Earl's POV"Earl ano kaya pa ba?", tanong sakin ni AJ nang huminto ako saglit at nagpunas ng pawis.
Nag-thumbs up ako sakanya saka bumalik sa pagse-serve dito sa cafe.
Waitress/ cashier ako ngayong araw.
Friday ngayon at last day na ng foundation week. At dahil last day na, dinagsa na naman ito.
Pagod na pagod na ko sa totoo lang. Hindi pa ko nagbi-breakfast and nagla-lunch.
2:30 na ng hapon pero isang sandwich palang ang nakakain ko sa maghapon. Maaga kasi akong pumasok dahil akala ko ay maaga din si King. Hindi na kasi ako nagpasundo kaya inaasahan ko na aagahan nya ang dating pero hindi.
And yes, you read it right, wala si King.
Hindi sya pumasok.
Hanggang sa magbukas na ang cafe at walang hinto ang paglabas-pasok ng customers at inabot na kami ng hapon ay walang King na dumating.
Wala na naman King na nagpakita.
Kahapon pa sya wala. Kahapon pa sya hindi pumapasok. Ang huling kita na namin ay yung sa Mcdo.
Kahapon naman ay nagpaalam syang hindi makakapasok pero ngayon ay hindi.
Pero siguro naman ay nagtext na yun. Hindi ko pa kasi nakikita ang phone ko magmula kanina.
So baka nagtext o nag-missed call narin yun.
Siguro.
"1 frappe and rainbow cake sir. Enjoy", I said then binaba ko na ang isang platito at baso para sa customer.
Aalis na sana ako pero may naramdaman akong humawak sa braso ko, humarap agad ako sa customer sa pag-aakalang may problema sa order nya pero hindi pala.
"Namumutla ka", he said
"Oh James ikaw pala yan?", pilit akong ngumiti sakanya
"Ayos ka lang?", nag-aalalang tanong nya
"Ah oo", sagot ko agad
"Oh sige ah, mauna na ko, serve lang muna, enjoy ka dyan", mabilis kong sinabi saka naglakad-takbo palayo sakanya.Baka kasi matambakan na ako ng trabaho pag nakipagkwentuhan pa ko, sa dami ng customers, di pwedeng makipagkwentuhan kahit saglit. Kumain nga di namin magawa eh. Ewan ko ba, masyado yata namin itong ni-career nahihirapan tuloy kami... o ako lang?
Tsk
Muntik na akong mapatili nang nakaka-limang hakbang palang ako ay may bigla nang humablot sa akin. Napatingin ako sa tray na hawak ko dahil nabitawan ko ito. Nasa ere na ito at pabagsak na.
Hinanda ko na ang sarili kong saluhin ito pero naunahan ako ng taong humila sa akin nang pagkalakas-lakas kanina.
"Got it", he said na parang wala lang habang nakatingin sa tray na nasalo nya then tumingin sya sa akin
"Got yah", he said while looking at me"James!", medyo inis na asik ko sakanya.
Ang sakit kasi ng pagkakahatak nya sa braso ko at madami pa kong gagawin para intindihin sya ngayon.
"Yes Earl?", mukhang nang-aasar pang sabi nya at pilit akong hinatak papunta sa inuupuan nya kanina.
Nagpupumiglas ako pero talagang pagod na ako at gutom na kaya nahatak nya parin ako. Nanginginig pa ng konti ang tuhod ko.
"Ano bang ginagawa mo? Look James, madaming tao oh? Can't you see? Kailangan ako dun", sabi ko agad kay James pagkaupo ko.
"Pero Earl, namumutla ka na oh? Can't you see yourself din ba?"
BINABASA MO ANG
The Real Love
ActionThe Real Love (Book 2 of The Real Me) UnknowName_09 (ElleGieElle) Highest Rank: 04 in Unknown Kamusta na nga kaya ang ating mga bida? Basahin at unawain. Mag-vote at magcomment. Recommendation is also appreciated. Thank you. -Ms. Elle