Chapter 30

329 16 2
                                        


Earl's POV

Nakatalikod yung babae, mahaba ang buhok nito at may pagkakulot sa dulo. Nakapambahay na damit lang ito, short na itim at puting damit. Nakaturo pa ang kamay nito kung saan habang naglalakad sa parang garden. It's like kinunan ito ng picture na hindi nya alam.

It really looks familiar.

"Is this Alyanna?", I asked kahit feeling ko hindi si Alyanna to. Mas payat si Alyanna kumpara sa babaeng nasa wallpaper nya.

"Huh?"

"Your wallpaper, is this Alyanna?", ulit ko saka iwinagayway pa yung phone nya sakanya

"No"

"Oh? Eh sino to? Bakit hindi si Alyanna ang wallpaper mo?", I said saka binalik na sakanya yung phone nya.

"Why would I make her as my wallpaper?", natatawa na naman nyang sabi.

Nakakailang tawa na sya ngayong araw ah. Quota na sya.

"Kasi girlfriend mo sya?", patanong ko ring sagot sakanya

Napatingin sya sa akin na may nakakunot na noo.

"Yanna is not my girlfriend", biglang naging seryoso yung mukha nya at sinabi yun

"Oh? I thought..", sabi ko nalang habang napapakamot sa batok ko.

Madilim na ulit dahil pinatay nya na yung phone nya.

"What makes you think that she's my girlfriend?"

"You two are close and you cared so much to her"

"Just like you and that Arocilla"

"Yeah, that's why sometimes, napagkakamalan din kami---"

"People thought you're a couple", madilim na ngayon pero alam kong gulat at lumapit sya sa akin nang itanong nya yun. Napalayo tuloy ako nang konti.

Kung bakit naman kasi napakadilim sa elevator na to. Hindi tulad ng ibang elevator na masira man may liwanag parin. Ang aga pa kaya.

"Yeah"

"Tsk", naramdaman kong lumayo na sya
"She's just my bestfriend"

"And he's only my bestfriend too."

Ilang minuto kaming natahimik matapos nun. 10 minutes narin ang nakalipas pero hindi parin kami natutulungan dito. Inilabas ko ang phone ko at binuksan yun, nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin si King dahil nagliwanag sa side ko.

"Aish, walang signal", angil ko nang makitang walang signal sa phone ko.

"Gusto mo na bang lumabas dito?", biglang tanong nya

"Oo naman. Don't tell me you want to stay here more"

"Yeah, honestly"

"What? Baka naman pinagpe-pray mo na wag na tayong makalabas dito ah?"

"Yeah, sort of"

"What?", inis na sabi ko sakanya

Kaya naman pala hindi kami makalabas dito, kinokontra nya. Eh kung gusto nyang makulong dito, sya nalang no. May pasok pa kaya kami.

Ano ba yan! Bakit nangyayari to? Anong rason?

"Inaantok ako"

Ayan ba ang rason? Para makatulog tong kasama ko?

"Edi matulog ka", I said then nagulat nalang ako nang magli-lean na sya sa shoulder ko, dahil nakabukas pa yung phone ko at nakikita ko sya, sinalo ko agad yung ulo nya para hindi nya masandal sa akin.
"Oops, masakit ang balikat ko"

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon