Chapter 21

337 16 1
                                    


Earl's POV

1st week of 4th year- 1st sem had passed and it was good. For a lady who has an amnesia like me, I feel like it is my first time going to college. But it is not about the academic works but my social life. Yung mga dati kong kaklase noon ay kilala ko na. Dagdag sila sa pinag-aaralan ko, hindi parin kasi nila alam yung lagay ko. Sa school na ito, mga kaibigan ko lang ang may alam, pati narin si Riza syempre. Pero hindi naman naging mahirap sa akin ang pagkausap sa kanila dahil sinabi ni James na hindi naman daw ako madaldal kaya iilan lang yung mga nagtatangkang kumausap sa akin. Hindi tulad nya na halos lahat kilala nya, pati atang ibang course, may barkada sya. Si James ganun padin, napakakulit padin. Sa tuwing may activity ang class, hindi pwedeng hindi sya nagdadaldal. Si Alyanna naman, ganun padin. Sa tingin ko ay girlfriend nga talaga yun ni King dahil sweet sya masyado kay King, kung minsan nga ay gusto ko nang umalis sa tabi nila eh. I feel awkward and I don't know why. Well, siguro hindi lang ako sanay na makakita ng ganun lalo na't si Alyanna pa ang clingy sa kanilang dalawa. Halos ipasok nya na nga ang sarili nya sa bulsa ni King eh, o kaya si King ang ipapasok nya sa bag nya. Pero sa tingin ko ay swerte naman si King sakanya, mukhang mahal na mahal sya ni Alyanna eh. KD pa nga ang tawag sakanya nito eh. Nga pala, hindi ko na ulit narinig na magsalita si King. Lagi lang syang tahimik at parang laging malalim ang iniisip. Minsan nga ay gusto ko nang kausapin eh, baka lang may maitulong ako sa problema nya. Kaya lang natatakot talaga akong madamay eh. Tyaka sa itsura nya, mukhang wala syang balak idaldal yun sa iba. Baka mamaya akalain nya pang tsismosa ako.

Teka, baka nga tsismosa ako dati ah. Hala! Baka ganun nga talaga ako ah!

Well, today is saturday and I'm driving home. This is the condition my  mom and dad gave nung pinayagan nila akong mag-dorm. Kailangan kong umuwi tuwing sabado. Muntik ko na nga itong makalimutan dahil si James ay may sakit. Since hindi ako pwedeng pumunta sa dorm nya kailangan ko pang magtext ng pagkahaba-haba sakanya para ipaalala yung mga gamot at dapat nyang gawin. Kawawa nga dahil walang tumitingin sa kanya kanina eh. Anyway, sinat lang naman pero todo parin ang paalala ko dahil baka tuluyang maging lagnat. Ang hirap kayang magkasakit ngayon. Dapat ay uuwi rin siya sakanila ngayon pero tinawagan ko na lang ang mama nya at sinabing di sya makakauwi dahil may sinat sya. Um-oo naman ito at sinabing magpapadala ng titingin sakanya kaya naman nakaalis ako nang may kalmadong dibdib. Kailangan nya rin kasing magpagaling agad para makasama sya mamaya sa headquarters ng mga KB or Kingdom Band o namin? Ewan ko naguguluhan ako. Ang sabi nila AJ, sa KB daw iyun pero ibinigay sa amin. Hindi ko alam kung bakit sa amin pa, at kasama pa talaga ako, pero kasi hindi naman nila sinabi basta sa amin daw, but anyways, akalain mong may banda pala ang mga boyfriends ng mga kaibigan ko and even King? Ang galing lang diba? Pupunta kami mamaya sa main headquarters dahil matagal narin daw silang hindi nakakapunta doon at first time ko naman, or so I only thought.

"Hi mom and dad! I missed you", sabi ko pagkapasok ko sa bahay. Nasa may sala silang dalawa ngayon at nanunuod ng TV habang nakaupo sa sofa.

Tumayo sila para salubungin ako ng yakap.

"Oh my baby! I missed you!", dad said nang yakapin nya ako nang mahigpit
"Are you doing great there at your school?", tanong nya pagkabitaw ng yakap

"Yes dad"

Sunod namang yumakap sa akin si mom.

"Hindi ba sumasakit ang ulo mo doon honey?"

"Minsan po pero okay naman po ako"

"Are you sure?"

"Yes mom"

"Oh, kamusta na ang little devil?"

Sabay-sabay kaming napatingin sa taong bumaba ng hagdan. Nakapambahay lang ito.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon