38

483 19 11
                                    

💐BARBIE P.O.V:💐


      Tahimik naming sinusundan si Jungkook na papunta sa skul garden.

"Best, bat galit si Jungkook?" mahinang sabi ko habang nakatayo kami malayo sa kinaroroonan ni Jungkook na nakaupo dun sa bench.

"May kausap kasing ibang lalaki kanina si Lily, alam mo kasi yang si Jungkook may lihim na pagtingin kay Lily. Sa katunayan nga best, nagpapatulong sakin si Jungkook manligaw kay Lily bukas. Ang problema di ako makakapasok bukas hanggang Friday dahil magprapractice kami sa upcoming music video namin." saad niya na kinatahimik ko.

Nakakainis ka Jungkook, bat sa dinami-dami pangbabae dito sa mundo. Si Lily pa ang minahal mo! Kainis di mo ba alam na playgirl yun?

Pero ano pa bang magagawa ko, eh di hamak na nobody lang ako sa puso mo. Classmate,  lang ang maituturing mo sakin, at higit sa lahat di ko madidiktahan yang puso mo.  Na dapat ako ang mahalin mo, dahil di ko naman controlado yan

"Ah best! Ok kalang bah?"

"A-Ah oo, ok lang ako best!"  saad ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Best, bili muna ako ng mga checherya natin dun sa canteen ah. Ikaw muna bahalang magbantay kay kookie, baka kasi mamaya magpakamatay yan" pagpapa-alam ni Yugyeom at tumango lang ako, dahilan upang umalis na siya kaya  tumabi ako sa inuupuan ni Jungkook.

"Ah Jungk-----" "Sorry kanina Barb! Di ko kasi napigilan ang galit ko." putol niya sakin na nakapoker face na nakatingin sa malayo.

"Hahaha ok lang, naiintindihan naman kita eh. Kung ako nga ang nasa posisyon mo ngayon, na makitang may malalanding babaeng lumalapit sa lalaking mahal ko. Tskkk baka ano nang magawa ko at masabi, at kapag nagkataong makasalubong ko yung mga yun makakalbo ko talaga at mababalatan ng buhay."

"Hahaha ang brutal mo pala"

"Hindi noh, good girl yata toh. Pinapatawa lang kita. At nagawa ko naman kaya success." saad ko at ngumiti ng matamis saka nagtumbs up.

"Hahaha naalala mo pa ba yung tanong mo sakin dati, nung pumunta kami dun sa bahay niyo."

"Ah yung sinabi mo sakin na wag Jungkook ang itawag ko sayo at Oppa nalang." sabi ko na halata sa tono ng pananalita na nahihiya tapos di pako makatingin sa kanya.

TSKKK BAT KASI NAHIHIYA AKO T_T

" Oo, napag-usapan pa nga natin kong may mga crush ba tayo o may bf/ gf na tayo." nakangiting saad niya na nakatingin dun sa mga bulaklak na nasa harapan namin habang nakatingin naman ako sa kanya.

"Ah oo naalala ko yun" kasi dun tayo naging close, di ko malilimutan yung araw nayon Kookie. Dahil nung pumunta tayo ng mall hinahawakan mo ang kamay ko, para lang hindi ako mawala sa tabi mo. Pero kinabukasan nung pumasok tayo sa skul di muna ako pinapansin kasi puro kanalang Lily Lily!

Gusto kong sabihin yan, kaso wag nah. Baka hindi na talaga ako papansinin ng lalaking toh.

"Mabuti naman kong ganon. Yung babaeng tinutukoy kong kikilalanin ko, si Lily yun. Alam mo hindi ko pa lubos na kilala siya, pero mahal na mahal ko na siya" saad niya at tumingin sakin.

"A-Ahh ga-ganon o ta-tapos" saad ko na pinipilit na wag mabasag ang bosis. Parang maiiyak na ko, ang sakit palang malaman na yung taong mahal mo may ibang mahal na. Ang sakit! Bat di nalang kaya ako naging si Lily? Ano bah ang meron ang babaeng yun na wala ako? Ang sakit Jungkook! Gusto kong sumigaw, dahil dito sa nararamdaman kong kirot sa puso

School Life With BtsWhere stories live. Discover now