Chapter 25

375 15 1
                                    


Earl's POV

Ilang minuto rin akong nasa labas, pumasok na ako nang mahimas-masan ako kahit yung utak ko napakadaming tanong dahil sa inasta ni King kanina. Ganun ba talaga sya? O may sakit sya talaga?

Nakakatakot sya kung sakaling may sakit nga sya. Kung anu-anong pinagsasasabi nya. Kasi kung wala naman syang sakit at may gusto syang sabihin, pwede naman nyang sabihin yung in a normal way pero..

parang hindi talaga sya normal eh.

Pagpasok ko sa loob ng HQ, ang mga babae lang ang nadatnan ko doon. Pagkalapit ko sakanila, umupo agad ako at kumuha ng cupcake. May tatlo pang natitira doon.

"Bakit ang tagal mo naman Earl?", tanong ni Patrice

"Ah wala lang, nagpahangin pa kasi ako saglit"

"Ahh"

"Nasaan pala yung iba?", tanong ko na tumitingin pa sa paligid

"Nasa taas, inaayos yung tutulugan natin", sagot ni Eunice

"Ilan pala ang kwarto dito?"

"Isa"

Halos mabuga ko yung kinakain ko dahil sa sagot nya.

"Isa? Isa lang? Eh paano tayo matutulog?"

"Makikita mo mamaya"

Maya-maya ay bumaba na ang mga boys.

Sa isang babaeng kagaya ko na may amnesia, ang pagkakakilala ko sa mga taong nasa paligid ko ngayon ay parang kailan lang. Sila AJ, nakilala ko halos tatlong linggo palang ang nakakalipas, ang mga lalaki naman ay isang linggo palang nung makita ko sa personal. Sa totoo lang, inaasahan kong baka maging awkward ako sakanila, maging tahimik at hindi sila kausapin. Kaya kanina na umalis si James, parang gusto ko naring sumama. Pero ngayon na nakikita ko sila na sama-sama ngayon kasama ko, it feels like years. Siguro nga matagal ko na talaga silang kilala. Baka barkada talaga kami then nabuo lang yung love interest nila sa isa't isa dahil masyado talaga kaming magkakalapit. Wow.

Pero halos manlaki ang mata ko nang biglang may pumasok sa isip ko.

Wait. Kung talagang magkakalapit kami nang nagkaroon sila ng mga feelings sa isa't isa, meaning kami lang ni King yung wala? Napakagat ako sa labi ko dahil sa naiisip. Bigla akong napressure. Hindi ba parang nakakapressure talaga yun para sa part namin? Lahat sila magboyfriend at girlfriend, kami lang ang hindi. Shocks ano ba tong iniisip ko?

"Hoy Earl napapano ka? Ang pula mo"

Pero kung lalawakan ko pa naman ang isip ko, baka hindi naman kami talaga magkakaibigan, baka nagsama sama lang kami dahil magbo-boyfriend- girlfriend sila. Diba? Baka nauna yung relationships nila kaysa sa friendships? Oo tama ganun siguro yun? Kami ni King siguro ay nadawit lang. Pero nakakapressure pa din yun.

Napailing iling ako.

"Hoy Earl, what's happening to you? Para kang baliw"

Shocks! Naku-curious na talaga ako kung ano bang klaseng barkada ang meron ako?

Then napaisip tuloy ako ulit. Tama lang siguro yung pangalawa kong naisip, ayun siguro yun. Pumasok kasi sa isip ko si Alyanna eh. Napakunot tuloy ang noo ko. Mukhang kung saka-sakali man, mukhang ako lang ang nape-pressure dahil meron namang karelasyon si King at baka kasama rin si Alyanna sa group na ito, nagkataon lang na wala sya dito.

"Tama!"

"Oh goodness!"

"Nakakagulat ka Earl"

"Kanina ka pa Earl"

"Ano bang nangyayari sayo?"

Sunod-sunod na reklamo yung narinig ko mula sakanila. Napatingin ako sakanila at lahat sila nakatingin sa akin. Maging si King na nakaupo sa sofa na katapat ng inuupuan ko napalipat ang tingin sa akin mula sa pagbabasa nya ng magazine. Ang lamig ng tingin nya kaya napaiwas agad ako ng tingin at ibinalik sa mga nasa harap ko ngayon.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon