Earl's POVHindi ko na alam kung anong mukha ang mayroon ako ngayon. Basta ang alam ko lang ay inis na inis ako sa James na to. Kainis! Paasa!
Excited na excited pa kuno sya nung nakita ko syang naghihintay sa labas ng dorm. Hinihintay nya ako at sabay daw kaming pumasok. Tuwang tuwa naman ako dahil doon. Sa totoo lang kasi ay ayaw kong pumasok nang ako lang. I mean, na bago lang, unang pasok, walang kilala. Pero sa kaso ko, kilala man na nila ako, ako naman ang hindi nakakakilala. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging first year sa bagong school kung saan wala akong kilala. Tanong pa ng tanong si James ng iba ko pang schedule at subjects dahil halos lahat naman daw ay kaklase ko sya. Pero nang makarating na kami sa room ko, oo room ko lang dahil hindi ko naman pala sya kaklase. Naiinis talaga ako. Sinabi na nya eh. Kakayamot. Kakagigil. Pagdating namin sa room, excited pa akong umupo sa harap then he said na pupunta na daw sya sa room nya. Naiinis talaga ako, umasa akong may kaklase na kong kakilala ko eh. Pag talaga sumakit nang sobra ang ulo ko, sya ang sisisihin ko.
"Earl.."
Si James yan. Limang minuto nalang ay male-late na sya sa sarili nyang first subject pero hindi sya makaalis dahil alam nyang naiinis ako sakanya.
"Alis na!", halos pasigaw ko nang sabi. Wala na akong pakialam sa tingin ng iba. Ramdam ko kasi na halos lahat ng nandito na sa room ay nakatingin sa akin, ang ibang mukha pa ay mukhang nagtataka.
"Earl naman eh, sorry na"
Nasa tabing upuan ko parin si James. Sa unahan, bandang gitna ako pumwesto. Sabi ni James ay madalas sa likod daw ako pumupwesto noon pero ngayon ay pinili ko dito sa harap dahil hindi baka hindi ko makita ang white board pag nasa likod ako. You know, my eyes problem.
"Shoo! Alis!", pagpapaalis ko sakanya habang nakasimangot ng todo
"Psh! Earl naman eh, dito lang naman tayo di magkaklase eh", paliwanag nya
"Wala akong paki, kahit di na kita kaklase pa sa susunod. Inis!", tinaboy ko sya ulit at bahagya pang tinulak
"Earl.."
Medyo naawa naman ako sakanya. Isang minuto nalang din kasi at time na pero di pa sya nakakapasok. Kahit naman inis ako sakanya ngayon, eh ngayon lang yun. Ayoko namang ma-late sya. Don't get the wrong idea huh? James is like a brother to me. I love him like how I love my kuya Lloyd. And I am enjoying being clingy to him. Well, maybe it's because he was the one who I first saw at the hospital that day.
Flashback~
Ginalaw ko nang kaunti ang daliri ko kahit hirap na hirap ako. Iminulat ko rin nang kaunti ang mga mata ko pero napapikit din ako agad dahil sa liwanag. Iminulat ko ulit ngunit malabo naman ang aking nakita pero may nakita parin ako. Lalaki. Malabo lang sya pero alam kong nakatingin sya sa akin. Ipinikit ko pang muli ang mata ko saka dumilat pero wala na akong akong nakitang sinuman. Yun ay dahil nagsimula na syang sumigaw.
"Gising na sya! Doc doc!"
Yun lamang ang tangi kong narinig. Pikit-mulat lang ang ginawa ko hanggang sa unti unti ko nang nakita ang paligid. Puro puti. Patay na ba ako? Hindi hindi. May naririnig pa ako. Nararamdaman ko din ang kamay na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Hospital?
"Doc okay na po ba sya?"
Doc? Mukhang nasa hospital nga ako? Pero anong ginagawa ko dito? Napapikit ako dahil sa sakit ng ulong naramdaman ko.
A-Aray!
"E-Earl ayos.. ka.. lang?"
Tumingin ako sa taong nasa harap ko ngayon. Yung lalaki. Umiiyak sya. Iyak sya ng iyak na parang nanalo sa kung saan man. I didn't know where it came from but my heart suddenly ached. Seeing this man cry makes me in so much pain. Sobra syang umiiyak pero nakangiti.
BINABASA MO ANG
The Real Love
ActionThe Real Love (Book 2 of The Real Me) UnknowName_09 (ElleGieElle) Highest Rank: 04 in Unknown Kamusta na nga kaya ang ating mga bida? Basahin at unawain. Mag-vote at magcomment. Recommendation is also appreciated. Thank you. -Ms. Elle