Ilang araw na rin silang nagkukunwaring may relasyon ni Jufferson. Hirap na hirap na nga siyang magkunwari. Samantalang parang walang kahirap-hirap si Jufferson na ipinaparamdam sa kanya ang pekeng pagmamahal nito.
Ang nakakainis lang, lagi nilang nakikita sila Noel at Carla. Hindi niya alam pero may kutob siya na sinusundan sila ng magkasintahan. Sinusubok marahil sila. Gusto siguro talaga makasiguro ng mga ito na hindi sila nagkukunwari. Lalo lang tuloy siyang nahihirapan.
Kaya napag-isipan niyang hindi na muna siya lalabas ng hotel suite niya ngayong araw. May hinala kasi siya na makikita na naman niya sila Noel.
Matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa pekeng relasyon nila, sa hotel na tinutuluyan na rin niya ito tumuloy. Para daw hindi kaduda-duda. Dahil wala naman daw magkasintahan na magkaiba pa ng hotel na tinutuluyan. Baka dun pa lang daw ay mabisto na sila.
Naalala niya ang ilang pag-uusap na namagitan sa kanila ng araw na yun.
"Una sa lahat, saang hotel ka ba tumutuloy?", tanong ni Jufferson.
"Bakit? Sa Welcome Piram Hotel.", sagot ko.
"Ah. Simula ngayon, doon na rin ako tutuloy."
"At bakit naman?", nagtatakang tanong ko.
"Dahil boyfriend mo ko.", balewalang sagot nito.
"Psh! Ayusin mo kaya ang pagsagot mo para matapos na tayo dito.", naiiritang sabi ko.
"Okay. Kailangang sa iisang hotel tayo tumuloy para hindi sila magduda. Wala naman kasing lovers na maghihiwalay pagdating sa hotel na tinutuluyan."
Napaisip siya sa sinabi nito. May punto nga ito. Kaya hindi na siya nagreklamo pa.
"Dapat pa nga, magkasama pa tayo sa iisang kwarto e."
Inambaan niya ito ng suntok. "Eto, gusto mo?", sabi niya.
"Nagbibiro lang. Ikaw naman. Masanay ka na sa'kin."
"So, joker ka pala.", nakaismid na sabi ko.
"May pagka."
"Trying hard kamo."
Tumawa ito. "Mas magaling ka pa ngang mag-joke kesa sa akin e. Lagi mo kong napapatawa.", sabi nito.
Napaisip siya. Joke na ba para dito yung mga mumunting bagay na sinasabi niya? Kung ganoon na nga, napakababaw naman ng kaligayahan nito. Pero nakakatuwa ring isipin na napapatawa niya ito. Kahit pa ang ibig sabihin nun ay mukha siyang clown.
"Ipagpatuloy na nga lang natin yung pinag-uusapan natin. Baka sa kakasabi mo na ang galing kong mag-joke, maging clown na ko sa children's party.", sabi ko.
Tumawa na naman ito pero pinigilan din nito kaagad. "Sige pag-usapan na natin ng matino.", sabi nito na binigyang-diin pa ang salitang matino.
Napapangiti siya dahil sa salitang pinili nito. Matino talaga? Alam nito sa sarili nito na kanina pa sila naglolokohan. Tingin niya, magiging super duper close friends sila nito kung hindi lang ganoon ang sitwasyong kinakaharap nila.
"Kailangang panagutan na natin yung tinawag mo sa'king babe. So, simula ngayon, wala man sila sa harapin natin, kailangan ng laging may babe sa bawat pag-uusap natin."
"Bakit? Di naman kaya nasobrahan na tayo sa pagpapanggap nun?", nagtatakang tanong niya.
"E malay mo, baka pinapabantayan nila tayo. Mas mabuti nang sumobra kesa naman magkulang.", pagdadahilan nito.
"Okay. Wala na lang akong sinabi."
"Ganito ah."
Sinabi nito sa kanya ang mga balak nito. Lalo na kung paano sila nagkakilala. Kung kailan naging "sila". At kung ano-ano pa.
Wala na lang siyang ibang ginagawa kundi ang tumango, ang sumang-ayon sa mga sinasabi nito. Sa ngayon, ayaw niya munang mag-isip. Bahala na lang si Jufferson kung paano nila lulutasin yon.
"Naintindihan mo ba lahat ng sinabi ko?", tanong nito. Marahil ay tapos na itong magpaliwanag.
Tumango na lang siya kahit wala siyang naintindihan sa ibang mga sinabi nito.
"Ay, teka! Hanggang kailan naman tayo magkukunwaring may relasyon tayo?", naisip niyang itanong.
Nag-isip ito. "Siguro... Hanggang sa nandito pa tayo sa Rome. Hanggang may pagdududa pa rin sila sa relasyon natin."
"E paano kapag maghihiwalay na tayo? Ano ang sasabihin nating dahilan. Malamang na magduda pa rin sila nun."
"Huwag mo munang isipin iyan. Sa ngayon, ang problemahin muna natin ay kung paano tayo magkukunwari. Kung ako kasi, kayang-kaya ko yun. E ikaw? Hindi ka nga ata marunong umarte.", pang-aasar nito.
"Batukan kaya kita? Ang yabang yabang mo. Marunong din naman akong umarte no." Totoo yun dahil sumali siya sa teatro noong high school pa lamang siya. Lagi ngang siya ang napipiling protagonist sa mga dula na ipinapalabas sa kanilang eskwelahan.
"Hey, may gusto akong linawin.", naalalang sinabi ko.
"Ano yun?"
"Only hugs and holding hands are accepted. Hindi pwede ang kiss, okay? Kung ayaw mong masapak, sundin mo ang mga sinabi ko."
"What?! Paano tayo magmumukhang totoong lovers kung hindi man lang kita pwedeng halikan?"
"Okay. Kiss sa cheeks, pwede na. Hanggang doon na lang ah. Hindi pwede sa lips.", desididong sabi ko.
"E paano pag gusto kitang i-kiss sa lips? Ha?", sabi nito habang nilalapit ang mukha nito sa mukha niya.
Kinakabahan siya. Hahalikan nga ba siya nito? Paano pag hinalikan siya nito? Sasapakin niya ba ito? Aha!
"Huwag mo kong hahalikan!", biglang sigaw niya.
"Sige. Ganito na lang. Bawat halik mo, babayaran mo ko.", sabi niya.
"Pag smack, 5thousand ang bayad mo. Pero pag lumampas pa sa smack, 10thousand bayad mo. Payag ka?", patuloy niya.
"Wow! Ginawa mo pang kabuhayan itong pagkukunwari natin.", hindi makapaniwalang sabi nito. Nabasa niya sa mga mata nito ang pagka-amaze.
"Syempre naman. Kailangan kong gawin yun. Baka mawili ka naman sa paghalik halik sa'kin. Alam kong masarap ang lips ko. Kaya wag mo ng balaking tikman kung wala ka rin namang pangbayad.", nakangising sabi ko.
Nakatulala lang ito. Halatang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Ano? Payag ka ba?", tanong niya pa dito.
"Oo na. Payag na ko. Hindi kita hahalikan kung alam kong wala naman akong pangbayad. Pero humanda ka.
Pag-iipunan ko yang halik ko sa'yo.", nakangising sabi nito.
Hindi niya na lang pinansin ito dahil wala namang matinong lalaki na mag-aaksaya ng pera para lang makahalik sa isang babae.

BINABASA MO ANG
MAKE IT REAL [ COMPLETED ]
Genç KurguKailangang umalis ng bansa si Laine para layuan na siya ng ex niya na nagpupumilit makipagbalikan sa kanya matapos siyang lokohin nito. Hindi naman siya tanga para patulan ang gusto nito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa ibang bansa, nakilala niya an...