Chapter 27

377 17 5
                                    


Earl's POV

"Uy.. Uy.. Uy", paulit-ulit na pangungulit ni James na nasa tabi ko ngayon pero hindi ko sya pinapansin. Kanina pa sya ganyan, hindi na nga yata nakinig sa mga prof. eh. Nasa kalagitnaan kami ng klase pero patuloy ang pangangalabit nya at pangungulit.

"Hey.. You okay?"

Pero hindi lang sya yung tanging nangungulit, isa pa tong katabi ko. Kung dati sa text lang sya nakakapangulit, ngayon pati narin dito. Simula noong makita nya kung paano kami mag-away ni James, panay na ang tanong nya kung okay ako at kung nakukulitan daw ba ako kay James kahit ang totoo, sakanilang dalawa ako nakukulitan.

Pero pareho ko silang hindi pinapansin at patuloy na pinipilit na makinig sa prof kahit ang totoo ay napakahirap dahil sa dalawang to. Hindi ko na nga alam kung saan na ang discussion ng prof namin ngayon eh.

"Ma'am?", I raised my hand and called the attention of my prof

"Yes Ms. Medina?", tanong agad sa akin ng prof pagkaharap nya sakin

"May I go to the CR?"

"Of course"

Mabuti nalang at mabait ang prof ko na to di tulad ng iba. Ang totoo, hindi ko naman talaga kailangan mag-CR, I just made an excuse para lumabas muna. Nakukulitan na kasi ako talaga sa dalawang katabi ko kaya kailangan kong lumabas para makawala muna sa kanila. Tsk.

Lumabas na ako sa room at nagdiretso sa CR ng floor na to. Nasa huli yung CR kaya diretso lang ang lakad ko. Pagkapasok ko sa CR, may dalawang istudyante na ang nandun, naghugas lang ako ng kamay habang nakikinig sa usapan nila.

Oo nag-uusap sila.

At oo, nakiki-tsismis ako.

Sabi ko na nga ba't may pagkatsismosa ako noon eh. At ngayon ko yun napapatunayan. Anyway, nakikinig ako ng usapan nila dahil pagkapasok ko palang, pangalan nya agad ang narinig ko, naintriga tuloy ako.

"Oo, ang gwapo talaga ni King"

Sikat pala sya?

"Dumaan tayo ulit sa room nila"

Ay parang gusto kong sumabay, dun din ako eh.

"Pero diba may girlfriend yun?"

Oo kaya, si Alyanna

"Talaga? Sino nagsabi?"

Ay ayaw maniwala?

"Sabi nung ate ko, matagal na daw sila, since highschool pa may girlfriend na yun"

Ay, talaga? Ang tagal na pala nila? Pero sa pagkakaalam ko, sa Australia dati nag-aaral si Alyanna ah. LDR?

"Really? Pero bakit pag minsan nakikita ko sya, mag-isa lang"

Loner kasi.

"Pero ito pang chika ko.."

Ay may isa pa, ano yun?

"Oh ano pa yun?"

"Sabi-sabi din kasi, break na daw yung si King tyaka yung girlfriend nya last sem"

Hala! Mukhang hindi naman

"Ay bakit?"

"Ewan eh"

"Ano ba name nung girl?"

Alyanna

"Ewan ko eh, Queen yata"

"Oh? Taray! King and Queen ganun?"

King and Queen?

"Hindi ko sure, pero ayun yung tawag daw ni King dun kay ate girl"

The Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon