LAINE's POV.
"Makakalabas na daw po kayo bukas.", nakangiting sabi ko kay Dad.
Sa wakas, ayos na kami. Nasolusyonan na namin ang problema namin. Ang saya ko lang. Sobra! Lagi ko ring nakakasama si Jufferson. Walang araw na hindi ko siya kasama. Kahit pa alam na niyang pagod ito, nagagawa pa rin nitong pumunta sa ospital para makasama siya at ang ama niya. Close na nga kaagad ito sa Dad niya. Boto ang Dad niya dito para maging asawa niya.
Alam niyang masyadong mabilis pero iyon na talaga ang tingin ng Dad niya dito. Ang lalaking makakasama niya sa panghabang-buhay.
Wala naman siyang reklamo doon dahil mahal na mahal niya talaga si Jufferson. At alam niyang ganoon din ito sa kanya. Kakilig lang!
"Mabuti naman. Nakakabagot na dito sa ospital. Lagi na lang nakahiga. Hindi na ako nakakapunta sa opisina.", sabi nito.
She sighed. Hanggang sa ospital ba naman. Trabaho pa rin ang iniisip nito. Lalo tuloy siyang nag-aalala para dito.
"Huwag ka munang pumasok sa opisina, Dad. Magpahinga ka na lang muna. Next month ka na lang bumalik sa opisina.", sabi ko.
"Sige.", sumusukong pagpayag ng kanyang ama.
"Buti naman hindi ka na nagpapilit."
"May naisip kasi akong gawin."
"Ano na naman iyan,Dad? Akala ko pa naman nagpapigil na kayo. Hindi pa rin pala."
"Don't worry, princess. Kasama ko kayo ni Jufferson sa escapade ko na ito."
"Wow! Escapade pa rin ang tawag niyo diyan sa pinaplano niyo, huh? So, what's the plan?", tanong ko.
"Magbakasyon tayo. Para naman maka-bonding ko kayo ng mamanugangin ko."
"Hindi ka naman super boto kay Jufferson niyan para sa akin, no.",natatawang sabi ko.
"Kasi naman, anak. You two look so happy with each other. Ngayon ko lang nakita na ganyan ka. I can see through your eyes that you are contented. Hindi ko nakita ang ningning sa mga mata mo pag kasama mo si Noel noong kayo pa. Samantalang kay Jufferson, marinig mo pa lang na may nagsabi ng pangalan niya, kumikislap na ang mga mata mo. Ramdam ko rin sa aura mo na you are so inlove with that guy. Kahit naman hindi ako pabor sa relasyon niyong dalawa, alam kong sa bandang huli, kayo pa rin ang magkakatuluyan."
"Wala pala kayong choice kundi ang payagan kami sa gusto namin. Pero huwag kang mag-alala, Dad. Alam kong hindi ako sasaktan ni Jufferson.", nakangiting sabi ko.
"Alam ko, anak. Tingin ko nga, walang babaeng magbabalak na landiin pa siya. It's so evident in his eyes that he's already inlove with a girl."
Naman ang Dad niya. Pinapakilig siya masyado.
Teka nga! Nasaan na nga ba ang bestfriend niya? Hindi na dumalaw sa ospital ang bestfriend niya simula noong makabalik sila galing Rome. Hm, She smell something fishy. Hindi naman kasi basta basta nawawala ang bestfriend niya lalo na kapag may hindi kagandahang nangyayari sa buhay niya. Hindi niya rin naman ito mapuntahan sa bahay nito dahil wala siyang oras. Kailangan niyang unahin ang sitwasyon ng Dad niya.
"Dad, nga pala. Hindi mo ba napapansin na may problemang iniisip si Tintin nitong mga nakaraang araw? Hindi na kasi siya bumalik dito simula noong unang punta namin dito galing Rome.", pag-iiba niya ng paksa. Nag-aalala lang kasi talaga siya sa bestfriend niya.
"Oo nga pala, anak. Napansin kong parang laging may bumabagabag doon sa bestfriend mo. Kahit pa noong nalaman niya ang tungkol sa sakit ko. Minsan naman, parang ang saya-saya niya. Yung tipong nasa cloud nine. I think, she's inlove also. But not the same thing as yours. Hindi pa siguro nare-realize nung boy na mahal niya rin si Tintin. Still, Tintin kept on waiting. Dapat ang gawin niya, iwan niya iyong lalaki hanggang sa ma-realize noong guy na mahalaga sa kanya si Tintin.", sabi ng Dad niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1247129-288-kef4f7e.jpg)
BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Novela JuvenilKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...