Chapter 34

380 15 0
                                    


Earl's POV

Walo kaming bumaba sa van na pagmamay-ari ng Whane University. Ako, James, Romeo, Jenie, tatlo naming kasama na hindi ko kilala dahil hindi ko naman naging kaklase and si King.

Nandito kami ngayon sa tapat ng L.M company para iendorse ng school dahil today na ang start ng aming OJT.

"Good morning Ms. Bless", pati ni Sir Leo na naghatid sa amin ngayon sa secretary ng president ng kumpanya which is panget.

"Good morning Mr. Leo, come inside", pagyaya nya sa amin kaya agad naman kaming pumasok sa loob ng kumpanya.

Ganun parin ito. Oh well, kagagaling ko lang naman dito kahapon nang ihatid ko yung papers na inutos sa akin ni panget. May mga nadaanan din kaming pamilyar na mga mukha, yung iba ay ngumingiti sa amin kilala man o hindi.

Pumunta kami sa office sa ground floor at doon kinausap ni sir Leo ang ilan sa mga staffs na mangangalaga sa amin dito. Makalipas ang mga 15 minutes na paghihintay, lumabas na si sir pati nadin ang ilang staffs kabilang si Ms. Bless.

"So these are our students, King Manduazon", sabay turo ni sir kay King na nasa dulo
"James Arocilla, Romeo Enriquez, Dino Oscar, Reniel Cruz, Jenie Valdez, Vina Gonzaga and Earl Medina", at huli akong tinuro ni sir dahil ako ang nasa dulong babae.

Kita ko pang nagulat ang ilan sa staffs na nandito nang makita ako. Ngumiti nalang ako sa kanila ng tipid at tumango nang bahagya bilang pagbati. Maliban kay James, wala nang ibang kaklase ko ang nakakaalam na sa amin ang kumpanya na ito. Hindi naman sa tinatago ko pero ayoko kasing magkaroon ng special treatment sa akin dito, bukod naman kasi sa mga ilang staffs dito, Ms. Bless at kuya, wala na ring may alam na isa ako sa may ari nito.

"Good evening students, I'm glad that students from Whane University chose to have your on the job training here in our company. Well, I hope you learn a lot from us and I hope you enjoy as well", Mr. Lozano said, one of the process executive of this company.

"Thank you so much Sir"

"Okay then, Ms. Bless, can you accompany them in the marketing team?"

"Yes sir", Ms. Bless said then tumingin sa amin
"Follow me"

Bago kami umalis doon, nagpaalam naman na muna si sir Leo papunta naman sa ibang company para samahan naman yung iba na nakaschedule nang 9. Kami kasi ay 8 ng umaga.

"Bye, thank you sir. Ingat po", Jenie said to sir

Sumunod naman kami kay Ms. Bless pagkatapos. Dito kami dinala sa marketing team kung saan din kami nagtrabaho noong bakasyon ni James na hindi rin namin natapos dahil nga nung aksidente. Mabuti nalang at dito kami noon kung hindi, baka nagkacontract pa kami na hindi namin natapos kung sa ibang kumpanya kami.

"Ohh James guy!"

"Earl!"

"Namiss namin kayo!"

Ayan agad ang bungad ng ibang staffs dito sa marketing team na pinangunahan nila Trisha at Razz. Takang-taka tuloy yung iba naming kasama kaya napatingin sila agad sa amin.

"Kilala kayo dito?", bulong sa akin ng katabi kong si Jenie.

"Yeah. We had our summer job here"

"Really? Tumanggap sila ng ganun?"

"Yeah"

"Okay team. Here our new team mates. They are from Whane University, please take care of them. They have to learn something from us so help them improve and be successful", Ms. Bless said then pinakakilala kami isa-isa.

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon