Chapter 31

383 17 1
                                        


Earl's POV

Back to normal.

School, dorm and house.

There's text but no reply.

He talked and I don't answer.

I avoided him.

Matapos ang elevator scene naming dalawa ni King, hindi ko na sya ulit pinansin. Ginawa ko ang lahat para iwasan sya. Nakipagpalit narin ako ng upuan kay sa James para hindi ko sya makatabi. Kapag may lakad ang buong barkada, it's either hindi ko sya kakausapin o hindi nalang ako sasama. Pero hindi sya sumusuko. Ganun parin sya. He is trying to make up with me kahit taboy na taboy na sya. Ramdam ko parin ang pag-aalala nya sa tuwing hindi ako maayos, nandun parin yung paalala nya sa tuwing may nakakalimutan ako, at nandyan parin ang presensya nya kahit ni minsan hindi ko yun pinansin. Inaamin kong hanga ako sa determinasyon nya pero hanggang dun lang yun. I don't feel anything aside from that towards him.

Galit ako sakanya dahil sa ginawa nya noong nakaraan pero mas galit ako sakanya dahil sa tuwing nakikita ko sya, hindi na mawala yung kirot sa puso ko. Hindi ko parin sya matandaan. But guess what? May natatandaan na ako.

Natatandaan ko na sila Mommy, kuya at Dad at sila AJ, Eunice, Joyce at Patrice. May nalaman din ako tungkol sa sarili ko.

At iyun yung kailangan kong i-confirm ngayon.

I texted them at itinanong kung free sila. Nagreply naman si Joyce at AJ na free sila, samantalang si Patrice naman ay may tinatapos lang saglit, tinanong din nya kung bakit. Si Eunice naman, nasa baba lang daw ng dorm at pataas na. Sinabi ko nalang sa kanila na pumunta sa dorm ko if pwede sila. Nag-okay naman agad si Joyce, AJ at Eunice samantalang susunod nalang daw si Patrice.

May pasok si Riza nang umaga kaya walang tao dito sa dorm maliban sa akin. Mamaya pa naman ang pasok ko. And oo nga pala, last 2 weeks nalang ng sem. Sobrang bilis. Almost 5 months agad ang nakalipas pero hindi ko parin maalala lahat. Yung iba busy sa kakahabol ng requirements, yung iba nagpapasa na ng form para sa OJT.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Eunice sa dorm.

"Oh Earl, anong pagmi-meeting-an natin?", natatawa nyang bungad pagkapasok nya at umupo agad sa kama ni Riza.

"May itatanong lang ako"

"Ang seryoso mo naman, tungkol saan ba?"

"We're here!"

Napatingin kami sa pinto at pumasok naman doon si AJ at Joyce na pareho pang may kinakaing ice cream, mukhang magkasama sila kanina pa.

"Hoy ano yung sasabihin mo? Bakit chinika mo na agad kay Eunice?", tanong ni AJ

"Wala pa akong sinasabi", I said to her

Umupo rin sila sa kama ni Riza na katapat ko. Si Eunice nanghingi agad ng kinakain nila. Si AJ sa sobrang damot, tumayo pa at doon sa sulok kumain.

"Damot mo AJ, tambakan kitang ice cream dyan eh", inis na sabi ni Eunice dito

"Sige oh"

"Psh"

Nagkulitan pa sila muna doon habang hinihintay namin si Patrice.

"Ang tagal naman ni Patrice, sabihin mo na kaya Earl", sabi ni Joyce

"May itatanong daw sya satin", sabi naman ni Eunice

"Ano yun Earl?", tanong naman ni AJ

"Mamaya", I declared

"Baka nakakaalala ka na ah?"

"Yeah"

"What?", sabay-sabay nilang sabing tatlo

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon