Shey's P. O. V
Bumalik na rin naman ako sa music room pakatapos kong makapagpahinga nang kaunti at makapag-isip-isip. Nakita ko namang nagtatawanan silang lahat pagdating ko, pati nga si Alex ay nakikisama na rin pero ngumingiti lang siya. Nakita ko rin si Christianak na nakupo doon sa couch pero 'di ko na lang siya pinansin. Wala na akong energy makipag-away sa kaniya at tsaka gumugulo pa rin sa isip ko yung mgq sinabi no'ng lalaki kanina.
"Oh, Shey? Himala, 'di mo sinigawan si Clyde," saad ni Jas. 'Di ko na lang siya pinansin at umupo na sa tabi niya.
"Ano'ng pinagtatawanan niyo?" tanong ko sa kanila. Tiningnan naman nila ako habang may mga ngiting nasisilayan sa kanilang mga labi.
"Kinikuwento lang namin sa kanila yung time na unang nagkita kayo ni Clyde, yung time na nakagawa kayo kaagad ng endearment," sagot naman ni Azu. Eh? Endearment? Ano'ng pinagsasabi ng babae na'to?
"Ha? Wala akong natatandaan na endearment," wika ko sa kanila habang nakakunot ang aking noo.
"Yung Christianak at Jeanano!" sabay-sabay nilang sigaw.
"The fuck? Ano bang endearment ang pinagsasabi niyo?! Eh 'di nga kami ng Jeanano na 'yan eh!" pagtatanggi ni Christianak sabay tayo dahil sa pagkabigla.
"Hoy, Christianak. Sinabi mo na kaya na tayo na kanina kaya panindigan mo!" sigaw ko rin sa.kaniya.
"Gusto mo rin naman. Nagkukunwari ka pang galit eh." Ipinikit ko naman ang mga mata ko at huminga nang malalim, pilit kong pinapakalma ang sarili ko para naman hindi ko siya tuluyang ipapatay kay Alexandrita na talaga namang napakaastig. Wala eh, paborito ko talagang palabas ang Steven Universe.
"Hindi ko 'yon ginusto. Ikaw ang unang nagsabi kaya ikaw ang may gusto. Feeler ka!" Pinapakulo talaga ng tyanak na'to ang dugo ko.
"Heh!" sigaw niya sa akin sabay talikod. Bastos talaga ang isang 'to, kinakausap ko pa nga siya tapos bigla ba naman akong tinalikuran.
"Heh ka rin!" sigaw ko rin sa kaniya at tumalikod din.
"Sabi na sa inyo eh! Bagay talaga sila!" sigaw ni Nian at nagtawanan na nga sila. Mabuti pa sila, nagkakasundo na. Eh kami ng Christianak na'to? Wala na atang pag-asang magkasundo kami.
° ° °
Nandito na ako ngayon sa kotse ni Kuya Shaun, pauwi na kami. Himala nga eh, tahimik ang isang 'to. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Siguro nabusted. Mabuti nga sa kaniya.
"Hoy, Sheyrylle," tawag sa akin ni Kuya kaya napalingon ako sa kaniya.
"Ano 'yon, Kuya?" tanong ko naman sa kaniya. Ngumisi naman siya nang nakakaloko.
"Ikaw talagang bata ka, 'di mo sa akin sinabi na nagkakamabutihan na kayo ng batang Jancaster na 'yon ah." Bigla namang namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Paano niya nalaman 'yon? At tsaka anong nagkakamabutihan ang sinasabi niya riyan?! Mabuti na ba ang tawag do'n sa amin?!
"Hindi ah! Inaaway ko kaya 'yon, Kuya. At tsaka 'di nga kami magkaibigan no'n eh," sabi ko sa kaniya. Siguro nalaman niya 'yon dahil sa mga connections niya kuno, gwapo nga raw kasi eh. Pagbigyan na.
"Hindi kayo magkaibigan dahil mag ka-ibigan na kayo?" pang-aasar niya naman sabay ngisi.
Kailan pa natutong bumanat ang isang 'to? At tsaka anong magka-ibigan ang pinagsasabi niya riyan? 'Di ako basta- bastang magpapatalo sa tyanak na 'yon. Not now, not ever.
"Kailan ka pa natutong bumanat? Tumigil ka nga, Kuya. Sige ka, ipo-post ko sa facebook yung picture mo na may make-up ka at sasabihin ko rin na 'yon talaga ang totoo mong anyo. Sigurado akong biglang babawas ang mga followers mo at magluluksa rin ang mga fans mo," sabi ko kay Kuya Shaun habang nakangisi, namilog naman ang kaniyang dalawang mata. Nasa akin pa rin talaga ang huling halakhak.
"Sabi ko nga, tatahimik na ako. Subukan mo lang na kalatin 'yon, patay ka talaga sa akin", sabi niya, may pam-blackmail na ako kay Kuya kaya nasa akin ang alas.
Paano naman kasi, nilagyan ko siya ng make-up habang natutulog siya, gusto ko kasing ma-try yung bagong biling make-up sa akin ni Mommy pero dahil sa hindi naman talaga ako masyadong mahilig mag make-up... Ni-try ko na lang kay Kuya Shaun, kaya galit na galit talaga siya paggising niya. Mabuti nga 'yon sa kaniya. Matagal na akong hindi nakakapaghiganti sa kaniya, 'di naman patas kung hindi ako makakapaghiganti, diba? I also have my rights!
Pagkadating namin sa bahay, namilog pareho ang mga mata namin ni Kuya dahil bumungad kaagad sa amin ang pagmumukha ni Mommy
"Mommy! Nakauwi na po kayo galing sa business trip niyo sa Taiwan?" tanong ko kay mommy kahit na obvious na dahil nandito na siya ngayon sa harap namin.
"Nako talaga 'tong mga anak ko!" nakangitiny sabi ni Mommy Jeanallyn sabay beso sa amin ni Kuya.
"Kumusta po ang bussines trip?" tanong ni Kuya Shaun, napangiti naman si Mommy dahil do'n
"Naging maayos naman ang lahat, pupunta rin ako sa Japan next month dahil may training pa kami doon, sabihin niyo na lang sa akin kung ano ang gusto niyong pasalubong, ha?" Napangiti naman ako at tumango. 'Yan talaga si Mommy, gagawin niya ang lahat para lang sa kapakanan namin ni Kuya Shaun.
Higit pa sa sapat ang binibigay niya sa amin, 'di tulad ng walang kwenta kong ama na pambababae lang naman ang inaatupag.
"Mag-iingat po kayo palagi at huwag niyo rin pong papabayaan ang iyong kalusugan," paalala ko. Ayoko kasing ma-stress nang sobra si Mommy. Para kasi sa amin ni Kuya, siya na lang ang magulang namin. Siya na lang at walang iba.
"Oo nga po, and don't overwork yourself. You should rest", dagdag pa ni Kuya Shaun.
Alam na namin ni Kuya na nambababae si Papa. Matagal na naming alam, since 8 years old pa ako. Natatandaan ko pa noon yung sinumbat sa akin ng kaklase ko no'ng grade 6 ako. Mabuti nga raw at may ama ako kaya huwag daw akong mag-inarte, gusto ko rin sanang sabihin sa kaniya noon na hindi naman lahat ng tao ay swerte sa mga ama nila pero hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong kapag pinatulan ko siya ay mas lalo lang lalaki ang gulo.
We both decided to carry this burden just to see our mother smile.
Mas okay na kami na lang ang masaktan keysa si Mommy dahil kapag nakita naming nasasaktan si Mommy, mas doble ang sakit na mararamdaman namin ni Kuya.
"Ang sweet naman ng mga anak ko, pa-hug nga!" 'Yan si Mommy. Wala siyang pake kung ilang taon na kami, basta baby pa rin kami para sa kaniya.
"The dinner will be ready soon kaya magbihis na kayo," paalala niya sa amin at tsaka kumalas na sa yakap. Tumango na lang si Kuya habang ako naman ay ngumiti na lang at nagsimula na nga kaming lumakad papunta sa kaniya-kaniya naming mga kwarto.
Ito na naman kami, magpapanggap na naman kami na wala kaming nakikita, na wala kaming naririnig, at na wala kaming alam para manatiling buo ang pamilya namin.
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?