Earl's POV"OMG! I really miss this cafeteria", halos kuminang na ang mata ni Eunice nang makita ang cafeteria ng Kingdom High.
Yep! Nandito kami ngayon. Naaalala nyo ba nang banggitin ko ito kay King? Well ito na yun. And I must say na na-miss ko din talaga ang school na ito. Sobrang dami naming ala-ala dito. Pumasok kami sa cafeteria pero walang tao. Sabado kasi ngayon at buti nalang nakakuha na kami ng oras para magkasama-sama. Oh well, ilang buwan din ang hinintay ko para sa araw na to. Hindi kasi namin mai-set ang pagbisita dito dahil iba iba kami ng schedule. Malapit narin naman matapos ang sem ngayon eh.
Mabuti nalang at nairaos namin ang huling sem ngayong 3rd year. Actually kami halos wala naring ginagawa. Petiks petiks nalang at naghihintay nalang ng huling ipapagawa ng mga profs kung meron man. Kaya naman kung ako lang eh madami na akong time.
Smirk.
"Syempre mami-miss mo talaga to Babe, lungga mo to eh", sabay tawa ni Lem
Ayan na naman sila.
"Ah talaga? Ha-ha-ha", inis naman na sagot ni Eunice
"Tara at kumain na muna tayo", yaya ni Harvey habang hawak ng isang kamay yung plastic ng pinamili nilang pagkain kanina at hawak naman sa kabila ang kamay ni AJ.
"Tara tara"
Malaking tulong talaga na kaibigan namin ang isang Klein dahil kanya ang school na ito. Kahit yata araw araw kami dito ay pwede eh.
"KD", napatingin ako sa isang babae na katabi ng taong katapat ko ngayon. Matamlay sya.
"I want the chips", she said trying to speak with a convincing tone."No, bawal sayo", sagot naman ng tagapangalaga nya, si King
"Please, kahit ngayon lang"
"No Yanna. Wag ka nang makulit please"
"Okay", Alyanna gave in.
Kasama namin ngayon si Alyanna. Nakasuot sya ng gas mask ngayon. Actually okay naman sya kaya lang kasi ay kadadaan lang nila sa check up kanina bago pumunta dito. At ang alam ko gada check up nya ay may gamot din na ibinibigay sa kanya kaya naman tumatamlay ang itsura nya. Hindi dapat sya kasama pero wala kasing magbabantay sa kanya kaya't si King nalang.
"Kamusta ka na pala Alyanna?", tanong ni Patrice sakanya
"I'm okay, I just feel like a little dizzy because of the medicine a while back", she answered while drinking her mineral water
Nakilala nadin sya ng mga kaibigan ko. Madalas narin namin syang kasama dahil kasama din sya lagi ni King.
"We're hoping for your successful operation Alyanna", sabi naman ni Troy sakanya
"Yeah, I know you can do well", dagdag naman ni Joyce
"Thank you guys"
"Teka, kailan nga pala ang operasyon mo?", Fin asked habang pine-face palm si Joyce nang hindi nakatingin. Kita ko naman ang irita sa mukha ni Joyce pero nawala yun nang nakita nyang nay itinapon si Fin. Butil ng kanin. May tinanggal pala sa mukha nya.
"Still not sure but I think it's within this month", sagot nya sabay ngiti
"Woah, ang tapang mo", komento ni AJ
"Actually, I'm not. I didn't actually have any plan on doing that but King and his family convinced me that's why I decided to do it."
"But why? It's for your health"
"Because I am not brave. I can't do many things all by myself so I can't also help myself"
"Then we're happy na unti-unti ay natutulungan mo na yung sarili mo", nakangiti namang sabi ni Lem
BINABASA MO ANG
The Real Love
ActionThe Real Love (Book 2 of The Real Me) UnknowName_09 (ElleGieElle) Highest Rank: 04 in Unknown Kamusta na nga kaya ang ating mga bida? Basahin at unawain. Mag-vote at magcomment. Recommendation is also appreciated. Thank you. -Ms. Elle