(A/N: Share ko lang hehe. Tina-type ko to habang umuulan, kumukulog at kumikidlat. Ingat kayo guys!)--
Earl's POV
"Bakit naman ngayon pa umulan?", nag-aalburotong sabi ni Eunice
"Kung kailan naman pa-bakasyon na eh", reklamo nya ulit"Dumito ka nga Eunice, hindi titigil ang ulan karereklamo mo, eh kung may bagyo nga eh", inis naman na sabi sakanya ni AJ. Kanina pa kasi pasilip-silip si Eunice sa labas, inaabangang huminto ang ulan.
"Hay.. Pero ako din eh, gusto ko sanang umalis tayo", Joyce said, pouting
"Kaya lang, umuulan na naman, akala ko pa naman di na ulit uulan dahil ang lakas na kahapon""Teka, bakit nga ba tayo pinapasok? Eh may bagyo pala", nagtataka namang sabi ni Patrice
"Gaga! Wala talagang pasok, pumasok tayo dahil sa clearance", sagot naman sakanya ni AJ
"Really? Oh eh ano pang ginagawa natin dito? Tara na't kumuha nun"
"Go, hintay ka namin dito", naka-taray mode na sabi ni AJ
"Kita mong umuulan nga diba? Di tayo makalabas ng room na to. Tsk. Kagigil ka ah""Oh easy! Badtrip ka agad eh. Meron ka ba?"
"Oo!"
"Sabi ko nga"
Magkakasama kaming lima ngayon dito sa room sa first floor sa building namin. Hindi kami makapunta sa room ng Student Council para makahingi ng clearance dahil nga sa malakas na ulan.
"Oh! Ay!", napatingin naman kaming lahat kay Eunice na nakatingin ngayon sa phone nya.
"Nagtext yung kaklase ko, nabasa daw lahat papers sa CSC, di daw muna magpapa-clearance ngayon. Ano ba yan!""Aish! Ayoko nang bumalik dito bukas eh", reklamo ni Patrice na halos sabunutan nya na yung sarili nya sa inis.
Tsk. Kainis naman. Ayoko na rin sanang bumalik pa dito eh. Bakasyon na kaya bukas and we must enjoy every single day of vacation. Tsk.
Kahit sila AJ na nagdodorm dito ay kahapon pa nakalipat sa mga bahay nila.
"Tara uwi!", yaya ni Patrice. Sinamaan naman sya ng tingin ni AJ
"Sabi ko nga, bumabagyo pa. Psh"Bumaling ako sa bintana saka tumingin sa langit, it's 9:00 in the morning yet sobrang dilim na. Maya-maya ay bigla nalang kumidlat na syang nagpatili sa mga babae sa kabilang room at sa hallway. Kumulog din pagtapos nun kaya't lalo silang nagsigawan.
Actually kakaunti nalang ang nandirito ngayon sa school dahil madami ang nagsisimula nang magbakasyon. Yung iba naman may kanya-kanyang business pa talaga.
"Ay basang basa na tayo!"
Sabay sabay kaming napatingin sa mga bagong dating naming mga kaibigan.
"Hoy saan nyo nakuha yang mga payong na yan? Wala kayo nyan kanina nung umalis kayo", mataray na namang sigaw ni AJ habang nakaturo pa sa mga bagong dating na mga basa pa ang mga damit.
Kasama namin dito ang KB, pero umalis sila para pumunta sa kanya-kanya nilang department dahil sa final paper na sinubmit nila sa head ng college nila. Para yun sa mga na-passed nilang subjects kahit na panay silang practice para sa football game.
Last week nga pala yun naganap. It was held in Baguio and syempre naging asset sila ng school pagdating sa football game. They won. Nagbunga naman ang sakripisyo nila.
Kanina noong umalis sila ay ambon palang kaya't di na sila nag-abala pang magdala ng payong pero ngayon ay may dala na silang tatlong payong. Si Harvey at Troy sa isa, si Fin at Lem naman sa isa at si King at si Alyanna naman sa isa--- wait si Alyanna lang pala dahil pinapayungan lang sya ni King noong dumating sila, si King ay parang bagong ligo na.
BINABASA MO ANG
The Real Love
ActionThe Real Love (Book 2 of The Real Me) UnknowName_09 (ElleGieElle) Highest Rank: 04 in Unknown Kamusta na nga kaya ang ating mga bida? Basahin at unawain. Mag-vote at magcomment. Recommendation is also appreciated. Thank you. -Ms. Elle