Chapter 20

339 13 1
                                    


Earl's POV

Matatapos na ang araw na to pero hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni King kanina. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap nya o may kausap pa syang iba pero kung sinoman yun ay talagang natatakot ako.

Una, ito ang first time na marinig ko ang boses nya at talaga naman sobrang cold nun at nakakatakot. He is not a typical college guy. He is something. Tapos yung sinabi pa nya kanina. Hindi ko alam kung matatakot ako para sa kanya o matatakot ako para sarili ko eh. Don't try to kill him daw. Hindi ko naman sya balak patayin so hindi naman siguro ako ang kausap nya. Nawalan lang ako ng ala-ala pero hindi naman ako naging kriminal. Totoong laging nananakit ang ulo ko sa tuwing makikita sya pero di naman ako gaganti at ipapapatay sya, hindi naman ako ganun kasama. So I conclude na baka may nagtatangka sa buhay nya. It is not actually impossible, mukha syang bad boy kaya baka marami syang kaaway ay may mga galit sakanya. Mukha din syang mayaman kaya hindi yun malabo. Pero kung ganun man, kawawa naman sya.

Gusto ko sana sabihin ang tungkol doon kay James pero wag nalang, baka makiisyoso pa sya. Tyaka baka madamay pa kami. Mahirap na.

Sa ngayon, hinihintay nalang namin mag-alas-7 ng gabi para matapos na ang klase. Panghapon kasi ang schedule namin. From 2 to 7 PM. Isa lang ang vacant 4-5 lang. Yung unang dalawang subjects ay parehong nagdiscussed then nung break na, pumunta lang kami saglit ni James sa cafeteria para bumili. Si James ay kaklase ko na sa lahat malibang lang talaga sa first subject. Pero si King, kanina ko pa sya kaklase, so lahat ng klase ay kaklase ko sya. Hindi rin sya lumabas kaninang break. Mag-isa lang sya pero mukhang okay naman sya. Sa itsura nya, mukhang mas gusto nya talaga ang mag-isa lang. Ang alam ko kasi magkakaiba sila ng course ng mga kaibigan nyang sila Harvey, Lem, Troy at Fin. Si Alyanna naman ay first subject nga lang namin kaklase.

"Goodbye class"

Nang matapos na ang klase ay nagtayuan na kaming lahat. Nakakapagod. First day palang pero napuno agad ang utak ko. Papano nalang ito magkakaroon ng space para sa mga ala-alang nawala sakin?

Ayos na ako at ready to go na. Hinaantay ko nalang si James.

"Hoy tara na", sabay kalabit ko sakanya.

Napakatagal eh. Lima nalang kaming nasa loob. Dalawang kaklase kong nasa likod, kami ni James at si King na hanggang ngayon ay nakaupo parin at nakatingin sa kawalan habang hawak ang phone nya.

I wonder kung iniisip nya ba yung gustong pumatay sakanya. Siguro nga ay tumawag iyun sakanya kanina.

"Wait lang, yung phone ko di ko makita"

Napakunot ang noo ko saka sya tinulungan maghanap. Tumingin ako sa ila-ilalim ng mga upuan pero hindi ko naman makita.

"Got it"

Sa wakas ay nakita sya rin matapos nyang tanggalin lahat ng gamit sa bag nya.

"Ang gulo naman ng bag mo", komento ko habang binabalik nya isa-isa yung gamit nya sa bag nya.

"Tanda yan na I'm a good student", ngingisi ngising sabi nya.

Napangiwi lang ako at hindi na sumagot. Napailing iling nalang.

"Dalian mo nalang. Psh", pagmamadali ko sakanya

Nang matapos sya, we are about to go nang may tumawag sa amin

"James", tawag nung babae na isa rin na nasa room pa
"Earl and King!", sabay naman nilang tawag sa amin ng kasama nyang lalaki saka sila lumapit sa amin

"Oh Jenie and Romeo, kamusta?", si James na ang unang bumati sa kanila

Hala! Teka, sino sila?

"Okay naman, nga pala kami na ni Jenie", nahihiyang sabi nung Romeo saka inakbayan si Jenie

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon