Chapter 28

338 19 2
                                    


Earl's POV

Palabas na ako sa dorm nang makita ko si James sa labas. Pagkakita nya sa akin, agad syang lumapit at kinuha yung isang librong hawak ko. Hinayaan ko lang sya pero hindi ako nagsalita.

"Earl..", pero hindi ako nagsalita, nagpatuloy lang ako sa paglakad at sya naman nakasunod sa likod ko
"Galit ka pa?"

"Oo", agad na sagot ko

"Ang honest mo naman", sabi nya nang tumabi na sa akin kaya sabay na kaming maglakad

"Ito gusto mo diba? Yung alam mo lahat?", di ko naiwasang maging sarcastic sakanya, naalala ko na naman kasi yung pag-aaway namin.

"Earl naman, sorry na. I didn't mean to say that", he said

Malapit na kami sa room nang huminto ako at humarap sakanya.

"Pero nasabi mo parin", I said na nakapagpayuko sakanya

He looks guilty.

"Sorry, nadala lang ako. Badtrip kasi ako nun eh"

"Kaya sa akin mo binuntong?"

"Hindi naman sa ganun, it's just that.."

"Bakit ka ba inis nun?", tanong ko at napakamot sya

"Ano.."

"Ano?"

"Eh?"

"Ano nga?", naiinis na sabi ko

"Ito na, I saw you"

"Oh-kay?"

"I saw you and King holding each other's hand"

Napatigil ako at ilang segundong natulala. Naalala ko yun. Nakita pala nya.

Huminga ako nang malalim.

"Wala lang yun"

"Then why did you let him hold your hand?"

"I.."

"What?"

"I don't know, maybe because para tumigil na sya, ewan ang tagal na nun, hindi ko na matandaan", naguguluhang sagot ko

Parang may kumikiliti sa tyan ko habang inaalala yun. Ano bang nangyayari sa akin?

"Talaga lang huh?", sarcastic na tanong nya

Teka, bakit ganyan sya umasta ngayon? Parang bumaligtad ah.

"Yeah, and why are you acting like that---"

"Because I'm jealous", pag-amin nya na ikinagulat ko

"What?", nakakunot at gulat na gulat kong sabi
"Seryoso ka dyan?", natatawa kong tanong nang makita ko ang pilit na pagkaseryoso ng mukha nya kahit halatang gustong magpout ng labi nya

"Oo!", naiinis nya nang sabi kaya napatawa na ako.

Mygosh! Akala ko naman seryoso yung, I mean seryoso talaga syang nagseselos sya pero muntik ko nang mamisinterpret sa ibang way. Hays, I can't believe naisip ko yun. Pfft.

"Fine", sabay tawa ko ulit saka kumapit sa braso nya
"Okay na, you're forgiven and don't be jealous na, you're my only guy bestfriend", sabay hatak ko sakanya papunta sa room

"Yeah yeah right, bestfriend", rinig ko pang bulong nya pero di ko na yun pinansin at pumasok nalang sa room habang nakakawit parin ang braso ko sakanya.

Pinagtinginan tuloy agad kami ng iba naming kaklase pagpasok namin sa room.

"Oh Hi Earl, James, okay na kayo?", bati at tanong ni Alyanna nang makalapit kami sa pwesto nila.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon