Earl's POVMay pasok na ulit kami sa monday!
At kalalabas ko lang ng Hospital.
May bandage pa ako sa ulo gawa ng aksidenteng kinasangkutan ko at ni James pero okay na ako at uuwi na ko ngayong araw. Sabado ngayon at kasama ko sa pag-uwi si James. Tatlong linggo din akong nag-stay sa Hospital samantalang dalawang linggo naman si James. Nagkaroon ng bali si James sa kaliwang kamay pero okay naman na sya. Ako naman ay ulo ang impact sa akin ng aksidente. Si manong naman na nagda-drive noon ay hanggang ngayon ay mananatili sa Hospital. Kawawa nga ang pamilya nya eh, kaya imbes na sagutin ni manong ang pang-hospital namin dahil nga sya ang may responsibility ng nangyari, sila mom and dad na ang sumagot ng panggamot nya.
Abot-abot naman ang pasasalamat nila sa amin.
Isang linggo akong tulog sabi nila mom at ng mga kaibigan kong sila AJ. Halos araw-araw din silang nasa room ko non para daw hindi ako ma-bored at sobrang tuwang-tuwa naman ako sakanila dahil doon. I appreciated them a lot. Although there was a times na hindi ko talaga sila maintindihan.
But today na time na ng labas ko dito sa hospital, si James lang ang kasama ko. Hindi ko na inabala pa sila mom, dad at kuya dahil okay naman na ako at may mga trabaho pa sila. Sila AJ naman ay ngayon ang lipat sa Whane dormitory kaya wala akong choice kung hindi ang makasama ulit si James. Nagsasawa na nga ako sa lalaking to eh.
"Oh eto nga pala yung mga litrato natin nung nagtetraining tayo", ibinigay nya sa akin ang halos sampung pictures na wallet size. Picture na nasa swimming pool, picture sa boxing ring, picture sa garden at iba iba pa. Kinuha ko naman yun at inilagay sa bag ko.
"Tingnan mo yan palagi ah para di mo ko makalimutan""Baliw ka talaga", napapailing kong sabi sakanya.
Eh sa nakakainis na ngisi nya pa nga lang, bumabaon na sa utak ko eh. May pictures pa, mamaya bangungutin na ako eh.
"Let's go!", he said nang pagbuksan ako ng pinto
"Are you ready to go home?""Yes I am ready!", sagot ko naman sakanya nang makaupo na sa passenger seat.
"Alright! Here we go!", sigaw nya na napakalakas kaya napatakip nalang ako sa tenga ko.
Ang sakit! Kainis tong lalaking to!
-
"Earl, are you sure you want to stay in a dormitory?", tanong ni mom sa pangatlong beses
"Yes mom", sagot ko saka uminom ng tubig.
Nasa dining area kaming tatlo. Si kuya Lloyd ay nasa dorm nya na daw.
"You'll be okay there?"
"Yes mom", sagot ko ulit
"Why mom? Do you think I can't live alone? Am I that fragile?", I asked wondering"No Earl, you're the strongest lady I've ever seen", she said smiling na nakapagpangiti sa akin
"Kailan ka lilipat anak?", dad asked
"Tomorrow dad, tutulungan ako ni James", I said
"James guy again? How about AJ, Eunice, Joyce or Patrice?"
"I want to surprise them"
"Ohh. Okay. Just be careful there okay, if you need anything, ask us. Understand?"
"Yes mom. Don't worry po"
Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko at inilibot ang tingin ko doon. Sabi ni mom ay pinalitan daw nila ang ayos ng kwarto ko and it is good. Nagustuhan ko ang ayos. Sumilip din ako sa CR pati sa closet at ang oraganize ng lahat. Parang bumubuti tuloy lalo ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
The Real Love
ActionThe Real Love (Book 2 of The Real Me) UnknowName_09 (ElleGieElle) Highest Rank: 04 in Unknown Kamusta na nga kaya ang ating mga bida? Basahin at unawain. Mag-vote at magcomment. Recommendation is also appreciated. Thank you. -Ms. Elle