Chapter 24

339 17 1
                                    


Earl's POV

Hindi na ulit sumagot si King sa sinabi ko. Instead, mabilis nyang in-start ang motor saka ito pinaharurot ng mabilis, napakapit tuloy ako nang mahigpit sa waist niya. Gusto ko sanang magreklamo pero iniisip ko na baka gusto lamang ni King na maihatid na agad ako kaya hindi na ako nagreklamo pa.

Hindi narin sumakit ang ulo ko di kagaya ng kanina. Siguro nga ay kailangan ko lang ipanatag ang utak ko para maiwasan ko ang pananakit nito.

Madilim at alas-7:12 na nang huminto yung motor namin sa tapat ng isang parang bahay. Maganda ito pero parang bahay talaga. May second floor din ito. Nang inihinto ni King ang motor, bumaba agad ako at tinanggal ang helmet na suot ko.

"Where are we?"

"Headquarter"

"Oh", napatingin ulit ako sa cute na bahay na nasa harap namin. Ang ganda talaga lalo na yung paligid dahil may mga bulaklak sa gilid.
"Wow", react ko pero napatigil din nang may maalala ako
"Pero teka, bakit nandito na tayo? Pano yung sasakyan ko?"

"I'll just talk to someone to fix and fetch your car. After 30 minutes, you'll see your car again"

"Oh okay"

Pwede naman pala yung ganun, sana sinabi nya kanina pa.

Ang totoo hindi ko alam kung bakit nagtitiwala na ako agad dito kay King kahit ngayon lang kami nakapag-usap. Pero siguro dahil narin sa sinabi nya kanina na kilala nya naman ako.

"Earl!"

Napatingin kami nang sabay-sabay nagsilabas sila AJ at mga boyfriends nila kasama si James sa pinto.

Tumakbo agad ako sakanila at niyakap sila AJ.

"Where have you been? Bakit hindi ka na namin matawagan kanina?", tanong agad ni Joyce

"Na-dead bat ang phone ko"

"Ayos ka lang ba?", tanong naman ni Patrice

"Yeah"

"Really? Are you sure you're okay?", nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si James. Sobrang seryoso ng mukha nya pero nung nakita ko sya napayakap agad ako sakanya. Mukhang nagulat pa sya dahil sa ginawa ko dahil napaatras sya nang kaunti.
"Oh easy, masyado mo akong na-miss", balik sa dating maloko ang tono ng boses nya at ginulo pa ang buhok ko

"Psh, James sumakit ng sobra yung ulo ko kanina", I said to him na parang nagsusumbong na bata

"As expected", napapabuntong hininga nyang bulong pero rinig ko naman
"Kamusta ka?"

"Okay na ako", nagthumbs up pa ako sakanya habang nakangiti

"Earl, nasaan na ang cupcakes?", biglang tanong ni Eunice mula sa likod ni James

"Nasa sasakyan ko pero nasa daan pa rin yun but King said it will arrive here after 30 minutes", paliwanag ko sakanya

"Teka paano pala kayo nakarating ni King dito?", tanong naman ni Harvey na nasa tabi ni AJ at nilalaro ang buhok nito. Panay naman ang tabig ng isa sa kamay nya.

Ang sweet ng dalawang to.

"Wait..", nakakunot na sabi ni AJ bigla saka tumingin sa likod ko. Napatingin din tuloy ako and then I saw King na nakakunot na naman ang noo
"..don't tell me, after how many years, pinasakay mo sya dyan?---", bigla syang natahimik dahil sa tanong nya
"I mean, ayun nga. Dyan kayo sumakay?", sabay turo sa motor nya.

Why do I feel na parang ayaw nila akong pasakayin sa motor?

"Yeah", sagot ni King

"It was fun", I suddenly said habang nakangiti pa
"I suddenly want a motorcycle too---"

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon