Chapter 6

550 19 2
                                    


Earl's POV

Kasalukuyan kaming nasa malawak na field ng Whane. Di hamak na mas malawak ito kaysa sa field namin noong high school.

Maglalaro na ngayon ang KB. Siguro nagtataka kayo kung bakit sila magkaka-team gayong hindi naman sila pare-pareho ng course ano? Yun ay dahil hindi naman talaga by course ang game na to. Sabi nila, ito lang daw sport na to ang inilalaban agad sa ibang school kaya hindi na kailangan magkaka-course tutal kailangan din naman ng iba't ibang player sa game na to kaya bakit pa magbubuo ng team ang isang course kung pede namang hindi na. Sabi din, bihira lang daw ang may gustong sumali at maglaro sa sport na to kaya pinagsama-sama nalang ang may gusto.

Tinignan ko yung mga ichi-cheer namin.

Mga nagwa-warm up sila.

Sunod ko namang tinignan yung mga tao. Para kaming mga rainbow dito sa field. Iba-iba kasi ng kulay ng shirts.

Bago kasi dito, nasa gym kami. Basketball game. Red ang suot ng mga business ad. Then iba din sa iba. Kanina sa gym magkakasama ang magkakakulay which is magkaka-course dahil by course ang basketball, by course din ang cheering. Though di naman ako nagchi-cheer. Hehe.

Pero ngayon dahil pinagsama-sama na ang mga players. According to friends nadin ang sitting arrangement.

Napatingin kami ulit sa field nang marinig namin yung pito.

Magsisimula na.

Nakita kong tumingin sa kinaroroonan namin si King.

Sa akin.

Goodluck! I mouthed to him na nakapagpangiti sakanya bago tumakbo sa kinaroroonan ng iba pang KB.

"Eh ngumingiti naman pala si bad boy guy ih ahihihi"

Narinig ko yung nasa harap namin. Ano daw? Bad boy guy? Boy na guy pa? Ahe!

"Oo nga eh, kita mo rin pala. Ang gwapo, ano kayang course nya?"

May isa pang ate na kinikilig. Katabi nung nauna.

"Ay mga bes sino dyan pinag-uusapan nyo, yung naka skyblue team?"

May sumingit na isa. Katabi nung ateng kinikilig. Sky blue? Kila King yun.

"Oo bes, ang gugwapo super! Lalo na yung number 26, ngumiti kanina sa direksyon namin eh. Nagandahan yata sakin"

Kinilig na naman si ateng kinikilig. At ang kinakikiligan nya pala ay walang iba kundi si King.

Hay, wala talagang palya ang kagwapuhan ng mga KB.

"Mga tangeks! Di nyo ba yan sila kilala? Sikat yang mga yan ah. Banda yan eh"

May sumingit ulit, isa pang katabi ni ateng boy-guy.

"Ay talaga ba?"

"Oo. Kingdom Band yung name. Wag na kayong magpantasya, may mga girlfriends na sila"

Tama ka dyan ate!

"Ay"

Biglang nalungkot yung tatlo.

"Pero okay lang yan, maghihiwalay din sila sa twentitri"

Sabi yun ni ateng kinikilig kanina na ngayon ay mukha nang determinado.

Hype ka ate! Jk.

"Hahahaha"

Nagtawanan lang silang apat tapos nanuod na ulit.

Dadaldal.

Maghihiwalay daw sa 23, anong meron sa 23 na yan? Tsk tsk.

Nanuod nalang ulit ako ng game.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon