Chapter 7

533 20 2
                                    

Earl's POV

"Gusto kong ng fries and sundae", sabi ko kay King na kasalukuyang nakatingin sa bintana.

Nasa Mcdo kami ngayon malapit sa school. Dapat ay magkikita-kita kami ngayon ng barkada pero hindi na natuloy dahil nagkanya-kanya nang lakad. Wala namang kaso yun dahil magkikita-kita rin kami bukas dahil nang cafe.

Bumuntong hininga ako ng malalim at napapikit para kalmahin ang sarili ko.

Pangatlong beses ko na kasing sinasabi yung gusto kong kainin. Actually kanina nya parin tinanong kung anong gusto kong kainin, kaya lang may tumawag sakanya at mula nung bumalik sya sa table namin, mukha na syang badtrip at sa labas na nakatingin.

Ganyan din sya kahapon nang may tumawag sakanya.

Sino ba kasi yung tawag ng tawag sakanya at nagiging ganyan sya pagkatapos tumawag nito.

Gusto ko syang tanungin pero baka lalo syang mawalan ng gana.

Sa totoo lang naiinis na ako, pilit ko lang pinapakalma ang sarili ko dahil ayokong masira tong araw na to, itong week na to.

Minsan lang kami magka-oras sa isa't isa nang walang iniintinding subjects kaya hindi dapat sirain.

Kinagat ko ang labi ko saka nagsalita ulit.

"Fries and sundae ang akin"

Pero wala parin sya sa sarili.

"Fries and sundae"

Napapikit na naman ako at sigurado akong kung may nakakakita man sa akin ay halatang-halata na sa mukha ko na inis na inis na ako.

Yes, hindi lang inis kundi inis na inis.

Ugh!

Ganito pala ang feeling nung madalas reklamong kasama mo nga pero nasa iba ang isip.

So close yet so far kumbaga.

Nakakainis.

Tsk.

"King anong gusto mo? Fries and sundae ang akin"

No response.

Okay.

I had enough.

Nanggigil akong bumuntong hininga saka tumayo.

Halata yata ang inis ko dahil malakas na tunog ang dinulot ng upuan ko dahil sa biglaan kong pagtayo.

Kitang-kita ko rin ang pagbabalik sa sarili ni King na mukhang nagulat pa dahil nagtataka syang tumingin sa akin. Maging ang kalapit naming table ay napatingin din.

Pero hindi ko sila pinansin.

"Where 'you goin'?"

Pero hindi ko sya pinansin.

Nagdire-diretso akong naglakad papunta sa counter.

Pumila ako agad. Tingin ko ay pang-apat ako sa pila.

Magrereklamo na sana ako sa sarili ko dahil nahahabaan na ko sa pila pero pampalubag-loob ang mga pumila sa likuran ko. Ang haba nung pila ng sa dulo.

Pero hayaan na.

Naiinis ako.

"Uy pre anong bibilin mo?"

"Ewan ano ba masarap?"

"Umh. Chicken mcdo?"

"Ano mas masarap chicken mcdo o chicken joy?"

"Eh pareho lang yun eh"

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon