Chapter 5

730 21 3
                                    


Earl's POV

"Cheeeeeeeeers!", malakas na sigaw ni Eunice nang itinaas namin ang aming mga baso na naglalaman ng juice saka kami nag-cheers lahat.

Ang bilis ng panahon.

Sobrang bilis?

Bakit kami nagchi-cheers at nagsi-celebrate?

Dahil katatapos lang ng first day ng cafe booth namin and it was successful!

Yep booth na. Dahil school fest na.

And yep ulit! Meron kaming sariling booth na magkakaibigan. Did I mention that Harvey is currently the President of the School? If not yet, ito na, sinasabi ko na. President sya so madali lamang para sakanya na payagan kami sa booth na yun.

Actually it was Patrice's idea. Itong booth lang kasi ang makakapagsama-sama sa aming sampu so we took this chance kahit isang linggo lang.

"Ang galing natin, isang araw palang kumita na agad yung cafe ng mahigit 5 thousand, wow!", komento ni Joyce matapos uminom ng juice nya

Nasa condo nga pala kami ni AJ ngayon. Mag-i-sleepover kami. Actually dito kami ng buong isang linggo, hangga't school fest pa.

"Ikaw ba naman magkaroon ng waiters na kasing gwapo namin?", sagot naman ni Fin na inaayos pa kuno yung buhok nya.

Inungusan lang sya ni Joyce saka hinampas sa braso.

"Kapal mo ah"

Pero totoo, kaya yata maraming costumers ay dahil sila yung nagse-serve. Since kami ang girls, kami ang sa kitchen, wala naman din kasi kaming aasahan sa kanila sa pagluluto.

"Yeah, kaya karamihan din ng costumers mga babae", AJ pouted

"Asus!", inakbayan naman sya agad ni Harvey
"Selos?"

"Loko! Hindi no! Asa", tinanggal naman ni AJ yung pagkakaakbay ni Harvey sakanya

"Aray bro ah, makatanggi?", kunwari'y masakit sa dibdib nyang saad

Si AJ naman ngayon ang umakbay sakanya.

"Hehe. Joke lang"

Saka sila nagngitiang dalawa.

"Teka Harvey, ano bang gagawin natin sa pera?", tanong ni Patrice

"Hmm, well. Para yun sa school, hindi ko palang sure kung school fund or sa charity"

School fund? Mayaman na ang school para dun hehe

"Hey, do you want to go somewhere tomorrow?", bulong na tanong ni King sa akin

Napaisip naman ako dun

Uhhh

"May booth tayo diba? Bawal umalis dun", sagot ko

Buong araw kasi yung cafe kanina so baka magbuong araw din kami bukas, tyaka baka mataranta yung iba pag nabawasan pa kami

"Edi magde-dayoff tayo"

Napakunot ang noo ko.

Day off? Ano to, trabaho na talaga?

"Wag na, baka humina ang kita pag wala ka dun", sagot ko nalang

Pero after 3 seconds, naramdaman ko nalang yung pagsiksik nya sa akin. Nasa sala kasi kami ngayon, mga nakaupo sa sahig habang may pagkain sa maliit na mesa sa gitna.

"What are you doing? Umusog ka nga", sabi ko sakanya

Tinignan ko yung iba naming kasama, may kanya-kanya din silang kwentuhan so okay lang na mag-ingay ako mag-isa dito.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon