Simple lang naman ang gusto ko. Perfect na buhay, perfect na pamilya.'Yung walang problema, walang iyakan, at 'yung walang nasasaktan. Nakakapagod na kasing masaktan eh, nakakapagod na ring umiyak at nakakapagod na ring umasa.
Sabi ko sa sarili ko 'di na ako magmamahal, 'di na ako magpapakatanga para sa isang lalaki. Para sa akin pare-pareho lang naman sila. Mga paasa at mga taong gusto lang paglaruan ang puso ng mga babae.
But everything changed when I met him.
Parang lahat nagliwanag. Palaging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya, kapag nakikita ko siyang nakangiti...'di ko rin mapigilan na ngumiti.
Kahit hindi ako ang nginingitian niya okay lang sa akin, basta makita ko lang ang matamis niyang ngiti.
Basta masaya siya parang tumatalon na rin ang puso ko sa tuwa. Nagbago ang lahat na nararamdaman ko noon, pero sabi nga nila... lahat ng bagay ay may katapusan. Lahat ng mga kasiyahan ay may katumbas na kalungkutan. Lahat ng mga ngiti na nakukuha mo kapag nakikita mo siya ay mapapalitan din ng lungkot.
Lahat ng masasayang alaala na kasama mo siya ay mapapalitan ng sakit, hapdi at kirot sa puso mo. Lahat ng tawa na nakukuha mo kapag kasama mo siya ay mapapalitan ng walang tigil na pag agos ng mga luha sa tindi ng sakit na nararamdaman mo.
Pero may kasabihan din naman na pakatapos ng ulan ay darating ang napakagandang bahaghari para makapagpaliwanag uli sa buhay mo.
Pero kaya ko bang kumapit hanggang dumating ang bahaghari na 'yon? Kaya ko bang kumapit sa gitna ng mga pagsubok na mararanasan namin. Lahat ba ng iyakan at kalungkutan na nararamdaman ko ay may katapusan din?
Paano kung bumitaw ang isa sa amin? Mananatili bang kami hanggang dulo? Kakapit ba kami hanggang dulo o bibitaw na lang?
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?