AJ's POV
"Sandali ah!", inis na sigaw ko sa tatlo.
Nasa loob kasi ako ng cubicle ngayon. Nagpapalit ng alam nyo na, girl monthly thing.
Tsk.
Sa totoo lang ang init init talaga ng ulo ko ngayon, siguro nga ay dahil dito tapos naulanan pa ako kanina.
Inis talaga eh. Psh.
"Tagal", rinig kong reklamo ni Eunice mula sa labas
"Ito na ito na", saka ako lumabas. Naghugas muna ako ng kamay sa lababo saka kami lumabas ng CR.
"Kainis tong mga to. Makapag-madali eh. Tsk."
Tagal kaya naming hinanap yung matatalandeng nagpahiram ng payong kila Harvey.
Ehem. Oh well, hindi pala namin hinanap, hindi naman namin kilala eh pano namin hahanapin, bale iniwan lang pala namin sa CSC room. Bahala na sila doon.
Then dumiretso na kami sa CR at nagpalit nga ako. Nag-CR din naman sila.
"Woy AJ, 15 minutes ka kaya sa loob. Mas matagal ka pang nag-CR kaysa sa paghahanap natin ng may-ari ng payong eh", bulyaw naman ni Patrice sa akin
15 minutes? Talaga ba?
"Whatever. Tara na! Nagugutom ako"
Then lumakad na kami pabalik sa room kung nasaan sila Earl at Alyanna pati narin si James.
Nang nasa building na kami ng BSBA, which is building nila Earl, nakita kong wala na pala doon si James, agad din naming natanaw sila Harvey na pabalik na. Nakita rin namin na kaka-park lang nila ng sasakyan nila sa di kalayuan sa room kung nasaan kami kanina. Lumakad narin sila at halos kasalubungan lang namin sila.
Nang makalapit na kami sa isa't- isa, nagsalita agad ako pero napatigil din agad nang may marinig kami mula sa room.
"Nagugutom na ko Harv---"
"U-Ugh!"
Napatingin kaming siyam sa room na saktong nasa tapat namin.
"Yanna!", sigaw ni King saka mabilis na tumakbo papasok sa room
"Yanna! Yanna!"Pumasok kami sa loob ng room at kita namin kung paano mamutla si Yanna. Hawak nya ang dibdib nya at tila namimilipit sya sa sakit.
"U-Ugh!", napapapadyak na sya sa sakit. Kami naman ay hindi malaman ang gagawin.
Nakatingin lang kami kay King na nag-aalalang hinahalungkat yung bag ni Alyanna.
"Maybe we should bring her to the hospital!", Joyce suggested pero walang sumagot sakanya.
Agad na pinainom ni King yung gamot kay Alyanna at maya-maya lang ay nawala na ang pamumutla ni Alyanna. Huminahon na rin sya.
Kami naman ay parang nawalan din ng bara sa dibdib nang makita namin sya. Yun nga lang nakakaawa ang itsura nya. Medyo namumutla parin sya. Nakasandal sya sa dibdib ni King habang nakahiga na sa sahig.
Lumapit naman yung iba sakanila para paypayan at kamustahin ang pakiramdam nito. Lalapit na sana ako nang mapansin kong wala si Earl.
Asan yun?
"A---"
Magsasalita sana ako nang may marinig akong tunog sa bintana, nakakita rin ako ng kamay na mukhang nasuntok yata yung bakal ng bintana.
Muntik na kong mapa-aray dahil doon.
Hindi ko na pinansin kung anumang gulo yun at lumapit nalang sa mga kaibigan ko pero pagkalapit ko ay nakita ko rin kung sino yung mga tao sa labas ng bintana at nagkakagulo.
BINABASA MO ANG
The Real Love
ActionThe Real Love (Book 2 of The Real Me) UnknowName_09 (ElleGieElle) Highest Rank: 04 in Unknown Kamusta na nga kaya ang ating mga bida? Basahin at unawain. Mag-vote at magcomment. Recommendation is also appreciated. Thank you. -Ms. Elle