Chapter 26

396 18 2
                                        


Earl's POV

A month had passed.

Ganun parin, wala parin akong maalala. Patuloy parin akong nangangapa sa mga taong sa tingin ko ngayon ko lang nakita. Patuloy parin akong nagtatanong sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Patuloy parin ang pananakit ng ulo ko sa tuwing may pamilyar na bagay akong nakikita.

Patuloy parin akong nahihirapan sa mga ala-alang nawala sa akin.

Minsan gusto ko nalang sundin yung sinabi sa akin dati ni Riza na iuntog ko nalang ulit ang ulo ko para bumalik na lahat. Sa loob ng halos dalawang buwan kong pagkakaroon ng amnesia, hindi ako nasanay sa sakit ng ulo.

Pero hindi man ako nasanay doon, meron akong isang bagay na pinagkasanayan ngayon.

Kung lahat ganun parin sa paligid ko, meron isang nagbago.

From: Him
/Eat your breakfast before you go/

Noong gabi na nandoon kami sa HQ, iyun din yung simula ng pagbabagong sinasabi ko.

Noong gabing yun, hindi kami tabing natulog. Hindi ko yun hahayaan syempre. Nasa kama kaming mga babae samantalang sa sahig natulog ang mga lalaki. Nung gabing yun, nung sinabi nya yung mga bagay na nakapagparamdam sa akin ng pagkasabik at sakit sa parehong oras, iyun yung oras na hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan. Iyun yung panahon na nagbigay sa akin ng maraming tanong. Hindi ko sya kilala. Hindi ko sya maalala. Wala rin akong maramdamang kahit na ano maliban sa naramdaman ko noong sinabi nya ang mga yun. Pinilit ko rin yung sarili ko na alalahanin sya. I even stalked him pero wala. Hindi ko talaga sya mahugot sa utak ko.

Hindi ko talaga sya kilala.

Pero pagkatapos ng araw na yun, unti-unting nagpapakilala sa akin ang isang King. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya. Hindi ko rin binibigyan ng kahit na anong ibig sabihin ang ginagawa nya.

He texted. Everyday. Walang mintis.

Pagkauwi ko pagkatapos ng gabing yun sa dorm, yung yung start ng paulit-ulit nyang pagpaparamdam. Kamusta ako? Kumain na ba ako? Nasaan ako? Wag akong magpagod, matulog na ako, wag kong kalimutan yung mga dapat kong dalhin, magtext ako pag may kailangan ako, yan yung mga bagay na paulit-ulit nyang tanong at paalala. He became my alarm clock, calendar and reminders. Pero lahat ng mga text nya, ini-ignore ko lang dahil kasabay ng pagpaparamdam nya ay ang paglayo ko sakanya.

Hindi ko sya kilala at hindi ko sya makilala.

Hindi ba't hindi naman tama na gawin nya yun lalo na't may girlfriend sya. At isa pa, hindi ko alam kung ano bang motibo nya kung bakit nya yun ginagawa. Hanggang ngayon ay wala akong ideya. Hindi ako nagtatanong at hindi nya rin sinasabi. It looks like iyun lang din naman kasi yung gusto nya, ang paalalahanan ako.

Wala ring may alam ng tungkol dito sa kahit na sinong mga kaibigan ko, even James na pinagsasabihan ko ng lahat. Ayoko nang lumaki pa ito. Kaya nga hindi ko sya pinapansin ako. Kaya kahit mahirap, umiiwas ako.

Kahit isang classroom lang kami, pinipilit ko.

"Good morning class, let's start the discussion...", nagsimula na ang una naming subject.

Unang subject kung saan wala si James, kung saan katabi ko si Alyanna at katabi naman nya ang lalaking hindi ko kilala pero kailangan kong iwasan.

Maya-maya may naramdaman na naman akong nag-vibrate sa bulsa ko.

From: Him
/Your handkership fell, do you want me to get it for you?/

Mabilis kong tinignan yung ilalim ng upuan ko at nakita nga yung panyo kong nalaglag. Agad kong kinuha yun. Tumingin ako sa pwesto nya na walang reaksyon ang mukha. Nakatingin rin sya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Mabuti nalang at titig na titig si Alyanna sa prof namin.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon