Chapter 23

343 16 1
                                    

Earl's POV

"Tsk"

Yan lang ang tangi kong narinig mula sa kanya nang tuluyan na syang makalapit sa akin at tanggalin ang helmet nya. Yung helmet na gamit nya, kay James yun. Alam kong kay James yun. May motor din kasi si James pero isang beses ko palang nakita pero kahit ganun kilala ko na agad ang itsura nito. Kaya nung nakita ko yung helmet na gamit ng taong to ngayon, akala ko si James.

"I thought..", yun nalang ang nasabi ko habang bumababa sa hood ng kotse ko.

Dumiretso sya sa gilid at tinignan ang gulong kong sumabog. Napabuntong hininga sya.

Lumingon ako sa motor na gamit nya na nakapark sa lang sa tabi. For the nth time, sumakit yung ulo ko.

"A-Aw", daing ko

"What happened? Are you okay?"

Nagulat ako nang makita na sya sa harap ko at hawak ang braso kong nakahawak sa ulo ko. Worry could be seen into his eyes. As an initial reaction, tinanggal ko agad yung kamay nya sa braso ko. Kita kong nagulat sya sa ginawa ko.

"Okay lang", tanging nasabi ko lang sakanya saka tumingin ulit sa motor nya. Posible kayang alam ko yung motor nyang yan? Nasakyan ko na kaya yan? Pero sakanya yan eh, sa tingin ko hindi naman kami close nito noon pa man.
"Bakit ikaw yung nandito? Sila AJ? Si James?", ayun nalang yung tinanong ko kahit ang totoo gusto ko ring itanong yung about sa motor nya.

Napakunot ang noo nya dahil sa tanong ko.

"Don't find people who are not here", he just said then umalis sa harap ko at pumunta sa tapat ng gulong ko na sumabog at umupo sa tapat nun. Hinawakan nya ito at mukhang sinuri.

Ako naman ay napako lang sa kinatatayuan ko. Nakakatakot talaga sya. Nagalit pa. Eh bakit naman kasi sya pa yung nandito? Nasaan yung mga kaibigan ko?

"Kaya nga hinahanap ko kasi wala dito eh", sabi ko nang nakakunot ang noo pagkaharap ko sakanya

"Then don't", sabi nya nang tumingala sya patingin sa akin saka binalik sa gulong ang tingin
"I'm already here, can't you see? So don't find anyone else"

Napalunok ako sa sinabi nya pero napataas din ang isang kilay.

"Eh bakit ka galit? Sino bang nagsabi na ikaw ang magpunta dito? Pwede namang sila AJ or Jame---"

"Stop", he said na nakapagpatigil nga sa akin
"You talk too much now"

"Aba't", nagpipigil kong sabi. Ang kapal.
"Who are you to stop me and talk to me like that?"

Tumingin sya sa akin and to my surprised, I saw shocked and sadness in his eyes.

Bakit?

Napabuntong hininga sya saka sumagot.

"Yeah. Sorry I forgot", nagpatalo nyang sagot

"You forgot what?", I asked

"That you don't reme--- I forgot the things we need to fix your wheel"

"What!", sigaw ko sakanya. Kita kong napapikit pa sya nang sumigaw ako
"Paano yan? Wala akong gamit?", natataranta kong sabi sakanya

Ano pang silbi nya dito kung wala naman pala syang dalang gamit? Bakit pa sya pumunta? Nakakainis naman. Gustong-gusto kong sabihin yan pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Nakakainis sobra!

"We don't have a choice but to wait", he said saka naglakad at naupo sa hood ng sasakyan ko na parang kanya yun.

Gosh! Hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging tahimik nya ay may tinatago pala syang kapal ng mukha.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon