Nginitian pa siya nito.
"Sige po.", sabi ni Laine sa Dad nito.
Patay na! Wala pa naman siyang alam maski ano tungkol sa Dad ni Laine. Baka napakaistrikto nito. Hindi naman kasi nagkwekwento si Laine sa kanya tungkol sa ama nito. Hindi niya tuloy alam kung paano mapapalagay ang loob nito sa kanya. Baka tutol pa ito sa relasyon nila ni Laine.
"Maupo ka, iho."
Agad na sinunod niya ang utos nito. Buti na lang pinaupo siya kaagad nito. Kanina pa kasi nanghihina ang mga tuhod niya dahil sa sobrang kaba. Kung hindi lang niya naiisip ang kahihiyang aabutin niya, malamang na napaihi na siya sa pants niya.
Sana kayanin niya ang pag-uusap nila.
"Hindi ko akalaing ganyan pala ang lalaking napili ng anak kong mahalin. Parang mamamatay sa sobrang nerbiyos.", panimula nito.
Lalo siyang ninerbiyos. Pero hindi niya na dapat ipahalata iyon. Lalabanan niya ang matinding kabang nararamdaman niya para hindi mapahiya si Laine sa ama nito.
"Ayos lang sa akin kung nagkakaganyan ka. Hindi mo naman kasi ako kilala. At malamang na hindi ako naikwekwento sa iyo ni Laine. Kung may naikwento man siya sa'yo ng tungkol akin, malamang na puro malulungkot na pangyayari lang iyon. Wala naman na kasi ata kaming pagsasama na may masayang happenings.", sabi pa nito.
"Hindi po. Mahal na mahal po kayo ni Laine. Lagi nga po iyong nag-aalala para sa inyo. Araw-araw pong nag-uusap sila ni Tintin sa phone para kamustahin kayo. Noong malaman nga po ni Laine ang totoong nangyari sa inyo, alalang-alala siya. Gusto niya na pong umuwi kaagad noong malaman niya ang totoo. Iyak nga po siya ng iyak. Hindi niya man po nasasabi sa inyo iyon, pero hindi po siya nakaramdam ng galit o inis sa inyo.", sabi niya.
"Maraming salamat sa pagmamahal na ipinaparamdam mo sa anak ko. Hindi ko rin kasi siya napagtuunan ng pansin mula ng iwan kami ng Mom niya. Buti na nga lang at dumating ka sa buhay niya. Maraming salamat talaga. At huwag ka ng mahiya sa akin. Boto ako sa iyo para sa kanya.", nakangiting sabi nito sa kanya.
Napangiti din siya. "Maraming salamat po. Huwag po kayong mag-alala. Mamahalin ko po ng lubusan ang anak niyo. Mahal na mahal ko po siyang talaga.", sabi ko.
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa mga experience nila ni Laine sa Rome at tungkol sa relasyon nila. Kung paano sila nagkakilala at kung paano nabuo ang pagmamahalan nila.
Habang nagkwekwento siya dito, hindi niya mapigilang kiligin. Ipinangako niya na nga sa kanyang sarili na si Laine na ang babaeng makakasama niya sa panghabangbuhay. Sana ganoon din ito sa kanya.
He can't imagine his future without Laine. Sa lahat ng planong binubuo niya, kasama na ito pati ang mga magiging anak nila.
Sinabi sa kanya ng Dad ni Laine na Tito na lang ang itawag niya rito. Nakakailang naman daw kasi kapag laging Sir ang tawag niya rito. E magiging son-in-law naman din daw siya nito.
Nakakatuwang isipin na botong-boto sa kanya ang Dad ni Laine.
Nagkakatuwaan pa sila ng Dad ni Laine ng pumasok sa kwarto sila Laine at Tintin. Nakangiting tiningnan niya si Laine. Nginitian din siya nito.
"Close na kayo, ah.", nakangiting sabi sa kanila ni Laine.
Kapwa sila napangiti ni Tito Stefano- ang Dad ni Laine.
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Novela JuvenilKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...