🐾At Bts Dorm:🐾
"J-hope! Gising na!" paglalandi ni Jimin sakin este pang-gigising ng unano sakin, na hindi ko makita.
Nakapikit kasi ako guys! Wag ano!
"5mins pa please!" na-aantok kong sagot sakanya.
Kasi nakaka-tiredue and hopie is so sleepy too /pout/ /le horse este puppy eye/
"Hyung, pupunta tayo ngayon sa philippines, nakalimutan mo na ba?" sabi ni Jimin, dahilan para maimulat ko ang attractive kong mga mata.
Nakalimutan ko ngayon nga pala kami pupunta sa Philippines, akala ko sa susunod pang araw yun:/ Hay hindi pa naman ako nagkakaroon ng puting buhok ahh, bat nakalimutan ko? Whyyyyyy?!?! Sapagkakatanda ko kahapon lang sinabi samin ni Bang PD-Nim na pupunta kami dun. Bat kaya nakalimutan ko? Di kaya my short term memory loss ako? Pero malabo yun, di naman ako short kagaya ng lalaking nasaharap ko.
Pero excited na kong pumunta sa City of smile. City of smile ang tawag ko sa Philippines, kasi nakita ko sa internet na ang mga tao dun ay masaya kahit na may mga pagsubok na nangyayari sa buhay nila. Kagaya nalang nung bumagyo dun ng malakas, ay di naging hadlang iyon para tumigil na silang maging masaya at kahit papaano hinarap nila ang mga mabibigat na pagsubok na may ngiti sa mga labi. Kaya bilib talaga ako sa mga mamayanan dun.
"Oh syah hyung, maligo kana, at magbibihis narin muna ako sa kwarto ko." dagdag ni Jimin kaya naputol ang pinag-iisip ko, at sabay naman nun ang paglabas niya ng kwarto ko.
Ako naman pumunta sa CR para maligo at mag toothbrush at kung anu ano pa. Pagkatapos kung gawin ang mga morning routines ko, lumabas na ko sa kwarto ko at pumunta sa living room. Pagkarating ko dun nakita kong nakabihis narin sila maliban kay Suga na natutulog pa.
"Jimin gisingin mo nga si Suga!" utos ni Jin hyung.
"Ayoko nga, nakakatakot kayang gisingin si Suga" sagot ni Jimin.
Parang demonyo kasi yang si Suga kapag kulang ang tulog o kaya kapag ginigising mo, isama mo pa na minumura niya kung sino man ang gigising sa kanya at kahit naman gising siya parang walang pinagkaiba kabatid parin siya ni Satan. Kaya natatakot talaga kaming gisingin yan si Suga, mabuti sana kong my girlfriend yan, para naman may mapag-utusan kaming gigisingin sa kanya palagi, pero wala eh!
~Authors Note: Ang kailangan ni Yoongi ay isang alarm clock, hindi girlfriend kung ganon Jhope~
"Hayaan nalang muna natin siyang matulog, 5:30am palang naman ngayon 7:30am pa tayo susunduin dito ni Bang Pd-nim at 8:00am pa ang flight natin." saad ni Rap Monters
Mabuti pa si Suga makakatulog pa ng matagal, eh ako?!
"Kung sa bagay" sabi ni Jin sabay punta namin sa dining table para kumain. At speaking of the devil, nagising narin sa wakas si Suga.
"Oh Yoongi, kumain kana." sabi ni Jin sa kanya, kaya kumain narin siya kasama namin.
Pagkatapos naming kumain nanood muna kami ng TV, 6:01am palang kasi at kasalukuyang naliligo palang ngayon si Suga sa CR ng kwarto niya actually kanina pa siya naliligo dun
"Ang tagal namang maligo ni hyung!" naiiritang sabi ni Jungkook.
"Nagsalita ang mabilis maligo, eh sobrang tagal mo rin kayang maligo. Daig mo pa nga ang babae kung makaligo ka." sarcastic na sabi ni Suga na kasalukuyang nasa hagdan at nagpupunas ng basang buhok niya at walang damit pang-itaas ibig sabihin hehehe half naked siya ^-^ ohlalala
YOU ARE READING
School Life With Bts
Random-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*- This story is all about highschool studied life, who addicted to a kpop boygroup named Bts. The seven girls who study in a private school in the Philippines. And it happen that there idol's come to the...