Chapter 32

363 16 2
                                    


Eunice's POV

"How are you Ms. Medina?"

Lahat kami ay nakatingin kay Earl na unti-unting kumikilos paupo sa hospital bed nya. Nandito kami ngayon sa hospital at nakaabang sa kalagayan nya. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, sila AJ pati narin ang buong KB, James, at ang mommy at daddy ni Earl. Yung kuya nya ay papunta palang.

Bigla nalang kaming nagkagulo sa dorm kanina nang mahimatay si Earl. We're about to go to the clinic pero hindi pumayag si King at dito nya mismo dinala si Earl sa hospital. Kanina parin sya hindi mapakali. Paulit-ulit nyang iniisip na baka makaalala na si Earl. Hindi ko alam kung excited ba sya o kinakabahan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi nalang nya kasi sinabi kay Earl kung sino ba talaga sya sa buhay nito. Ang tagal nya tuloy pabuntot-buntot lang.

Sa totoo lang, inis na inis ako dyan lalo na nung nga panahong nakikita ko si Earl kung paano masaktan at kung paano nya tinago ito. Pero ngayon naman na nangyari ang lahat ng ito naaawa naman ako sakanya. Iniisip ko kasi na pano yung nararamdaman nya. You know, I have felt that noong hindi ako maalala ni Lem. Kahit childhood bestfriend palang naman kami nun, ang hirap na ikaw lang ang nakakaalala sa inyong dalawa. Mahirap na ikaw lang ang may dala ng lahat. Though, iba yung kila King and Earl ngayon, I'm sure mas mahirap to lalo na't may ibang kaibigan din na sinasamahan si Earl pero hindi makagawa ng paraan si King, wala syang magawa. Wala naman silang official break up, no, hindi pa talaga sila nagbe-break pero yung set-up nila, nakakaloka na dahil wala namang maalala yung isa.

"Nasaan ako?"

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Lem nang marinig ko si Earl.

Cross-finger.

Makaalala ka na.

Makaalala ka na.

Makaalala ka na.

"Anong ginagawa mo?"

Napatingin ako kay Lem na mukhang nagtataka sa nakikita nya. Nakapikit kasi ako ngayon habang nakacross ang finger at nagdarasal na makaalala na sya.

Sana.

Sabi naman nya kanina ay nagsimula na syang makaalala. Sinabi rin namin kanina sa doctor yung nangyari kanina kaya may chance daw na baka nakakaalala na sya.

"Nagdadasal", sagot ko lang

"Anong pinagdarasal mo?"

"Sana makaalala na sya"

Bigla syang napahinto then tumingin sa gilid, sa bandang pinto. Nandoon si King at seryosong nakatingin kay Earl.

Tumingin ulit sa akin si Lem at sumagot.

"Sana nga"

"Nasa hospital ka anak", tita Imy said habang hawak ang kamay ng anak nya

"Mom?", nagtatakang sabi nya sa mom nya dahil ngayon lang nya yata ito napansin sa tabi nya
"O dad? Teka ano bang nangyari? Bakit kumpleto kayo?", she said habang iniikot pa ang tingin sa amin na naririto.

"Ms. Medina, how are you feeling?"

Napatingin sya sa doctor na nasa harap nya at nagsalita.

"Dizzy", she said coldly

Nagkatinginan kaming magkakaibigan.

She's really back at being cold.

Is that a sign?

"Okay. Nahimatay ka kanina, what exactly happened? Bakit ka nahimatay?", tanong ng doctor

"Uhh", napayuko si Earl at mukhang iniisip kung anong nangyari
"I was in the dorm with my friends then my head suddenly ached then.. Uhhh, yeah, that's all I remember"

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon