💐 TAEHYUNG P.O.V:💐
"Ano ba yang pinapanood mo, at umiiyak ka na naman diyan?" tanong sakin ni J-hope.
Nandito ako sa kwarto ko na ngumangawa ng matapos na ko sa panonood ng movie sa laptop ko ng bigla-bigla nalang pumasok ang isang kabayo.
At kung nagtataka kayo kung bat ako umiiyak, ahh kasi naman nakakaawa yung mga nagyari sa bida, palagi nalang siyang binubugbog, binubully ng tatlo tapos ninakawan pa siya ng bahay. At yung masaklap pa tatlo sila laban sa walang labang bida.
" Kasi naman hyung! Nakakaawa yung bida, palagi nalang siyang pinagtutulungan nung tatlo." sabi ko habang humahagulgol.
"Aissh ano ba kasi yang pinapanood mo? At gabi-gabi kanalang umiiyak?" saad niya at umupo sa tabi ko at binigyan ako ng isang box ng tissue, kaya dumukot ako ng tissue at pinahid sa mukha ko.
"Oggy and the cockroaches hyung! Kawawa nga palagi dun si Oggy eh, pinag sasamantalahan siya nung tatlo." mangiyak ngiyak kong sabi.
"Alam mo V! Gutom lang yan, kumain na tayo dun sa baba." sabi niya ng nakangiwi at lumabas na ng kwarto ko habang magkasalubong ang kilay.
Kaya di ko nalang pinansin ang pagiinarte ni hyung at pumunta nalang sa Cr para malabas ang tawag ng kalikasan. Pagkatapos bumaba na rin ako.
"LALALALA LALALALA GOODDDDD MORNINGGGGGGGGG!" sigaw ko sanhi para ngumiwi sila.
"Ang sipag mo talaga V, umagang umaga palang nagpapakaabnormal kana" saad ni Agust D na blanko ang pagmumukha na nginingitian ko lang.
"Kumain na kayo dito, kung ayaw niyong ubusan ko kayo." rinig kong sabi este mala demonyong sigaw ni Eat Jin sa dining table.
Kaya tumakbo kami tungon dining room, maliban kay Suga hyung na lumalakad lang at nakapamulsa ang dalawang kamay at kay Rapmon hyung na magkasalubong ang kilay.
"Hoy V, ano pinapanood mo kagabi at kanina at naririnig kitang humihikbi?" tanong sakin ni Jin hyung ng makaupo ako dito.
"Ang aga aga chismis na agad ang inuuna niyo, kumain kaya muna tayo?" saad ni Namjoon hyung na sanhi para tignan siya ng masama ni Jin hyung.
"Hoy Namjoon! Di porket leader ka eh pagsasalitaan mo na ako ng ganyan, baka nakakalimutan mo mas matanda at hamak na mas gwapo ako kaysa sayo." sabi ni feeling gwapo na gurang naman sanhi para mapangiwi sina hyung maliban sakin at kay Suga hyung na lumalamon na.
"V sagutin mo ang tanong ko kung bat ka umiyak kagabi dahil kong hindi last supper mo na toh"
"Kasi naman hyung, kawawa yung bida sa pelikula. Palagi nalang siyang pinagtutulungan, kaya naisip ko pano kaya kong magyari din sakin ang nagyari sa kanya? Anong kayang gagawin ko?" pahayag ko habang minumiya ang kinakain kung omelet.
"Anong pinanood mo hyung?" tanong ni Kookie ko habang ngumunguya ng kinakain niyang bulgogi.
"Oggy and the cockroaches!" sabi ko habang sumusubo ng spicy fried chicken at tinignan naman nila ako ng masama maliban kay Suga hyung na tahimik parin na kumakain.
"Ehh bat iniyakan mo? Nakakatawa kaya yun?" nakangusong sabi ni Jimin dak dak na lumolobo pa ang dalawang pisngi, dahil sa mga pagkaing nakabara pa dun.
YOU ARE READING
School Life With Bts
De Todo-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*- This story is all about highschool studied life, who addicted to a kpop boygroup named Bts. The seven girls who study in a private school in the Philippines. And it happen that there idol's come to the...