Chapter 35

407 20 1
                                        


Earl's POV

Kung kahapon ay easy easy lang kami sa loob ng office, ngayon naman ay sobrang daming ginagawa.

"Teka! Napakadami naman ata non and then you want us to finish that in a week? Hindi yun kakayanin", reklamo ni Mr. Lee sa isang staff na pumunta dito, nasa gilid lang namin sila kaya rinig na rinig ko.

"Kasama nyo hong gagawa ang kabilang team. Sorry Mr. Lee but you really have to do something on this kung hindi baka magback-out ang client", sabi naman ng staff

"Pero ang imposible kasing matapos nun sa 100 products", napa-frustrate na sabi ni Mr. Lee. Sya ang pinakamatanda dito kaya sya ang kinakausap ng mga staffs. Kumbaga, sya ang leader or senior namin.

"Kaya nyo yan sir", pag-aalo nung staff
"Isa pa, may mga kasama naman kayong nago-OJT, makakatulong nyo po sila"

"Tsk. Fine, we'll do our best but we can't promise. 100 products in a week, that's... I don't know", wala nang nagawa si Mr. Lee, nag-shrugged nalang sya at saka napaalam-an na sila nung staff.

Pagkatapos nun, sinabi nya sa amin ang gagawin. Bale may chinese client pala na may iba't ibang produkto na dito inilalagi sa Pilipinas, yung iba bago, yung iba hindi. They want us to create flyer, brochure, poster, plan of commercial for every product and a whole magazine for all and 1 week lang ang time frame. Today is wednesday so we have to finish that next week, wednesday.

Medyo imposible nga yun. Lalo na sa magazine na hindi naman basta basta naa-aprove-ahan.

"Bakit 1 week lang po?", tanong ni Jenie na nasa likod ko lang

"Aalis na daw kasi yung mag-asawang chinese next week kaya they need to see the final output before they go back to their country", sagot naman ni Mr. Lee
"Ganto team, para sa mga nago-OJT, we'll give you the task na gumawa ng flyers and brochures. Okay lang ba yun?"

"Yes Sir", nakasalute pang sagot ni James

"Okay, kung kailangan nyo ng tulong at kinulang kayo sa oras and ideas, tanungin nyo nalang kami"

"Yes po", sagot naming lahat

"Paghati-hatian nyo nalang ang mga products", suggestion naman ni Trisha

"Yeah tama yun", pagsang-ayon naman ng supportive na si Razz

"Sige po", sagot naman ni Romeo

"Okay kilos na team!"

Buong maghapon, ay puro kami trabaho, hanggang sa mag-uwian puro busy yung mga kasama namin. Hindi lang kasi yung sa chinese yung client yung inaasikaso nila. May mga nauna pa kasing dumating na task at yun yung ginagawa nila noong mga nakaraang araw na hindi na kinakailangan ang tulong namin. Gusto pa nga sana namin na tumulong pa at mag-over time kaya lang kabilin-bilinan daw ng president which is ni kuya na huwag mag-overtime ang mga OJT students. Hindi lang kasi kami yung nago-OJT dito, may mga nauna pa at may mga nasa kabilang department.

Kaya naman kinabukasan, balik kami sa dating trabaho. Puro computers lang ang kaharap namin.

Nga pala, sila AJ nga pala, nago-OJT nadin. Si AJ, sa MainSoft Corp. nago-OJT, since IT students sya, dun sya sa mga technological company. Then si Harvey at Lem naman, sa Vielle nago-OJT, yes, doon sa condo nila AJ at Aly, since pareho silang engineer doon sila sa site. Si Eunice naman, sa isang fashion magazine sya nagtatrabaho, hindi bilang model kundi bilang fashion designer. Then si Patrice at Troy naman na mga HRM students, syempre sa hotel, hindi ko nga lang matandaan ang name ng hotel na yun. Then si Joyce naman, nasa bangko na at babaeng babae na ang itsura dahil sa uniform nya. Kaya naman si Fin na dapat dito din mago-OJT, doon din pumasok sa bangko dahil sa takot na may makaagaw daw ng girlfriend nya, yun nga lang doon sya sa business team dahil BSBA din sya.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon